Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)

 

            Ang dahilan kung bakit ako sumulat ng artikulo patungkol sa ganitong tanung ay upang makatulong at makapagbigay ng linaw sa mga kabataang magdidisisyon sa kanyang papasuking kurso sa kolehiyo. Dahil naniniwala ako na hindi lahat ng tao ay may pagkakataong magkaroon ng magandang edukasyon lalung-lalo na sa Pilipinas dahil sa patuloy na nagiging kumplikable ang sistema ng ating economiya para sa ating mga mamamayan dito. Kayat ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay pupuwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay alam naman nating hindi na maibabalik kung sakaling nagunita mo sa kalagitnaan ng taon na hindi pala ito ang nais mong kurso.

 

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon. Ang mga nakasulat sa artikulo kung ito ay base sa aking pan-sariling karanasan at obserbasyon sa mga taong aking kakilala at malapit sa aking puso. Maaring ang mga ito ay taliwas sa karanasan na inyong narinig mula sa inyong mga kakilala at ito naman ay aking inaasahang mangyari dahil naniniwala ako sa kasabihang

 

Everybody is unique

 

Bukas ang aking pandinig upang pakingan o basahin ang inyong mga karanasan at maari ninyo itong ipadala sa akin, sino ang nakakaalam baka may mapulot akong bagong kaalaman mula sa inyong karanasan at maging kapaki-pakinabang ito para sa aking anak at mga magiging apo.

 

Ngayon dumako na tayo sa tanung na “Paano ba pumili ng Kurso sa Kolehiyo na hindi ko pagsisisihan?”

 

Una sa lahat mayroon akong gustong linawin tungkol sa pagkuha ng kurso sa kolehiyo, mayroon akong natuklasan na sa palagay ko ay mahalagang malaman ng mga estudyanteng nasa ilalim ng pagdedesisyon. Madalas na nasa isipan ng isang tao o estudyante na ang…

 

“Pagtatapos ng kolehiyo ay Pagkakaroon ng pera”

 

Totoo na pwede kang magkapera pagka nakatapos ka ng pagaaral dahil may kapasidad kang magkaroon ng trabahong pang “white collar job” ito ang minimithi ng karamihang kabataang pilipino kapag nakatapos sila ng pag-aaral, ang magkaroon ng magandang hanap buhay. Kapag sinabi nating “magandang hanap buhay” ibig sabihin malaking sweldo at magagandang benipisyo at kung pupwede rin ay madaling trabaho, lumalabas kaya tayo nag-aaral ay para magkaroon ng “pera!” na sa ibang aspeto ay tama naman pero dapat natin itanung na, ito ba ang totoong layunin ng pagtatapos sa kolehiyo, ang magka-pera?

 

Mayroon akong duda sa ganitong paniniwala, dahil parang hindi magandang pakingan na nagiging Negosyo ang Edukasyon.  Kung pera lang din ang layunin natin sa pag-aaral mas mainam siguro na mag-aral muna tayo kung papaano humawak ng salapi at magpatakbo ng isang maliit na negsosyo tulad ng pagtitinda ng inihaw na bituka ng manok o di kaya eh pork-chop, pwede rin ang pagpapatakbo ng isang computer rental at matapos nito ay pumasok tayo sa mga seminar ni ginoong Colayco na magtuturo kung papaano pangalagaan ang financial income, dito malinaw na magkakapera tayo at lalawak ang ating kaalaman sa negosyo at paghawak ng salapi, hindi tayo basta-basta maloloko ng kapwa natin pagdating sa mga tubo o suklian at diskarte ng paninda.

 

Pumapasok ang mga tao sa kolehiyo para mapadami ang kaalaman patungkol sa kanilang interes. Hindi interes sa bangko kundi personal na hilig, nais gawin sa buhay, maaring sa dako ng medisina, enhinyero o kompyuter, ang kanilang pangunahing layunin sa pagaaral ay upang makakuha ng maraming kaalaman at susunod nalang siguro dito ang magkapera, kung titignan mo sa panahon ngayon ay naging baligtad na, gusto mag-aral ng mga tao dahil intensyong magkapera agad, iniisip kung saan pwedeng magpuntang bansa o kung anung malalaking kumpanya ang pwedeng pasukan, magkano ang sweldo?

 

 Na kung saan kung titignan mo noon parang hindi naman ganito ang isipan ng mga estudyante, ang layunin nila sa pagpasok ng kolehiyo ay para maabot nila ang kanilang pangarap. Kung nakapanood ka nga ng mga Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noon ang lagging tanung sa mga bata ay

 

“Ano ang gusto mong maging?”

 

Ang sagot nila

 

“Gusto ko pong maging Doctor”

 

Bakit? (Follow-up question)

 

“Gusto ko po kasi maging katulad ng Tatay ko na gumagamot sa mga taong may sakit at tumulong sa mga taong mahihirap.”

 

Kung mapapansin ninyo ang mga kaisipan noon ay naka-sentro sa “Life Purpose” para magkaroon ng sense of certainty ang buhay o para mabuhay ng makabuluhan sa mundo. Pero ngayon parang iba na yata, tanungin mo ang mga estudyanteng mag-eenrol ng ganito…

 

Ano course na kukunin mo? (tanung)

 

Nurse!(sagot)

 

Bakit?(Follow-up question)

 

Kasi po gusto ko pumunta ng Amerika!

 

Bakit gusto mo pumunta ng Amerika?

 

Para kumita ng Dolyar! Dahil kapag Dolyar kumpara sa Peso ay mas-malaki

 

 

Sa makatuwid kaya gusto mag-nurse ay hindi dahil sa gustong gampanan ang gawaing Nurse kundi nais lang talagang kumita ng malaking salapi.

 

Gusto kung liwanagin muna na walang masama sa mag-ambisyon o sa pagkita ng malaking pera lalung-lalo na sa pagiging Nurse pero kung ang gagawin mong batayan sa pagkuha ng kurso ay kung alin ang mas malaki magpasweldo ngayon ay hindi matibay na batayan o paraan para pumili ng kurso.

 

 

So balik tayo sa naudlot na tanung…

 

Paano nga ba pumili ng kurso sa kolehiyo o ano ang matibay na basehan sa pagpili ng kurso?

 

Ito ngayon ang sagot…

 

Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaring narinig nyo na ang payong ito pero sa totoo lang ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.

 

Matanung ninyo kung bakit?

 

Dahil kapag sinabing Course tinutukoy dito ang direksyon sa buhay, kapag tinanung na ano ba gusto mong direksyon o kung saan mo gustong mapapunta dapat mo itong sagutin ayon sa gusto mo…

 

Hindi dahil gusto ng magulang mo

Hindi dahil gusto ng kaibigan mo

At higit sa lahat hindi dahil libo-libong tao ang kumukuha ng kursong ito.

 

 

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

 

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

 

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na

 

“Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”

 

Kaya sana ang artikulo kung ito ay makatulong sa inyo.

 

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una, sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

 

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

PS

Iminumungkahi kung iyong panoorin ang pelikulang banyaga na may pinamagatang ACCEPTED, na pinagbibidahan nila Justin Long, Blake Lively, Mark Derwin, Columbus Short at sa direksyon ni Steve Pink.

 

Maari mo ring basahin ang iba pang mga artikulong akin ring isinulat na pinamagatang

 

BABALA SA MGA GRA-GRADUATE NG KOLEHIYO

 

HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO

 

Paano mo masasasbing PANALO ka sa Kurso mong kinuha sa Kolehiyo?

 

KARANASAN O PINAG-ARALAN?

 

ANO ANG MATIBAY NA BASEHAN SA PAGPILI NG ESKELAHAN?

 

February 22, 2010 (Averaging 90-100 viewers per day)

MARAMING-MARAMING SALAMAT! Sa lahat ng mga bumabasa o bumibisita sa artikulong ito. Nawa sana ay makatulong ako sa pagdedesisyon ninyo sa pagpasok sa kolehiyo.

 

Hinihiling ko na sanay maging matagumpay kayo at maligaya sa landas na inyong napiling tahakin.

 

My March 2004 Graduation Pix

Ang aking maipapayo sa mga Freshmen ay enjoyin ninyo ang buhay kolehiyo ano man ang estado ninyo sa buhay.

Para naman sa mga Seniours Kaunti nalang at magtatapos na ang pagtitiis, HUWAG SUSUKO!

At para naman sa mga kaka-graduate lang ay magsikap tayo na may halong pananampalataya  sa itaas,  dahil mayroon siyang inilaan para sa atin na magandang kapalaran…

At ang magandang kapalaran na ito ay makakamit natin kung tayo’y tumitiwala…

Tandaan lang yung sinabi ni Cristo kay Tomas

 “Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakikita”

Juan 20:29

Bless you all

Rocky Rivera

=-=-=–=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=

July 24, 2012

Saan na nga ba ako napadpad ngayon matapos ang pagtatapos ko sa kolehiyo?

Well as of now being empleyado ay naririto ako ngayon sa KSA (Kingdom of Saudi Arabia) bilang isang Production Planner.

I would say I am satisfied to what I am now… Sana kayo rin balang araw ay mahanap ninyo yung magpapakuntento sa inyo.

About these ads

13 Responses to Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)

  1. aLps ay nagsabing:

    Choose what you really want to study about and you really want to do after graduation. The perceived income would just be a bonus. :)

  2. [...] Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!) [...]

  3. neil dalanon ay nagsabing:

    nice post. naka-relate ako. :-)

  4. rockwitralph ay nagsabing:

    Thanks Neil for reading my article, Yap! I was motivated na isulat ang artikulong ito dahil nararamdaman ko kadalasang isyu ito ng mga kabataan.

  5. [...] Ano ang Matibay na Basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo [...]

  6. lhayne ay nagsabing:

    tnx po sa pag-popost pwede po bang magamit yong ilan sa mga idea nyo na nakalagay dito? kelangan po kc nmn pra sa research namn. salamat po^^

  7. rockwitralph ay nagsabing:

    @Ihayne,

    Walang problema, pwede ninyong gamitin ang lahat ng nasa blogsite na ito at ang lahat ng ito ay libre.

    Salamat sa inyong pagdalaw at pagbabasa
    Rocky Rivera

  8. [...] lahat ay nagpapasalamat ako ng marami sa mga patuloy na bumabasa ng aking artikulo na pinamagatang “Ano ang Matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo” na totoo namang patok na patok sa araw-araw na ginawa ng [...]

  9. [...] Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!) [...]

  10. [...] na Artikulo Ngayon (Most Popular Article today) ANO ANG PROBLEMA NG TAONG PAPANSIN?Ano ang matibay na gawing basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo?(MUST READ!)Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis (MUST READ!)NIKON OR CANONPaano mo masasabing [...]

  11. wheniflipthepage ay nagsabing:

    Nakaka-relate ako. Mahilig kasi ako sa pagsusulat pero may mga nagsasabi na wala daw masyado pera sa pagsusulat. Hindi naman ako masyado naaapektuhan niyan at nung nabasa ko itong post mo, mas nabuhayan ako na ipaglaban ang gusto ko. :)

  12. Shiella Guiwan Jose ay nagsabing:

    Hi Ricky, thank you so much for this article. Very helpful lalo na sa mga incoming college students. God bless!

  13. rockwitralph ay nagsabing:

    Hello Shiella,

    Your Welcome and thanks for the comment, really appreciate it!
    God Bless to you and your Fam….
    By the way I’m Rocky not Ricky :)

    Regards

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 169 other followers

%d bloggers like this: