Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!)

inspired by mukamo.com

            Isang maituturing na malaking pagsubok sa isang tao maging babae o lalake ang masangkot sa pagbubuntis o makabuntis sa hindi inaasahang pagkakataon. Nais ko na ibahagi sa inyo ang aking naging karanasan sa ganitong pagsubok para sa ganito mang paraan ay mahikayat ko kayo na piliin ang desisyon na huwag hadlangan ang pagsibol ng isang bagong buhay. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magalak tuwing naalala ko nung aking nabasa yung isang message sa isang thread ditto sa mukamo.com na ginawa ni ginoong Hangin at may isang babaeng nag-reply na hindi siya sumasang-ayon sa abortion, bagamat noon man nung siya at ang kanyang nobyo ay nasangkot sa ganitong pagsubok (hindi inaasahang pagbubuntis) ay binalak din nilang ipalag-lag ang bata pero sa huli ang kanilang balaking iyon ay nagbago rin, natatandaan ko pa naka-type sa message niya na

 

“ wala namang kasalanan ang bata”

 

isa ito sa mga salitang nagpa-realize sa akin na hindi ko dapat isipin o balaking ipa-abort ang bata  at ang isa ko pang nagustuhang sinabi niya ay yung

 

“hindi ako nagsisisi na hindi namin itinuloy ang pag-papalag-lag sa kanya”

 

malakas ang impact ng isinulat niyang ito sa akin, hindi ko alam kung anung salita ang gagamitin para maihayag ang aking naramdaman noon pero sa simpleng paraan ang masasabi ko ay naliwanagan ako sa pagkakataong iyon na nabasa ko ang isinulat niya. Simple lang ang message ng ginang na ito sa totoo lang, nabasa ko at narinig na ang ganitong payo sa maraming mga tao, tv, radio atbp. Pero sa palagay ko nasa tao rin minsan kung gaano siya ka-open tumangap ng payo. Kung minsan nga sa isang bata lang ay bigla tayong napapa “OO NGA ANO” pero bata lang iyon mas marami tayong karanasan sa kanya pero napapaisip niya sa atin kung minsan ang mga bagay na napapabayaan nating gawin o sundin. Isang simpleng menshae lang, maikling salita at payo pero kung tutuusin ang maliit at maikling mensaheng ito ay nakadag-dag upang magkaroon ng malaking pwersa para mangibabaw ang tamang desisyon, desisyon na sumagip sa buhay ng aking anak, desisyon na naglitas sa aming magkasintahan sa habang buhay na pagsisisi at maaring walang kapatawarang kasalanan. Isang simpleng post messsage pero may malaki palang potensyal na makapagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao, nito ko nagunita ang impluwensyang magagawa ng isang forum, thread at post. Ang artikulo ko na ito ay masasabing isang napaka-simple o unfromal work dahil sa totoo lang hindi naman talaga ako manunulat nito nalang ako nahilig sa pagsusulat nung napunta ako sa Saudi dahil minsan hindi mo naman masasabi sa iyong mga kasamahan ang iyong damdamin kayat sa journal ko nalang sinasabi ang aking mga saloobin. Ngayon ay nilalakasan ko ang aking loob na i-post ang aking mga isinulat patungkol sa aking karanasan tungkol sa isyu na ito, layunin ko na sana ay mahikayat ko kayong inyong buhayin ang bata at maiiwas ko kayo sa isang napakabigat na kasalanan. Kaya eto po ako ngayon ang inyong lingkod na magbabahagi ng aking karanasan at magbibigay ng payo na sana ay inyong pakinabangan kung kayo man ay masangkot sa ganitong uri ng pagsubok o kung ang isa sa mga mahal nyo sa buhay ang makadanas ng ganitong pangyayari.

 

Panimula

 

Bakit ba naiisipan ng mga magkasintahang ipalag-lag ang bata? Kung tayo ang titingin sa sitwasyon, masasabi natin na hindi natin gagawin ito kung tayo ang masangkot sa ganoong pag-subok, maganda kung ganoon ang ating isipan pero kung atin itong sasabihin ng diretso sa dalawang taong dumadanas ng ganitong pagsubok malaki ang posibilidad na hindi maging epektibo ang iyong pagpapayo kahit na ang iyong intension ay mabuti. May kasabihan nga na

 

“Laging magaling ang nanonood kesa sa manlalaro”

 

Kahit saan mo tignan mapa sports, pelikula o pagpili ng bibilhing gamit laging mukhang magaling o expertong pakingan magkomento yung taong nanonood o nakikinig lang, napakadali sa kanilang sabihin ang mga bagay-bagay, madali lang nilang sabihing

 

 “dapat ganun o ganito”

 

nagagawa nilang magbigay ng mga ganyang comments dahil hindi nila nararamdaman yung aktuwal na “pressure” yung pagod, mismong sitwasyon, mga maliliit na bagay na nagpapalito sa iyong pagdesisyon. Kaya sa artikulo ko na ito ginawa ko ang buo kung makakaya para maiwasang maging malabnaw ang aking pagpapaliwanag at pagpapayo.

 

Naiintindihan ko ang pakiramdam ng mag-couple na may ganitong publema, mapa bata, nasa tamang edad na sila, legal o illegal silang magkasuyo iisa lang sila ng nararamdaman.

 

Natatakot ipag-alam ang katotohanan

 

Natural na ayaw ninyong ipaalam na nakabuntis o nabuntis kayo kung wala pa kayo sa tamang edad, wala pa sa plano o hindi naman nyo asawa o kasintahan ang nakabuntis o nabuntis ninyo dahil hindi ninyo pa alam kung ano ang isasagot sa mga tanung na maririnig ninyo, hindi pa kayo handa sa anu mang consequences na maaring isingil sa inyo at higit sa lahat maaring hindi pa kayo handang tangapin ang katotohanan. Normal na maranasan ninyo ang mga ganitong pakiramdam o sitwasyon kahit hindi pagbubuntis ang isyu ay ayaw din natin ng iskandalo, ayaw natin na kapag tinanung tayo ng “bakit” ay wala tayong maisagot o kung minsan ay hindi ganoon kadaling tangapin ang katotohanan lalo na kung taliwas sa ating nakasanayang paniniwala. Ang isa sa nais kung ipaalala sa puntong ito ay…

 

 Nangyari Na Ang Nangyari

 

 Nabuntis o nakabuntis ka na at hindi mo na maibabawi ang pangyayaring ito. Hindi mo na maibabalik ang kahapon kaya huwag mong sayangin ang iyong oras sa labis na pagsisisi although dapat matutunan natin ang ating pagkakamali pero ang sobrang pag-sisisi ay hindi makakalutas ng iyong kasalukuyang publema kundi ang pakinabang nito ay maiiwas ka sa posibilidad na maulit ang iyong dating pagkakamali. Ang dapat gawin sa sitwasyon na ito ay humanap ng solusyun! At papaano natin susulusyunan ang publema?

 

Alamin ang tunay na suliranin

 

 Alamin natin kung ano ba talaga ang ating pinupublema, sa ganitong pangyayari maraming nagkakamali na i-identify kung ano ang tunay na suliranin, madalas ang bukang bibig ng mga tao “ang pagbubuntis” ang problema. Walang publema sa pagbubuntis, ang inyong pinupublema ay yung “paano” nag-dalang tao. Kung tutuusin normal lang namang makabuntis(lalake) o mabuntis ang isang babae, hindi ito publema kundi isang natural na pangyayari lamang, isang abnormality o publema kung hindi ka mabuntis o makabuntis(lalake) pero kapag nangyari ito sa hindi tamang processo halimabawa maling tao,  pagkakataon o inaasahang pangyayari dito na ang nagiging simula ng publema. Halimbawa ay nagdalang tao ang isang dalaga na wala pa sa edad na mabuntis o di kaya ay mabuntis ang isang babae ngunit ang Ama ng kanyang dinadalang bata ay hindi niya kasintahan o Asawa at ang isa ko pang nakikitang posibilidad ay mabuntis ang isang babae na nasa gipit na sitwasyon ang kanilang budget nandidito sa mga sitwasyong ito ang publema uulitin ko…

 

Nakabuntis/Nabuntis ng nasa minor na Edad

Ang madalas na publema dito ay paano sasabihin sa magulang.

 

Nabuntis/Nakabuntis ng hindi niya kasintahan o asawa

Ang madalas na publema ay paano sabihin sa kanyang asawa ang nangyari.

 

Nabuntis/Nakabuntis ng walang sapat na pangsuportang pinansyal sa bata

pera ang publeama.

 

Palagay ko itong tatlong ito ang madalas na mabigat na pinupublema ng mga taong nasasangkot sa hindi inaasahang pagbubuntis o makabuntis ay kung papaano sasabihin ang katotohanan o di kaya ay papaano susuportahan ang bata.

 

Alam ko na kung minsan sa buhay natin mahirap tangapin o sabihin ang katotohanan lalo nat mayroon tayong masasaktan na mahal natin sa buhay, hindi rin lingid sa kaalaman ko na mahirap ang buhay ngayon at pahirap ng pahirap pa kaya hindi biro ang magpalaki ng bata, hindi biro ang gastusing haharapin ng isang mag-aalaga sa kanya pero gaano mang kabigat o katotoo ang mga suliraning nagbabanta ay hindi ito sasapat upang maging validong dahilan para kitilin ang buhay ng isang sangol.

 

Maraming debate tungkol sa abortion may nagsasabi na kung sa una palang ay nalaman mong buntis ka ay hindi pagpatay ang abortion dahil dugo palang ang nasa- sa pupunan ng ina pero para sa akin lang hindi lang natin pinaguusapan ditto kung dugo, fetus o tao na ang nasa tiyan ng ina kundi pinaguusapan natin ditto kung papaano natin tatangapin ang isang sitwasyon, ang masakit sa isang abortion ay hindi yung mismong processo na inilalag-lag ang bata kundi yung sandaling pinagdesisyunan ninyong huwag siyang buhayin. Imaginin mo na ikaw ay nasa isang sinehan at nakikita mo na sa isang sinaryo ang iyong Ina ay nagdalang-tao ng hindi inaasahan at ang batang ito kunwari ay ikaw at nakita mo sa pelikulang ito ay napagpasyahan niyang ilag-lag ka, tiyak na masakit ang magiging pakiramdam mo hindi siguro yung processo ng pagpapalaglag sa iyo kundi yung sandaling nakita mong pinasyahan ng iyong ina na huwag kang buhayin, kung masakit ito sa iyo na may matured ng pag-iisip ay di bat mas nakakaawa naman itong gawin sa isang buhay na walang muwang sa pangyayari?

 

Kahit ano pang paraan o dahilan ng pagbubuntis, biglaan o hindi inaasahan, kapus ka man o talagang walang pera, sana kaibigan ito lang ang iyong tandaan

 

Hindi sagot ang abortion kailanman, hindi sagot ang pagpatay sa isang inosenteng buhay. Ang publema ay wala sa bata kundi nasa sitwasyon nung nabuo ninyo siya, kaya dun natin ituon ang ating atensyon kung mayroon tayong dapat ituwid para mai-tama.

 

Eto ang mga kaisaipan noon kaya pinili kung buhayin ang bata.

                                                                                   

 

Hindi ako ma-mamatay tao”

 

            Tulad ng iba ay nagkakasala din ako at may mga kaugaliaang nahihirapan akong baguhin, minsan tulad din ng iba ay madali akong nahuhulog sa tukso pero sa pagkakataong ito hindi ko hahayaang manaig ang pagiging makasarili o maimpluswensyahan ng masma ang puso ko.

 

“Hindi ako duwag”

 

            Isa itong magandang pagkakataon para patunayan ng isang lalaki ang kanyang tapang, harapin ang sitwasyon gawin ang tama kaysa sa takasan ito sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng inosenteng buhay.

 

“Mahal ko ang asawa at anak ko”

 

            Hindi ko magagawang silay saktan kailanman.

 

 

Maaring ang inyong mga sitwasyon sa kasalukuyan ay isang kakaibang storya o pangyayari na hindi natalakay sa artikulo kung ito, maaring ang pamagat ay kaintere-interesante dahil sa mga pagkakataong ito ay naghahanap kayo ng payo kung ano ang tamang gawin. Hindi din kasi madaling manghingi ng payo kung kani-kanino lang dahil ang ganitong bagay ay maselan, mahirap talagang tangapin ang katotohanan ng ganun-ganun nalang, kaya ikaw ay nakikibasa sa mga forum para makahanap ng sa palagay mo ay magandang solusyon, alam ko ang feeling dahil ganyang-ganyan din ako noon. Ngpapasalamat naman ako sa itaas at nagtagpo tayo ng landas kahit sa internet lang, sana ay makatulong ang artikulo na ito at tulad nga ng sinabi ko kung hindi man ako maka-relate sa iyong saktong sitwasyon, isang simpleng mensahe ang nais kung ipaabot sa iyo

 

Buhayin ang bata…

 

Matagal ng nakatenga ang artikel na ito sa aking laptap, dahil gusto ko sana na gawing mas-impressive at mas puno ng damdamin pero nag-aalala lang ako dahil ang sabi nila sa survey minu-minuto ay maraming nag-kokomit ng abortion at minu-minuto ay marami rin namang nag-iinternet at ditto gumagawa ng pag-sasaliksik kaya minarapat ko na itoy ipaskil kaagad upang kahit papaano akoy umaasang makatulong upang makapag-padagdag pwersa na hikayatain kayo na nasa ganitong sitwasyon na piliin ang tamang daan.

 

Huwag po nating hadlangan ang pasibol ng buhay.

 

Harapin ang ano mang pagsubok ng buong tibay ng loob at tapang.

 

Huwag po nating kalimutang humingi ng gabay sa itaas.

 

 

Hayaan nating mabuhay ang bata…

 

 

Salamat po.

 

 thread na ginawa ni ginoong hagin

http://forums.mukamo.com/index.php?showtopic=36450&st=120

           

 =-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

July 22, 2009

 

 Marami pong salamat sa mga bumabasa ng artikulong ito. Matagal-tagal ko narin itong isinulat at napapansin kung marami ang nahihikayat i-click or bisitahin ang blogsite na ito.

 

Gusto ko nga po palang ibahagi sa inyo ang litrato ng aking anak, itoy kuha niya  noong ika-tatlong buwan pa lamang siya mula noong isinilang. Isang desisyon sa buhay na muntikan ng mauwi sa pagkakasala ngunit lubos akong nagpapasalamat at hindi nauwi sa pagkakamali ang aming ginawang desisyon

 

Salamat sa aming mga Magulang na nariyan lagi sa aming tabi kapag silay kailangan.

 

Salamat sa mga forumers o blogistang walang sawang nagpapahayag ng kanilang damdamin, nagbabahagi ng mga tunay na karanasan at lalo na sa lahat ang pagbibigay ng mga payong nakabatay sa kabutihan.

 

Sa huli ay nagpapasalamat ako sa Diyos! na kinkikilala ng lahat na tunay na makapangyarihan. Bagamat hindi ka namin makikita ay taos ang aking pasasalamat sa iyo sa lahat-lahat ng mga naitulong mo sa akin lalung-lalo na sa puntong ito ng aking buhay.

 

 

February 2, 2010

(It’s a blessing from Heaven, Don’t deny it, Say No to Abortion!)

 

 

May 8,2011

(Abortion is the ultimate violence. -Robert Casey American Politician )

Say No to Abortion and Say Yes to Life

February 25, 2012

It’s sad to know that there are some Mom who took the choice of killin their own seed I saw this in weekly news, but in some point in life

I am grateful because daily this article has almost hundreds of views and for that I am assuming those readers was enlighten and took the right choice… Letting the Child to Live! Pro-Life Tayo!

 

About these ads

27 Responses to Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!)

  1. Niña Rose Salarda ay nagsabing:

    hi!
    hindi na ako mgapapaligoy ligoy pa! aq ay 1 month pregnant na.. hindi inaasahang pagbubuntis nga! kasi may asawa ako at anak! pro ang anak kng yan ay hindi sya ang ama.alam na nya yun. kya lng pinakasalan nya prin ako. ngunit hnd rin nagtagal ang relasyon nmin kasi hindi ko siya mahal. malayo siya. at isa pa wala talaga akong nararamdaman pra s kanya! hanggang sa maisipan naming maghiwalay.
    Ngayon 5 months na kami ng bago kung boyfriend kaya lang ito nga nabuntis ako. kaya lang ayaw niyang dalhin ng bata ang apelido ng asawa ko kasi hindi naman pwede na sa kanya kasi hindi pa kami nka pag file ng divorce eh kasi mahal rin kaya non. hindi rin kasi pwede sa trabaho ko na mangaliwa kasi hindi nman nila alam.baka mawalan ako ng trabaho. tapos sabi ng bf ko hindi pa daw siya handa mag asawa! gusto niya ang bata pero ayaw niyang dalhin ng bata ang apelido ko!

  2. lyiancel ay nagsabing:

    huhuhu . super napaiyak ako dito . sana nga maging tama ang disisyon ko . by the way im only 17y/o kaka17 kulang po ngaung month din nato . meron po akong bf 20y/o na sya . sya po ang nakafirst saakin . mapagmahal naman po sya . ngayon po nagsisisi ako sana wala nalang nangyari saamin . kakamonthsary palang po namin nung ginawa namin un . parehas kaming nakainom kaya hindi ko gaanong naramdaman ang sakit . 2nd tym po nung pumunta ako sakanila after po ng class ko . actually hindi kuna pinasukan ang last subject ko dahil masama ang pakiramdam ko nun . kaso nung andun nko sa kanila gusto ko sanang matulog at nag-away pa kami . dahil nangungulit po sya . sa totoo lang ayoko po talaga kaso nadala ?? hindi din . napilitan ang totoo po yan . alam ng dyos ung gabing yun . at pag uwi ko sa bahay my kakaiba akong naramdaman at sinabi ko agad sa bf ko yun . at ang sabi nya hindi nya naman daw pinutok . alam ko na bihasa na sya sa sex kaya kampante ako . kaso di ko mapigilang maging OA sa nararamdaman ko . isa lang akong anak na babae ni mama ko kaya nakokonsensya ako . feeling ko po ung pagbilis ng pintig ng pulso ko mga 5 or 2 days na . kasi sa ngayon un ung date na my nangyari saamin . pinag iisipan kupa po kung anong plano kase sabi nya kung ano daw ang plano ko yun din daw sya . wala pamandin syang trabaho . college na po ako ngayon . at kaya ko nga po sya tinatanong dahil naiistress ako . dahil nabasa ko to siguro wala nakong pakielam sa sasabihin ng ibang tao na alam ko naman po na hindi kuo din sila masisisi . at isa pa mataas ang tingin nila saakin , hindi po ako ang tipong mahilig sa serious relationship . sa ngayon po dito ko palang naishare ang problema ko ngayon . kaya sobrang nagpapasalamat ako at sa mura kong edad alam ko magiging masaya at proud din sila saakin . andito po ako sa netshop malapi sa school namin hindi ako pumasok ng isang subject dahil nainspire ako dito . hindi ko parin po alam ang gagawin .. sana matulungan nyoko . kaya lagi akong nagdadasal na sana wala lang to . dahil sobrang may takot ako sa dyos :(

  3. rockwitralph ay nagsabing:

    Hi Lyiancel si Rocky Rivera ito…

    Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko noon, nagaalala at nabibilasa. Mas nagwoworry pa nga ako sa GF ko noon (na misis ko na ngayon) at wala rin kami gaanong matanungan dahil napaka sensitibo ng sitwasyon saka tulad mo rin sa internet din ako nagbasa kung ano ba dapat gawin. Tulad nga ng naisulat ko diba sa mukamo.com pa ako nakabasa ng inspiring message.

    Simple lang ang maipapayo ko sa iyo kaibigan, Mula sa aking karanasan, kung magbunga man iyan hayaan mo siyang mabuhay at kung kinakailangan mong tangapin yung mga sasabihin sa iyo ng mga magulang mo ay tangapin mo. Buhayin yung bata kung mabubuo iyan.

    Mas nakakaguilty yung magpalaglag (o pumatay ng batang walang muwang) kaysa sa nangyari iyang nangyari sa iyo dahil umibig ka lang ng sobra at medyo wala sa lugar.

    Regards sa inyo and may God help you as always he do…

    Rocky Rivera :)

  4. lyiancel ay nagsabing:

    e kuya pano nyan kung imagination kulang to ? kase over acting po kasi ako e . ngayon 1 week ko ng nararamdaman ung pagbilis ng bongga ng heart beat ko kaso minsn naduduwal ako . e ang oa ko nga po kasi . ngtanong din po ako sa pinsan ko na maagang nakapag asawa . sbi ko na na naisipan ko ding gawin ung bagay na un e kaso may takot tlga ako sa dyos . ano ba yan naiiyak pdin ako . d ko nmn po tlga gnisto . kaso nag aaral pako at nangako ako kay mama na mag gra2duate muna ako . alam ko kasalanan ko din kaso 17 palang ako e . kuya ano po tingin nyo ? oa lang ba talaga ako ? kasi sbi din nila depende sa nag lilihi . MY GOD ! until now hindi parin ako makapaniwalang nagawa ko un . kuya nalilito po ako . sana talaga wala lang to . huhu sana mgkamens nako next month . kahit madelay basta magkamens lang ako . at pangako ko yan wala ng mang yayari ulet dahil pag nangyari un ewan ko nlng baka maghiwalay kami ng bf ko kaso napamahal ndin sya skin e . huhu pano kaya to . kasalanan ko !!! :(

  5. lyiancel ay nagsabing:

    at chaka dba po ung normal heart beat is 60 over 100 ? minsan lumalagpas po ng 100 pero madalas naman po 70 or 80 + sya . ayoko po kasing mag PT e . nakakatakot baka mabato kupa sa bf ko ahe . naaasar ako sa sarili ko . gusto ku pang maging flight steward . waaaaaaaaaaah . sarap magwala . kahit lagi nkong wala sa sarili ko . dyos ko lord . 2nd chance PLSSSSSSSSSSSSSSSSS !! ;(

  6. rockwitralph ay nagsabing:

    kaya ka ganyan dahil sinasarili mo yung pressure, kaya para sa akin sabihin mo nalang sa ermats mo para malaman nila ng maaga. kung false alarm naman edi mas maigi.

  7. lyiancel ay nagsabing:

    haha . okok kuya . salamat :)) only god knows . thank you ulet . godbless you and ur family (baby) :)

  8. rockwitralph ay nagsabing:

    okay no probs sana nakatulong and same to you and to your fam God Bless…

  9. lyiancel ay nagsabing:

    :)))) tnxxxx :))

  10. lyiancel ay nagsabing:

    KUYA !! ang saya ko ng p.t ako kahapon .. NEGATIVE YUNG LUMABAS ! :DD share kulang ehe xD

  11. rockwitralph ay nagsabing:

    Take care…

  12. lyiancel ay nagsabing:

    tnx2 :) godbless !!:)

  13. Argel Bluedye Minstrel ay nagsabing:

    @lyiancel , congrats sayoo , Wag ba nagpapadala sa emotion ah ? mag iingat na , mahirap tlg iwasan lalo pag nandyn na. ingat ingat dn.
    btw , kmsta kn ngaun ? may nangyayari pb ?
    @rockwitralph , saludo ako sayo pare , wla na akong msabi. you know right ..

  14. Unica Crime II ay nagsabing:

    hello :) napa.daan ako sa page na to . kasi naghahanap ako ng tamang solusyon kung ano gagawen ko ngayon :( nabasa ko lahat ng nakalagay dito . na.inspire naman ako . hm . kinakabahan mo kasi ako , kung buntis ako o hindi . kasi nung april lang naman ako hindi nagkaron e . tapos nung April 29 . nagduduwal na po ko tas nahihilo . iniisip ko naman na wala lang yun . kasi nagbreak kame ng bf ko nun . tas sinabe ko sknya nung May 1 na bumili sya nang PT . tas nung nag PT po ako , POSiTiVE po lumabas . mejo kinakabahan na po ko sa parents ko . kasi ung papa ko nasa ibang bansa tas ung mama ko palaging umaalis ng bahay . 15 years old palang po ko . 4th year ngayon pasukan . natatakot po ko sa parents ko . kasi ang taas ng expectesyon nila saken , na maka.tapos ako ng high school pati college . 1 month na po yung tyan ko . gusto po nameng buhayen , kaso po nag.dadalawang isip po ako , na kung bubuhayen o ipapalaglag . gusto ko na po sana sabihen sa parents ko kaso natatakot po ko tas kinakabahan . na baka saktan nila ko o ipahiya :( tulungan nyo naman po ko ung ano gagawin ko :'( nahihirapan po ko mag.isip . di ko po alam gagawen :(

  15. rockwitralph ay nagsabing:

    Kamusta?

    Naiintindihan ko yung kalagayan mo na natatakot na sabihin sa iyong mga magulang ang iyong kalagayan, dahil ayaw mo rin na makita silang madisapoint sa kabila ng kanilang mga ginagawang mga pagsisikap at pagsasakripisyo. Pero isipin rin natin kung ipalalag-lag ang batang nasa sinapupunan mo ngayon ay paniguradong mas malaking problema ang kakaharapin natin in the future.

    Ayon sa aking sariling karanasan ang maipapayo ko sayo ay lakasan mo ang iyong loob na ipagtapat sa iyong Mama at Papa ang katotohanan, sa una ay natural na sumama ang kanilang kalooban pero gusto kung maniwala na mabubuting tao ang mga magulang mo at naniniwala rin ako na kamalaunan ay matatangap rin nila ang iyong kalagayan. Ang kailangan mo ngayon ay suporta dahil ang pagbubuntis ay critical na sitwasyon para sa mga kababaihan.

    Wish you all the Best
    RR

  16. Gio Alfonso Payumo ay nagsabing:

    anu po dapat ko gawin buntis gf ko pero nagaaral pa kame …natatakot ako sa maaaring gawin ng pamilya nya sa kanya pag nalaman nilang buntis sya,,?anu po dapat ko gawin.?

  17. rockwitralph ay nagsabing:

    itoy akin lang pong pansariling opinyon sa inyong katanungan… kung ako po ang nasa inyong kalagayan ay bubuhayin ko po ang bata at haharapin ko ang katotoanan.

  18. Mikimoto Spookiepoof ay nagsabing:

    tol problema ko nangangamba ang gf ko na buntis siya at sabi niya ipapa abort niya kung magkatotoo ang hinala niya..kahit ako nalilito ano dapat na gawin ko…mahal na mahal ko ang gf ko ayoko mag hiwalay kami dahil sa kagustuhan niya…

  19. rockwitralph ay nagsabing:

    Kaibigan,

    Pasensya sa huling pag-tugon sa iyong liham, akin lamang suhestyon ay gawin ang iyong makakaya na sanay huwag maipalaglag ang bata…
    kung nagawa na ang mga dapat mong gawin ngunit sa huli’y hindi parin sapat… sa aking personal na pananaw siguroy wala ka ng kasalanan doon…
    ang inyong sitwasyon ay dapat nagkakaisa kayo kung ano man ang hakbang na inyong pipiliing gawin…

    Hindi ko alam ang buong pangyayari sa inyong magnobyo (nobya), gusto ko man makinig ngunit hindi ko masisiguro na magiging aktibo ako sa pagbabasa ng mga kumento dahil hindi rin ako madalas nagagawi sa pag-gamit ng internet….

    Salamat sa iyong pagsulat at gabayan kayo ng makpangyarihang Diyos

  20. rockwitralph ay nagsabing:

    Kamusta na po,

    Paumanhin sa huling pagtugon sa liham na ito, ngunit bilang isa po kayo sa mga nagkomento at nagbabasa sa aking blogsite ay pinahahalagahan ko ang inyong effort at oras na ginugol. Ngunit muli paumanhin po dahil hindi ko po lubos na naiintindihan ang inyong sitwasyon dahil siguro po ay hindi ko pa nararanasan o nakakarinig sa ganitong uri ng sitwasyon sa isang relasyon. Sana ay nakakuha na po kayo ng solusyon sa inyong publema at kung ayos lang po ay ibahagi ang inyong karanasan na kung sa tingin ninyo ay makakatulong sa ating kapwa.

    Iyong lamang po at muliy salamat at magandang araw sa iyo.

  21. james dumago ay nagsabing:

    magcocollege na po kami pareho ng ex gf ko kaso parang nabuntis ko siya kasi nakainom kami dalawa nung birthday niya .takot po ako na malamn ng parents namin pareho baka anong gawin nila sa amin. una po naisip ko na ipalaglag ang bata pero ngaun sa nabasa ko lumakas ang loob ko na bubuhayin ang bta….pero paano ko po sasabihin itong sitwasyon namin sa mga magulang namin????

  22. rockwitralph ay nagsabing:

    Kung ako ang nasa kalagayan ninyo ay una sisiguraduhin ko kung nakabuo na nga ba kayo at kapag kumpirmado na ay didiretso ako sa mga magulang namin at ipagtatapat ang totoo… mahirap talaga sabihin ng diretso ang katotohanan pero sa oras na masabi mo na ang dapat mong sabihin ay laking ginhawa sa pakiramdam mo… kesa sa maraming paligoy-ligoy eh sa huli ganun parin ang magiging resulta, na kung saan sa una talaga kung minsan ang reaksyon ng mga magulang ay mabigla… Kahit naman sino eh magugulat kahit ako kung pagdating ng araw sabihin rin sa akin ng anak ko na sa edad na 17 or 16 eh magtapat na nakabuntis siya ay baka himatayin rin ako sa pagkabigla … Kung ako sa kalagayan ninyo ay iintindihin ko nalang ang mga magulang namin kung sila man ay makaramdam ng galit pero umaasa ako na sa huli mangingibabaw parin ang pagmamahal ng magulang. Ang importante eh naipagtapat mo na ang nangyari sa inyo at hindi ka na makagawa pa ng karagdagang pagkakamali na maaring pagsisihan mo habang buhay. Kabilang ang ganitong sitwasyon kung saan nahuhubog ang pagiging pagkalalake ng isang lalaki o pagkatao ng isang babae na kung saan kelangan ng paninindigan at pagiging responsable.

    Hindi ko lubos na alam ang talagang nangyari sa inyo at hindi ko rin kayo kilala pero para lang sa sarili kung opinyon ay sana buhayin natin ang bata.

    Alam ko na lagi tayong sinasamahan ng Diyos, tayo lamang ay tumiwala….

  23. Junna Tanya ay nagsabing:

    Hello po kuya rockwitralph ? Ako po si Jonna Taña mag 15 na po ngayong july medyo nababahala po ako sa kalagayan ko na feel ko na preggy ako pero di ko sure pero dahil parehas kameng walang alam sa mundo ng sex at parehas kameng 1st time at same nawalan ng virginity by our own. Nabasa ko po yung blog mo at nakakainspire naman talaga kaya nga po hindi ko ipapalaglag ang bata kung sakali man na meron pero nagdarasal po ako na sanay wala. KUNG MERON MAN PONG SOMETHING AY TAKOT PO AKO NA SABIHIN SA MAGULANG KO LIKE SABE NYO PO SA UNA LANG PERO SOBRANG NASASAKTAN PO AKO PAG EVERYTIME NA LAGING PINAPAALALA SAKEN NG PAPA KO NA MAG AARAL KA NG MABUTE HA :'(( SOBRANG NAIIYAK AKO PINIPIGILAN KO LANG PO KAYA PO DI KO ALAM ANG MANGYAYARE SA KANYA IF EVER MAN PO :'((( ADVICE NAMAN PO KUNG PANO KO MALALAMPASAN TO. :( </3 SALAMAT PO. SANAY MABASA NYO ITO ILL WAIT FOR YOUR RESPONSE KUA :"(

  24. rockwitralph ay nagsabing:

    Sa una mahirap talaga ipagtapat. Nakakatakot at nahihiya ka. Pero sa point of view ko mas nakakatakot at nakakahiyang malaman na nagpalag-lag ka ng bata. Para bang pumaslang ka ng taong walang muwang. Hindi kasalanan ang mabuntis o makabuntis… Maaga lang nangyari sa iyo iyan (kung sakaling tama hinala mo) pero hindi kasalanan ang mabuntis, kasalanan ang pabayaan ang dinadala mo at mas masakit kung itatago mo ang iyong kalagayan sa mga taong nagmamahal sa iyo…. Sana nakatulong ito…

  25. Junna Tanya ay nagsabing:

    Salamat po! :* balitaan ko po kayo kung ano talaga to kung kabag lang po ba kasi po tigas ng tyan ko sa may gitna :/ Salamat po ulet sa advice <3 :))

  26. Jonie Manalo ay nagsabing:

    Magandang Gabi po,

    Nakakainspire po ung mensaho nyo, well share ko lang po kinalalagyan ko po: ako rin po nakakaranas din po ako, medyo nababalisa lang po kasi ako na nakapag relasyon po ako sa isang meron ng asawa, bale ang sitwasyon nya po sa asawa nya is negative na, nakilala ko po sya sa gym, dun po kami nagkaroon ng relasyon, mga months na po kami magkakilala eh may nangyari na po sa amin, ngaun nalaman ko po na buntis sya, grabe po ang naranasan kong stressed sa sarili ko, 22yrs old pa lang po ako pero ung nakarelasyon ko 28yrs old po. nagkakaroon din na time na napapaisip ako na ipalaglag ang bata, pero yung nakarelasyon ko or tawagin ko na lang pong girlfriend ko, ayaw nya, so lalo po ako na stressed, pero tinanggap ko na rin ung gusto nya na ituloy ito, pero ang bigat po, 1 week na po ako nakakaranas ng bigat bawat pag gising ko sa umaga, naisipan ko po maghanap ng forum kung ano po dapat solusyon, bale eto po nakita ko na site, habang binabasa ko po, napapaiyak po ako, napipigilan ko lang po luha ko kasi nasa office po ngaun, nung nabasa ko po ito, may nabuo pong pagmamahal sakin dun sa anak ko, bigla ko namiss yung mag ina, minahal ko rin po talaga ung girlfriend ko, ngayon po medyo nag less ung fear ko na sabihin ko sa magulang ko at sa girlfriend ko, tatanggapin ko talaga ung consequence na dadating saamin, pati rin po sa side nung asawa ng girlfriend ko. pero buti naman po nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi nya pa rin ako pinabayaan, dahil naganap ung pangyayari eh wala po akong trabaho, mga ilang days po lang tinawagan po ako ng isa company at Boom! nagkatrabaho po ako.

    Maraming salamat po ulit sayo kuya rocky rivera.

  27. rockwitralph ay nagsabing:

    Salamat din sa pagbabahagi… parang ako pa nga ang na-inspire sa pagshe-share mo sa iyong karanasan…. Alam mo sa buhay may mga tinatawag na “happiness in disguise” akala mo problema pero “blessings” pala…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 166 other followers

%d bloggers like this: