Maagang Pag-aaasawa

 

Kapag may asawa ka na tapos na maliligayang araw mo…

 

Hindi mo na magagawa ang nagagawa mo nung binata ka kapag may pamilya ka na…

 

Katapusan na ng Happenings kapag nagka-asawa ka na! Hindi ka na Malaya!

 

 

Eto yung mga madalas nating masaisip kapag naririnig natin yung salitang pag-aasawa, parang lumalabas isang sumpa ang maging isang Ama ng tahanan o di kayay isang balakid sa buhay ang magkaroon ng pamilya.

 

Hindi malayong takot ang nabubuo sa mga kabataan ngayon kayat ang mga nagdadalang taong dalaga ay naiisipang ipalaglag ang nasa ikinasa-pupunan nila, ganun din lalo na sa mga lalaki, madalas na iniiwan ang kasintahan kapag nalamang nakabuo sila. Hindi rin malayong tumaas ang bilang ng mga wasak na pamilya dahil sa aking palagay ito ang isa sa mga dahilan kung bakit dumadami ang mga iresponsableng tao ngayon pagdating sa pagdadala ng gampaning pampamilya, dahil ang nasasaisip nila.

 

mahirap ang magkapamilya…

hindi ako uunlad kapag may pamilya na ako

isang bigong buhay ang makapag-asawa ng maaga…

 

ito ang maaring mabuo sa ating kaisipan kung hindi tayo maingat sa pagtngap ng mga impormasyong ating nadidinig.

 

Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay isang responsibilidad ngunit ang nakikita lamang ng mga tao ay ang hirap at hindi pinapansin ang sarap na nakakamit habang tinutuparan mo ang gampanin ng isang magulang. Lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad sa buhay iba-iba nga lang ng uri at iba-iba tayo ng pananaw sa mga gampanin na ito, nataon lang na ang interpretasyon ng maraming tao sa buhay may asawa ay puro reklamo dahil karamihan ng mga naghihirap ngayon ay may pamilya at maraming anak. Sa tingin ko ang mga taong ito ay ginagawa nalamang na dahilan ang maagang pag-aasawa o maagang pag-kakaanak maaring itoy isa sa dahilan ngunit hindi ito validong katuwiran upang gamiting dahilan upang isisi sa iba ang hindi pag-asenso. Single ka man o may asawa walang pinipili ang kahirapan hindi sa estado kung may asawa ka na o wala ang usapan sa pag-unlad, maraming aspeto ang dapat pag-aralan upang umasenso tayo at hindi ko ito matatalakay sa artikulong ito. Ang aking punto eh hindi dapat natin isisi sa ating pamilya kung tayo man ay nahihirapan, hindi rin natin dapat isisi sa isang sangol ang mga pagsubok na darating sa ating buhay kayat hindi marapat na dumating sa puntong kitilin ang kanyang buhay.

 

            Ang pag-aasawa ay hindi katapusan ng kaligayahan ng isang single life ito ay extension ng mas marami pang good times at adventure, ibig sabihin mas lalong masaya, mas lalong makulay.

PS

Akin rin iniririkumendang basahin din ang ginawa kung artikulong pinamagatang

“Ang Pinaka importante sa kasal”

Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan.

 

Happy Anniversary!

This photo is taken by my Father in 8 waves. Thanks Dad!

Buhay may asawa medyo magulo sa una pero kapag nakasanayan mo na malalaman mong puno ng buhay ay saya!

2 Years na kami!

Going Stronger and Stronger!

Way back 2008 Feb 06

WERE GOING FOR FIVE! THE ADVENTURE CONTINUE! :D

Engaged Since Year 2000, Married at Year 2008

About these ads

One Response to Maagang Pag-aaasawa

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 141 other followers

%d bloggers like this: