JEORGE ESTREGAN

Enero 23, 2012

TWO THUMBS UP to Jeorge Estregan! for doing the role of Asiong Salonga in Metro Manila Film Fest Entry “Manila Kingpin”

Actually for me the whole movie is great, every character is perfectly doing their roles. ASTIG! Para sa akin tamang-tama yung pagkakaganap ni J.E (Jeorge Estregan) sa movie.

Si J.E ay dating gumaganap na kontrabida sa mga pelikula ng mga kilala at batikang aktor sa Pinoy Movies noon bilang isang adik o notoryus na killer, kung kaya nung nakita ko ang preview at MTV ng Pelikula na ito ay nagulat ako pero at the same time I was Amaze!

Parang ang dating ng image niya ngayon ay maala Eddie Garcia, where before E.G is doing the role of bad guys and eventually he swithc sides and it works very well for him, tulad din nitong si J.E swak na swak ang kanyang role as Manila Kingpin, honestly hindi ko pa napapanood ang pelikula pero I trust on my guts na this movie is a keeper.

As an ender I want to say TWO THUMBS UP! Sa lahat ng bumuo at kumakatawan ng pelikulang ito mula sa mga actors, directors, crew, staff etc. pati narin sa mga nag-sheshare ng info tungkol dito… mabuhay kayong lahat, mabuhay tayong lahat at mabuhay ang Pelikulang Filipino! TWO THUMBS UP! SA ATING LAHAT!


PAANO BUHAYIN ANG PATAY NA BLOG SITE

Enero 23, 2012

Maraming beses na akong naging inactive sa blogo sphere, ako nga minsan ay medyo nahihiya na sa aking mga readership dahil madalas kung hindi na nauupdate ang blogsite ko na wala man lamang notice. Pero this time I hope everything will be fine, I believe I already identify the issue and solved it. (will discuss this to some of my blog soon…)

Sa dami ng beses ko na naging inactive, maraming beses din akong sumubok na maging active. Talagang sa una medyo mahirap imotivate ang sarili kung paano mo bubuhayin ang blogsite mo, para kasing nakakatamad na dahil parang back to zero nanaman ang lahat. Pero ito ang mga ginagawa ko para maramdaman kung buhay nanaman ang aking kaharian(blogsite) paki basa ang mga sumusunod…

MAGPALIT NG MGA PICTURE

Kapag nagpapalit o nagpalit ka ng picture, mararamdaman mo at ng iyong mga tagasubay-bay na “Aba merong pagbabago, ibig sabihin buhay pa itong site na ito”

MAG-UPDATE NG STATUS

Kung ano ang mararamdaman mo sa pagpapalit ng picture ganun din sa paga-update ng status. Pero mas malakas ng kaunti yung impact kapag nag-update ka ng picture at mas lalong malakas kung sabay mo ito ia-update.

MAGLATHALA NG MARAMING ARTIKULO

Kung kaya mo na magdag-dag ng maraming artikulo ay gawin ito, para bang isang pa-welcome back mo sa iyong sarili at gayun rin sa iyong mga tagasubay-bay.

Kahit na hindi mo gawin sa isang araw ang mga nasabi sa itaas ay walang isyu, dahil ang importante lamang sa isang blog para ma-identify na “buhay” ay kumikilos ito daily/weekly or monthly.

Happy Blogging.

Rocky Rivera


Chuck Taylor at ang AirForce1

Enero 23, 2012

Fortunately I got the oppurtunity to own both of them. Medyo nahirapan lang ako noon na hanapin ang AirForce1. By the way if your wondering what is Airforce1 as far as I know its like the Chuck Taylor counterpart of Nike. Pang harabas, pang lakad, pang-casual etc. and then people might ask, sino sa dalawa ang mahusay gamitin?

Well kung security ng paa ang paguusapan in my own expirience mas protektado ang paa mo sa AF1 (AirForce1) kapag natuluaan ng tubig ang Chuck Taylor mo malaki ang chance na mabasa narin ang medyas mo (kung may suot ka) unlike sa AF1 hindi ito mangyayari dahil kulob ang paa mo and take note leather ang AF1.

Kung sa pagiging foot friendly, para sa akin doon aangat yung Chuck Taylor. Kasi mas presko sa paa dahil nga tela ito. Di tulad sa AF1 kapag mainit ang panahon ay talagang ramdam mo ang init dahil kulob ang paa mo.

Pagdating sa pormahan halos magkapantay lang naman sa itsura magkakatalo lang ng kaunti sa sukat ng pantalon, kung mga fitting o semi-fitting ang isusuot mo ay ayos iyong sa AF1 pero kapag mga maluluwag na ay depende sa bagak at luwag nito.

Wala lang pinagtugma o pinagkumpara ko lang ang dalawang sapatos na ito. Kasi alam naman natin na usually Converse ang naghahari pagdating sa mga casual pero like some people I also like Nike so just for curiosity sake I wrote a blog about it.

Chill!

Rocky


Iphone 4 O Iphone 4S? Bili nah!

Enero 23, 2012

Ito yung simple at maikling artikulo para magbahagi ng sariling opinyon na base sa personal kung karanasan nung ginamit ko ang dalawang teleponong ito, sana ay makatulong sa inyong pagdedesisyon.

Didiretso na ako sa (mga) paksa na kung saan interesado ang mga Pinoy.

 

Bakit Iphone 4 ang dapat mong bilin?

 

Kung importante sayo yung storage at budgeted ka. bili ka ng 32GB iphone 4, kasi yung presyo ng 4S 16GB ay mahal pa sa presyo ng 32GB iphone 4 (price is base to KSA country.)

 

Kung importante sayo yung maititipid na pera. Para kasi sa akin kung bibili ka nalang rin edi bilin na yung “The Best” yun ay kung ang ida-dag-dag mo rin namang pera eh 25% pero kung more than that dun ako mag-iisip. Pero kung bibilin mo ang iphone4 eh halos pareho rin ito ng 4S, yan ay sa ngayon ko nasasabi dahil bago pa nga ang 4S at hindi pa gaano nagagawaan o nababatak ang kakayahan, ni jail breaking nga ay wala pa atang nakakagawa sa ngayon.

 

Bakit Iphone 4S ang dapat mong bilin?

Kung nasa lugar ka na madaling makakonekta sa internet. Isa sa ipinagmamalaki ng 4S ay yung Siri voice assistant sya. Pero hindi aandar ang Siri kung hindi ka nakakonekta sa internet.

Kung importante sayo yung storage at may extra budget. Ang 4S ay nag-ooffer ng upto 64gb samantalang yung iphone4 ay 16 at 32gb lang. pero dito sa Saudi wala pang nagbebenta ata ng 64GB, puro 16 at 32GB palang.

Kung metikuloso ka sa bilis ng telepono. Sabi nila yung “S” stands for SPEED, in terms of internet connection at paglalaro ng games habang nakabukas yung ibang application sa iyong background, may kabilisan nga talaga ang 4S, pero hindi ito gaano pansinsin, pero kung metikuloso ka sa bilis at may sobrang pera na pang dag-dag 4S ang bilin mo.

Kung importante sayo yung megapixel ng camera. 8 megapixel na yung 4S pero nung ginamit ko yung camera nito ay hindi mo agad masabi kung ano kaibahan. Kung pang-facebook lang at pang documentation tama na yung camera ng iphone4, pero kung magphophotoshop ng mga picture may maitutulong yung upgrade ng iphone4S