Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan.

( Inspired by Mukamo.com )

 

Introduction

            Matapos ang pitong taong pagiging mag-nobyo at nobya, ngayon ay kasal na kami ng aking girlfriend just this last February 2008.  Biglaan ang kasal dahil sa hindi inaasahang pangyayari na muntikan ng mauwi sa maling desisyon. Lubos akong nagpapasalamat sa mga mabubuting taong sumuporta at gumabay sa aming magnobya noon, kung hindi dahil sa kanilang gabay ay hindi ko alam kung ano ang kalagayan namin ngayon. Tulad nung nasabi ko sa isang topic sa forum na ito (http://forums.mukamo.com/index.php?showtopic=36450&st=120) tinuturing ko na isa sa kinasangkapan ng Diyos ang forum na iyon upang makagawa ng mabuting desisyon at iyon ay ang piliin ang buhay kay sa pansariling kaluwagan. Mula nung isinilang ng aking asawa ang aming anak nitong nakaraang September 2008 ay naramdaman ko ang kakaibang ligaya bilang isang Tatay kahit na malayo ako sa kanila, kahit sa pamamagitan lang ng picture na pinadadala nila sa akin by email ay nasisiyahan ako ng lubos tuwing nakikita ko ang aking unang anak, hindi ko ugaling sambitin ang salitang “mahirap” pero siguro sa pagkakataon na ito ay masusulat ko iyon dahil totoong mahirap ipaliwanag ang sarap at ligayang nararamdaman ng isang first time Daddy tuwing nakikita niya ang kanyang unang anak. Gusto kung magpasalamat sa lahat! Dahil kung hindi sa mga positibong impluwensya ninyo ay maaring hindi ganito ang aming kinaratnan. Marami akong gustong pasalamatan kaya nga siguro sa pagbabakasyon ko sa susunod na taon ay dadag-dagan ko ang aking mga dalang pasalubong kahit papaano para ibahagi sa mga taong sumuporta sa amin at nagturo sa tamang daan. Syempre pa gusto ko pasalamatan lalo na ang mga bumubuo ng mukamo.com lalo na yung mga taong nakibahagi sa forum na ginawa ni Mr. Hangin at maligaya din ako para sa kanya dahil katulad ko ay pinili din niya ang tamang daan.

 

Pasimula

 

            Mga dalawang linggo din akong nagiisip kung papaano ako magpapasalamat sa mga taong bumuo ng thread ni Mr. Hangin dahil tulad nga ng nabangit ko noon isa sa mga mabuting impluwensya ang thread ni Hangin para makapagdesisyon kami ng tama. Gusto ko sana na mag-uwi ng maraming tsokolate kahit hershey’s lang at ipamigay sa inyo pero naisip ko na ang tsokolateng ito ay panandaliaan lang, gusto ko sanang makapagbigay sa inyo ng isang bagay na mapapakinabangan ninyo habang nabubuhay pa, inisip ko kung ano kaya kung relos pero medyo mahal na iyon at hindi kakayanin ng budget ko. May mas maganda akong naisip, hindi ito bagay pero isang impormasyon na sa aking palagay ay makakatulong sa marami, lalo na sa larangan ng pag-ibig.

 

            Gusto kung ibahagi sa inyo ang aking mga nalalaman sa abot ng natatandaan ng aking isip kung paano kami nagtagal sa loob ng pitong taon bago tunguhin ang buhay mag-asawa.  Natatandaan ko pa noong hindi pa kami mag-asawa at magkasintahan palang ay maraming mga taong namamangha sa tagal ng aming relasyon, marami rin ang nasisiyahan sa amin dahil sa tatag ng aming pagsasama. May mga nagtanung sa amin na kung papaano daw kami tumagal? Ano daw ba ang mga poitners? Any tips? Naisipan ko na bakit hindi ko isulat kung ano ang dahilan ng matagumpay naming pitong taong relasyon at ibahagi sa inyo.  Marami akong natatandang sandali at karanasan na maari kung ibahagi sa inyo upang maging basehan o tularan ninyo sana kung sakaling dumating ang kaparehong sitwasyon sa amin. Ngunit minarapat ko na piliin ang mga sa tingin ko na pangunahing kaugalian na dapat taglayin ninyong magkasintahan para malagpasan ang mga pagsubok sa buhay at maging maligaya ang inyong pagsasama. Sisimulan kung ipaliwanag ang unang kaugalian at ito ay ang…

 

Matiyagang Pakikinig

 

            Isa sa naba-by pass natin ay ang pakikinig sa ating kapwa, akala natin madalas tayo ang tama, lalo na kapag may mga dala-dala tayong impormasyon na nagsisilbing ibedensya na tayo ang tama. Ang resulta eh nag-bibingi-bingihan tayo sa sasabihin ng ating katipan. Dito madalas nabubuo yung sama ng loob, kasi hindi na sila magsasabi ng mga nararamdaman kapag alam nilang babarahin natin sila. Nakakalokong pakingan itong sasabihin ko pero para sa akin ito ay “dapat” nating gawin at ito ay

 

“Pakingan natin ang inyong BF/GF kahit na sa unang entrada ng kanilang sinasabi eh alam na nating mali sila at tama tayo.”

 

Hindi nito layuning maging konsintidor tayo, ang layunin nito ay para maibigay natin ang basic emotional needs ng isang tao at iyon ay ang “to be understood”  lahat tayo kailangan natin na mailabas ang saloobin sa ano mang paraan at kailangan din na may isang taong makakaintindi at iintindi sa atin. Ito yung madalas nakikita kung publema sa ibang relasyon, yung mahilig mag-assume, dapat as much as possible minimize ang assumption. Kung minsan naiintindihan din ng isang tao ang kanyang sarili kapag nailabas niya ang kanyang nararamdaman. Mamamangha ka madalas kapag hinayaan mong makinig muna at hinayaan siyang makuntento sa pagsasalita bago ka magbigay ng iyong kumento, madalas kasi tayong nag-aasume nilalaktawan natin ang ibang mga detalyeng magpapabigay linaw sa sitwasyon, kaya ang bunga nito ay hindi pagkakaintindihan. Kung mapapansin ninyo lagi sa mga away ng mag-nobyo at nobya ang madalas na sanhi ng away ay “misunderstanding” meroon silang namiss or nakaligtaang impormasyon, maiiwasan sana ito kung nagtiyaga lamang na makinig. buti sana kung hindi malalim yung sakit na idudulot ng pag-aaway pero may mga sitwasyon sa sobrang tindi ng sakit na naramdaman ng bawat isa ay ito ang nagiging dahilan ng hiwalayan at maiiwasan sana ito kung ang bawat isa ay…

 

 

Mapag-pasensya

 

            Alam ko na walang taong perpekto, maging ang magiging katipan ninyo kahit sino pa iyan mapa artista, mayaman o makapangyarihan sa lipunan sila ay may kanya-kanyang kapintasan kahit pa si Tom Cruise or si Britney Spears pa ang karelasyon mo meron at meroon paring kakulangan ang mga iyan at maging ikaw ay ganoon din. Isa sa mga naobserbahan ko sa aming relasyon maging sa relasyon din ng ibang mag-asawa at magkasintahan ay puno sila ng pasensya sa isat-isa. Iba-iba nga lang ng sitwasyon, kung hindi si lalake ang mapagpasensya ay si babae naman, sa sitwasyon naming masasabi ko na pareho kaming mapagpasensya pero kinokonsidira ko na mas mapagpasensya ang nobya ko (na asawa ko na ngayon) kesa sa akin. Kahit tanungin ninyo ang mga matatanda ng mag-asawa lahat sila ay tinataglay ang pagiging mapag-pasensya sa isat-isa. Asahan ninyo na maraming mga dadating na hindi kapani-paniwalang pagkakamali ang magagawa ng inyong katipan sa mga dadating na araw ng inyong buhay like for example: makalimutan ang Birthday mo, i-anounce na single pa siya sa friendster which is dapat In a relationship na, mawala yung bracelet na iniregalo mo na nangaling pa sa hard-earn money mo. Marami pang mga ika nga eh “crazy stuffs” na pwedeng mangyari at alam ko na foul ang mga ito pero tulad nga ng una kung  ipinayo ay maging matiyaga kayong tagapakinig hindi natin alam kung ano ang sanhi ng kanilang pagkakamali.

 

Ang pagiging mapag-pasensya ay madalas na isyu sa mga kababaihan dahil sabi nga nila kung minsan ang mga kalalakihan ay nagiging “abusado” na. Kaya nararapat na magkaroon tayo ng limitasyon upang mag sibling babala. Kung minsan hindi nasusunod ang nasabing limitasyon dahil dumidipende ito sa bigat ng pagkakamali kung minsan isang pagkakamali lang ay binababa na kaagad ang hatol kapag sobrang tindi, may pagkakataon naman na lumagpas na sa kota pero ayus parin dahil hindi naman ganoon katindi ang pagkakamali at pwede pang ilusot. Nasasainyo kung anung paraan ang gusto ninyong gawin, walang tama o mali kung anung stilo ang gagawin ninyo ang importante kaya ninyong dalin ng tama. Isa pang dapat tandaan ay kapag naglagay kayo ng limitasyon ay maging malinaw sa bawat isa at hindi yung sinasarili mo lang. Hindi lang limitasyon ang dapat mong ipaalam sa iyong katipan kundi marapat na maging bukas ka sa kanya lalo na sa saloobin mo, kung ano ang tyaga mo sa pakikinig ay gayun din ang…

 

 

Lakas ng loob na ipahayag ang nararamdaman.

 

            Nasabi ko na nga iyong matiyagang pakikinig at pangangailangan din sa isang relasyon ang iyong pagpapahayag ng nararamdaman. Sabihin mo sa iyong katipan ang mga bagay na pakiramdam mong dapat niyang malaman. May kasabihan ngang “Small things count big time” ang simpleng pagpupuri sa kanya ay nakakataba ng puso, ang kaunting impormasyon na masasabi mo ay makakatulong sa pagintindi sa iyo. Maging sa pakikipagtalik ay malaki ang naitutulong ng pagsasabi ng iyong nararamdaman at nais makamit. Huwag nating ipamihasang matalo tayo ng shyness lalo na kapag gusto nating magsabi ng magandang mensahe sa ating nobyo/nobya for example yung

 

Ang ganda mo ngayon

Bagay sa iyo yan

Ang bango mo ah

Ow how sweet…

 

Sabihin ng baduy or corny but I know deep inside of you this words in some ways will touch your heart. Makapangyarihan ang salita lalo na kapag itoy paulit-ulit mong sinasambit, kaya mas piliin natin na magsabi ng mga positibong impormasyon kung maglalambing tayo bakit natin pipiliin pang mang-asar kesa sa purihin ang mga magandang nagawa ng ating partner. Maging maingat sa pagbibitaw ng salita pero huwag naman maging tameme sa pagsasabi ng mga magagandang bagay na dapat natin silang purihin.

 

Aktibong physical na koneksyon

 

            Ang simpleng holding hands, kiss bago mag-uwian o pagyayakapan ay masasabi ko na malaking tulong para manatili yung intimacy ninyo sa isat-isa. Kami noon ay naging kaugalian namin ang halikan ang isat-isa pag tuwing hinahatid ko siya sa kanilang bahay or bago siya bumaba ng kotche. Ano man ang sitwasyon namin keh mainit ang ulo ng isat-isa, nagtalo or kapag may mga hindi pagkakaintindihan sinikap ko noon na maging kasanayan naming halikan ang isat-isa lalo na bago kami mag-hiwalay. Para sa akin ang ibig sabihin nito ay “mahal kita maging ano man ang sitwsyon natin” baduy pero for my personal experience effective.

                                                                                                                 

            Ang apat na kaugalian na ito ay naniniwala akong sapat na para matukalasan ninyo pa ang iba pang kaugalian na kailangan ninyong taglayin upang magtagal ang inyong relasyon. Hindi ako isang professional psychology o isang experto, hindi rin ako nagbibigay ng assurance na kapag ginawa ninyo ang mga ito ay 100% percent na hindi na kayo maghihiwalay. Isa akong taong nagkaroon ng matagumpay na relasyon noong bachelor days ko,  at nais ibahagi sa inyo ang kagalakang nararamdaman sa pamamagitan ng paying naisulat ko sa itaas ng artikulong ito. Matapos ng pitong taong pagiging nobyo at nobya naming ay nagpakasal na kami at hiling ko sa Panginoong Diyos naway maging matagumpay rin ang aming pagsasama bilang mag-asawa.

 

Dalangin ko na sanay makatulong ang artikulo na ito sa mga taong nagbabalak pumasok sa isang relasyon gayun din sa mga bago at matagal ng magnobyo at nobya. Maaring may mga bagay kayong hindi sang-ayunan sa artikulo na ito at yun naman ay expected ko ng mangyayari dahil naniniwala ako sa kasabihang “everybody is unique” ngunit ganun pa man sana ay makatulong parin ito sa inyo at bukas ang aking PM upang tangapin ang inyong mga sulat.

 

 

Ang Tambay sa http://www.Mukamo.com/Dear_Mukamo

 

rocknroll

           

 

RAK & JEN SINCE YR. 2000

MARRIED YR. 2008

-=-

PS

Akin rin iniririkumendang basahin din ang ginawa kung artikulong pinamagatang

“Ang Pinaka importante sa kasal”

“Maagang Pag-aasawa” 

 

 

 

About these ads

2 Responses to Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan.

  1. alasais ay nagsabing:

    mga paalala:

    -iwasan ang ‘pride’ chicken
    -s-o-r-r-y
    -happy thoughts
    -entertain problems. talk about it.

    -tenco

  2. […] Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan. […]

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 173 other followers

%d bloggers like this: