Sa Negosyo: Kaalaman ang mas mahalaga, hindi pera para magtaumpay

      

Medyo awkward pakingan na hindi pangunahing mahalaga ang pera sa isang matagumpay na negosyo, totoo na kailangan ng pera sa pamumuhunan pero hindi ito ang dapat na pagtuunan ng pansin ng isang taong nagnanais magsimula ng business. Tulad ng nasa pamagat ng aking blog, “Kaalman” ang mas importante kesa sa salapi, madaling magtayo ng negosyo kapag maraming pera pero madali din itong babagsak kapag kakapusin ka sa maayos na pagplaplano at tamang mga desisyon sa pagpapatakbo ng buisness. Kung inyong bibigyan ng pagkakataon ang inyong sarili na magsalik-sik upang alamin ang mga matatagumpay na negosyo, produkto at invention ngayon ay mapapansin ninyong halos lahat sila ay nagsimula sa maliit na puhunan ngunit dahil sa kanilang kaalaman ang naturang maliit ay unti-unting lumaki.

 

Isang magandang halimbawa: Si Don Pedro at Mang Emilio

 

Don Pedro

 

Si Don Pedro ay isang mayamang tao, gusto niyang magkaroon ng extra income at patok sa kanyang panahon ang Internet Café kayat nung kanyang natuklasan na ito click na itayong negosyo ay kanyang madaling itinayo ang ganitong uri ng business. Kumuha si Don Pedro ng isang taong nakakaalam sa kompyuter para ito ang mag-assemble sa mga bibilin niyang pyesa ng PC at para narin siya ang mag-setup ng networking, kumuha si Don Pedro ng isang pwesto na mapapagtayuan ng kanyang internet café na malapit sa eskwelahan. Sa madaliang kwento nakapagbuo si Don Pedro ng 20 units with networking pero ang negosyong ito ay madali din nagsara at ang biniling pwesto ay pinarentahan nalang niya kamalaunan. Ang dahilan ay natuklasan ni Don Pedro na tinubuan siya ng malaki nung taong bumuo ng kompyuter niya imbis na 20 thousand pesos ang singil kada kompyuter ay ginawang 25 thousand and take note ang mga pyesa ay hindi naman ganung kataas ang uri, sunod ditto ay natuklasan din niyang maraming mga nagrerenta ang nag-wawan two three, wala siyang nailagay na software monitoring device para mamonitor ang mga nagrerenta at mabigyan din ng angkop na singil, hindi ito alam ng kanyang mandarayang teknisyan dahil mostly knowledgable lang ito sa Hardware kaya napagdesisyunan ni Don Pedro na isara nalang ang business at paupahan sa iba, kesa sa kumain ng kumain ng puhunan na wala namang puma-pasok sa kanilang pera.

 

Aral

 

Si Don Pedro ay isang taong pinapangarap ng mga taong maging, maging isang “Don” ibig sabihin maraming pera at maalwan sa buhay. Si Don Pedro ay katulad din natin na gustong mapalago ang salaping naiipon kaya lang ang publema sa kanya eh pinasok ang isang bagay na wala naman siya pang gaanong nalalaman, marahil siguro may paniniwala siyang

            “ang importante eh may pera ka at alam mong malakas kumita ang negosyo”

 

Totoo naman ito kaso ang hindi nasasaisip ng iba ay yung bahagi ng kaisipan na ito na “alam mong malakas kumita ang negosyo” ang ibig sabihin nung alam ay hindi lang yung pagkita ng pera kundi alam mo na ito ay maraming nangangailangan.  Wala gaanong kaalaman si Don Pedro sa kompyuter dahil pinagawa nalang niya ito sa ibang tao, kaya no wonder na hindi rin siya gaanong aware kung anu-anong bagay ang maaring maidulot ng kompyuter maaring ang alam lang niya sa kopyuter  ay puro games hindi niya alam ang internet, printing at iba pang mga pwedeng bagay na magagawa na konektado sa kompyuter. Nung sinibak na niya yung nagbuo ng kompyuter sa kanya dahil sa pangungurakot ay nagsimula narin ang kanyang stuggle dahil wala nga gaanong kaalaman eh hindi rin niya gaano alam kung paano ang mga pasikot-sikot nito. Maganda ang ginawang hakbang ni Don Pedro na isarado nalamang ang rentahan at ipa-upa nalang sa iba dahil kung hindi ito ay magdudulot lang sa kanya ng kalugihan (sayang naman.)

 

 

Mang Emilio

 

Si Mang Emilio ay isang X-abroad, isa siyang electrical technician sa dati niyang pinapasukan sa Saudi Arabia, dahil sa humina ang dollar eh minarapat niyang sa pinas nalang mamalagi, total eh napagtapos nanaman niya ang kanyang mga anak sa kolehiyo at nagsisipaghanap buhay na lahat. Noong si Mang Emilio eh nasa Saudi eh madalas siyang umaatend sa mga crash course seminar tungkol sa computer dahil siguro nagnanais din na huwag mapagiwanan ng panahon kaya nag-aaral, nung una ang layunin lang ni mang Emilio ay matuto sa kompyuter pero nung kamalaunan napagisipan niyang gawing sideline ito sa Saudi at hanggang sa umuwi na siya sa Pilipinas ay pinagpatuloy na niya rin itong gawing sideline. Nung una maraming mga taong nagpapatingin lang ng PC mga minor trouble shooting lang pero kamalaunan eh dumami na ang kontak niya hangang sa mga may-ari na ng internet café ang sineserbisyuhan niya at mula dun paunti-unti narin siyang natuto sa networking, maraming mga naghihikayat kay Mang Emilio na magtayo narin ng Internetan pero nung una ay ayaw pa ni Mang Emilio, nagpalipas ng mga ilang panahon ang matanda upang magmasid sa negosyong ito ng napakiramdaman na niyang pupwede na ang kanyang kaalaman eh nagsimula siya ng tatlong PC sa bahay niya at mula doon siya ay paunti-unting natuto at napalago ang negosyo. Ang pinagkunan niya ng puhunan ay mula sa mga kaibigan niyang nag-enganyong magtayo ng PC rental at ang ginamit niyang mga computer ay mga segunda mano mula rin sa mga kaibigan. Dahil sa alam na ni Mang Emilio mga pasikot-sikot sa rentahan eh alam na niya kung papaano haharapin ang mga taong nag-wawan two three at napapagplanuhan na niyang maigi kung anung mga games at mga iba pang sideline ang idadag-dag niya sa kanyang Internet Cafe, naglagay rin siya ng printan, pa-burn ng CD at mini photo studio ngayon ay may tatlo ng Internet Café si Mang Emilio at ang mga kinikita niya ay ipinangsosoporta sa kanyang rentahan at ang iba namang salapi ay ginagamit niya sa pagaaral sa mga crash course upang maging aware sa mga bagong technolohiya na maari niyang gamitin sa kanyang negosyo.

 

 

Aral:

 

Si Mang Emilio ay hindi katulad ni Don Pedro, katulad ng nakakarami si Mang Emilio na isang pangkaraniwang mamamayan pagdating sa pinansyal na estado pero si Mang Emilio ay may kaalaman na kanyang napalago habang ibinabahagi sa iba ang kanyang nalalaman, hangang dumating sa puntong siya na ang hinihikayat ng kanyang mga sineserbisyuhan na magtayo ng negosyo. Siguro napansin ninyo sa istorya ni Mang Emilio na halos wala siyang nagastos sa Buisnes niyang itinayo dahil ang mga ginamit niyang salapi eh galing sa pahiram ng mga kaibigan pati ang kompyuter ay mga lumang bigay lamang. Ang kaalaman na may kasamang talento ay nakaka-attract ng isang oppurtunidad kapag itoy ibinahagi mo sa iyong kapwa.

 

 

Impossible paniwalaan ang ganitong isipin, imposible din isiping magsisimula ka ng negosyong walang puhunan pero sa totoo lang ganun talaga dapat, hindi lang pera ang business maraming aspeto iyan, kung pera lang ang labanan eh marami na sanang mga tumama sa lotto na patuloy na yumaman, lahat sana ng nagkaroon ng pagkakataong makakuha ng malaking salapi eh yumaman narin, pero ang totoo niyan ay hindi lang talaga sa pera lahat, napa-importante ng “kaalaman” hindi lang sa negosyo kundi sa lahat ng bahagi ng buhay.

About these ads

One Response to Sa Negosyo: Kaalaman ang mas mahalaga, hindi pera para magtaumpay

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 166 other followers

%d bloggers like this: