Dapat bang kainggitan ang mga babaero?

 

            Buong mundo sa palagay ko ay kinaiingitan at pinapangarap na minsan sana sa kanilang buhay ay maging chick-boy o babaero. Partikular ang ganitong ambisyon sa kalalakihan at karaniwang reaksyon kapag ang isang lalaki ay maraming syota na maganda ay isa siyang gwaping na itinuturing o di kaya ay mataas ang pogi points, heartrob ika nga at crush ng bayan.

 

            Pero gaano katotoo yung ganitong paniniwala? Na kapag madami kang chickas eh gwaping or magaling ka? Dapat ba natin silang kaingitan? Dapat ba nating ituon ang ating mga atensyon at effort para maging tulad nila? Worth it ba in the end?

 

Mula sa aking mga obserbasyon at karanasan ay akin muling ibabahagi sa inyo ang aking natutuhan na nawa sana ay muling magpalawak sa inyong isipan o di kaya ay magbigay ng liwanag.

 

Ang tanung na dapat nga bang kaingitan ang mga tinaguriaang babaero or players (sa maka-bagong termino) ay may napaka-linaw ng sagot bago pa ako ipanganak sa mundong ito.

 

Hindi dapat kaingitan o tularan ang mga ganitong tao dahil ito ay taliwas sa batas ng tao at batas ng Diyos. Period.

 

Malinaw sa lahat ng tao na ito ay hindi dapat gawin pero tulad ng alak, sigarilyo, droga o pagsusugal bagamat lantaran na ang impormasyon kung bakit ito dapat iwasan ay marami parin tayong taong nakikitang nahuhumaling sa ganitong Gawain o di kaya ay sila mismo ang humahanap sa mga gawaing ito na alam naman niya na nakakasama sa kanyang sarili.

 

Tulad ng yosi, inom at sugal ay marami ng impormasyong kumalat kung bakit ito hindi dapat gawin o kung bakit ito dapat iwasan pero patungkol sa impormasyon na maglilinaw sa mga kalalakihan kung bakit hindi tamang gawin ang pambababae ay kakaunti ata or wala. Kaya sa pagkakataong ito ay magkukusa ako na pangunahanng ibahagi ang aking nalalaman sa isyu na ito, para mapag-isipan mabuti ng mga kalalakihan na tulad ko kung dapat nyo nga bang ituon ang inyong panahon, salapi at damdamin sa pambababae?

 

Hindi ko na tatalakayin sa artikulo kung ito kung bakit masama ang pambababae, marami kayong mga pwedeng basahin o pagtanungan upang mapalawak ang inyong kaisipan patungkol ditto.

 

Ang isa sa nais kung talakayin sa aritkulo kung ito ay bakit nga ba kinaiingitan ang mga babaero?

Bakit nga ba?

 

Sabi nga nila “Action speak louder than words” pero minsan ang “action” medyo confusing, mas mainam parin ang may voice or nasusulat. Isang tradisyong paniniwala na kapag ang isang lalaki ay maraming babae lalo nat magaganda ay isa siyang matcho, gwapo o mayaman, maaring ang isang lalaki ay hindi tinataglay ang alin man sa tatlong katanigang iyan o maaring lahat ng ito ay tinataglay niya, pero ang iisang salita na nais nating marining ay

 

Magaling KA!

 

Mahusay o ayus ka! Masarap pakingan na sasabihin sa iyo ng ibang mga tao na ikaw ay mahusay lalung-lalo na kung ang dahilan ng papuri nila sa iyo ay sa iyong pambabae, parang ang sarap pakingan sa tenga at talagang feel na feel mong parang super gwapong ka.

 

Hindi sa nagbubuhat ako ng bangko pero minsan sa buhay ko ay aking naranasang magkaroon ng mga taga-hanga at aaminin ko na masarap talaga ang feeling lalo na siguro kung lahat ng iyong mga taga-hanga ay may face value.

 

Sa gitna ng kaligayahang ito, binulay-bulay ko ang aking sarili at tinanung ko na

 

Bakit ako masaya?

 

Sa lahat naman ng mga nadadama natin sa buhay eh may mga dahilan kung bakit ito nangyayari o nararamdaman, halimbawa…

 

 nakapasa ka sa grade 5 masaya ka nito dahil alam mo na grade 6 ka na next year at natupad ang plano mong huwag bumagsak para huwag maging pahirap kay nanay at tatay.

 

Sa halimbawang ito ang isa sa dahilan kung bakit ka masaya ay dahil hindi mo binigo ang mga magulang mo at hindi ka nakapag-aksaya ng panahon.

 

Mapunta tayo sa pambabae, sabihin na nating nasa sitwasyon ka na maraming kang mga nag-gagandahang tsiks at silay patay na patay sa iyo at tipong ginagawa nila ang mga gusto mong ipagawa. Ang initial na reaksyon nating mga lalake ditto ay matutuwa, masasabik o masaya at ang akin ngang tanung ay

 

Bakit? Ang sagot…

 

Sex, variety and compliments

 

            Ang tatalong ito ang   madalas na dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga lalake sa pambababae. Kung tatanungin natin ang bawat isang dahilan kung “bakit” ay ito ang maaring maging kasagutan.

 

Sex- Masarap talaga ang makipag-talik, isa itong pangangailan ng ating katawan parang pagkain, nilikha tayong magkaroon ng abilidad upang makipag-sex.

 

Variety- Gusto naming mga lalaki yung matikman ang ibat-ibang putahe mayroon kasing sense of excitement, adventure at challenge.

 

Compliment- Kahit babae man ay gusto din yung purihin siya at ang pambababae nga kahit masama, kung minsan sa ibang tao parang positibo o dag-dag karangalan ang pagtingin nila.

 

Ngayon inisip ko kung ang tatlong dahilan na ito ay makatuwiran at matibay na batayan ba para gawin ang pambababae? O baka naman naligaw lang tayo ng paniniwala?

 

Suriin uli natin…

 

Sex- Alam ninyo kung iisipin pare-pareho lang ng butas na meroon (mawalang galang po) ang mga babae, pare-pareho lang ng pakiramdam ang madadanasan mo kesyo maganda o pangit siya. Maaring sasabihin ninyong kaya nambababae si lalaki dahil naghahanap ng mas bata, hindi rin siguro dahil may mga nababalitaan akong mas may edad pa yung babae niya kesa sa tunay na asawa. Wala rin siguro sa isyu yung status or itsura dahil kung minsan ang kabit ni mister or ni boy-friend eh si Inday. Keh artistahin, GRO or office girl pa iyan palagay ko hindi patungkol sa seksuwal na pangangailangan ang isyu kundi sa…

 

Variety & compliment

 

            Ako kasi kahit noong binata pa ako kapag nanunuod ako ng mga x-rated or rated R mas gusto ko yung may kaunting storya o dahilan kung bakit sila nagpang-abot, hindi yung basta nalang magtatalik. Naniniwala ako na ganun din ang pakiramdam ng mga kalalakihan na nambabae o mahilig sa babae, hindi siguro yung mismong babae yung habol niya kundi yung sensation na maaring bumalot sa kanilang dalawa halimbawa yung ganitong eksena

 

Teacher sinyota yung student

Bossing sinyota yung Secretary

Sinyorito sinyota yung katulong

 

Medyo nacha-chalenge sila sa ganitong mga pangyayari at yun ang malakas makapanghikayat ng ganitong masamang Gawain dahil nga may kakaibang enjoyment kuno kang nararamdaman at kapag na-accomplish mo na ang misyon mo na tikman si inday or si sekritarya naririyan na ang mga compliment ng mga kasama mo at mayroon ka na ngayong maikwe-kwentong nagawa mo, na iyong inaakala na parang isang karangalan ang gawaing ito.

 

Ang tanung, dapat mo nga bang ika-rangal iyan?

Karangalan ba na mang-isa ka ng ibang tao lalo na at virginity ang usapan ditto?

 

Karangalan ba yung mang-uto ka ng kapwa mo para lang makatikim ng laman?

 

Karangalan bang makasira ka ng pamilya o relasyon?

 

 

Ilan lang ito sa mga tanung na alam nyo naman na ang sagot ay “hindi” pero nakakapagtakang isipin na marami parin ang nagpupursiging gawin ang ganitong bagay.

 

Malamang tinatanung ninyo sa inyong sarili na

 

“bakit ganun?”

 

Bakit ganun kaming mga lalaki alam na niyang mali pero sige parin siya?

 

Ang nakikita kung sagot ditto ay iyong “social conditioning” o sa karaniwan nating lengwahe ay impluwensya ng kapwa. Marring ito ang nakita niya sa kanyang kamag-anak, kaibigan, TV or kapitbahay at hindi siya nagabayan ng maayos ng kanyang guardian. Tulad nga ng mga nasabi ko sa aking mga nakaraang artikulo mahirap baguhin ang nakasanayan na pero hindi ibig sabihing hindi mo na ito mababago, mahirap pero possible parin ang pagbabago.

 

Dapat natin isa-isip na walang koneksyon ang Success sa pagiging Womanizer…

 

Isa kasi ito sa palagay ko na “misconception” ng mga lalaki patungkol sa pambabae. Ito ang napapansin ko parang naging qualifying round yun bang dapat makarami ka ng girlfriend o di kaya ay mapagsabay-sabay mo sila in one time. Nung bata-bata pa ako sabi ko sa sarili ko

 

 “that’s ridiculous”

 

Paano mo nga masasabing magaling yun eh nang-gago ka ng kapwa! (mawalang galang lang po.)

 

Naniniwala ako na nagmula ang ganitong maling paniniwala sa makitid na pagsusuri dahil maaring nakita nila sa ibang mga taong mayaman, sikat at makapangyarihan na nambababae at ginawa nilang konklusyon na kung marami kang babae ay nangangahulugan na maaring mayaman, makapangyarihan o sikat kang tao sa isang larangan. Mahilig pa naman ang karamihang mga tao ang maki-angkas sa mga trend, like for example ang uso ngayon eh long-hair kahit hindi niya kayang dalin ang pagiging long-hair ay magpapahaba parin siya ng buhok para makasunod sa uso, walang pinagkaiba sa pambababae eh ginagawa ito ng iba para lang mapakita sa iba na mahusay o matagumpay din siya in some point ng buhay niya which is totally wrong! Mayroong tawag sa mga taong ito at iyon ay…

 

Posers or Maporma lang

 

Kapag sinabi natin na maporma lang or posers, nangangahulugan na ito eh mukha lang magaling tignan pero kung tutuusin ay walang ibubuga. Kung minsan hindi rin natutupad ang kasabihang…

 

“First impression last”

 

lalo na pagdating sa performance mas pumapabor parin ako sa sinabi ni Lucas Black sa The Fast and the Furious Tokyo drift na…

 

“Its not the ride, it’s the rider”

 

Kahit gaanong ganda pa ng kotse mo pero hindi mo naman ito kayang imaneho isa lang malaking turn-off ang magiging pagtingin sa iyo ng mga tao. Walang pinagkaiba sa “pambababae theory” na marami ka ngang nag-gagandahang syotang babae pero ano ba ang nagging mabuting kontribusyon mo ditto sa mundo? Kung ang sagot mo ay “wala” isa ka lang din ordinaryong tao o walang kwentang taong maituturing sa buhay na ito. Kung tatanungin mo ako kung ano ang totoong ibig sabihin ng Success ay uulitin ko ang sinabi ni Ginoong Thoreau na

 

“If you advance confidently in the direction of your own dreams, and endeavor to live the life which you have imagined you will meet with a success unexpected in a common hours.”

 

Sa makatuwid ang tagumpay ay hindi sinusukat kung ilang babae na ba ang nai-kama mo o kung gaano ba sila kagaganda, nasusukat ang tagumpay kung gaano mo natupad ang pangarap mo sa buhay. Alam ko na maaring sabihin ninyo na pinagarap ninyong mapaligiran ng mga nagagandahang babae pero ito ay isa lamang side-effect ng tunay na tagumpay, alam ko na ang mga lalaki ay may mga sari-sariling pangarap na nais marating sa buhay at hindi ito ang immoral na Gawain ang nais nilang marating kundi mga pangarap na maging isang mahusay sa isang larangan o Gawain ngunit marahil dahil sa hirap ng buhay o matitinding pagsubok na nakasagupa ay kanya ng kinatamarang abutin ang totoong pangarap at ang kanyang atensyon ay nalihis sa maling akala na ito ay mas lalong ikagugulo ng kanyang pag-intindi sa tunay na ibig sabihin ng tagumpay. Inuulit ko…

 

Walang kaugnayan ang Success sa pagiging Womanizer or Player. Hindi purket tama sa paningin o pandinig ng nakakarami ay totoong tama nga! Sa katuwiran mapapatunaya ang isang paniniwala kung tama.

 

Hindi ko ito isinulat upang magsilbing isang puting-tupa na nagmamalinis at pinipigilan kang mang-bebot, alam ko na masaya iyan pero ang pinaka layunin ko sa article na ito ay sana maisip mo muna ang mga naisulat ko bago mo pasukin ang gawaing iyan at ano man ang iyong desisyon ay naniniwala ako na malinaw sa iyo ang tatahaking landas.

 

Salamat sa iyong pag-basa

 

 

 

 

 

 

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 169 other followers

%d bloggers like this: