FRATERNITY DAPAT BANG PASUKIN?

 

            Isang popular na tanung ng mga kabataan mula noong dekada sisenta hangang sa kasalukuyang bagong milenyo…

 

OKAY LANG BANG PASUKIN ANG FRAT?

 

May nagsasabing HINDI, mayroon naman nagsasabi ng OO

 

Marami ng debate ang itinayo may nanalo sa panig ng HINDI may nanalo narin sa panig ng OO…

 

Pero ang katanungan ay wala paring diretsong kasagutan. Maaring sinasabi sa inyo sa TV o radio na dapat huwag natin itong aniban ngunit sa totoong mundo na iyong ginagalawan, alam naman nating nariyan ang malakas na impluwensyang kukumbinsi sa ating itoy salihan.

 

Kung tutuusin wala naman sanang issue ang FRATERNITY kung hindi lang naging controversial ang tinatawag nilang HAZING isang uri ng pagsubok o initiation na dapat mong pagdaanan upang maging official kang miyembro o kapatid ng organisasyon.

 

Naging issue ang HAZING nung nasangkot na ang BUHAY!

 

Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga binawiaan na ng buhay dahil sa HAZING dito naging controversial at marahil nabuo ang malaking tanung na dapat ba itong aniban.

 

Ang sagot sa tanung ng pamagat ng artikulong ito ay sa pamamagitan ng tanung na

 

BAKIT?

 

Oo yan ang sagot sa tanung na DAPAT BANG PASUKIN ANG FRAT?

Bakit ka sasali ano ang iyong layunin?

Alammin mong mabuti at maging malinaw sa iyong sarili ang sagot sa tanung na BAKIT???

 

Kung ang layunin mo ay dahil sa mga bagay na pang-laman or materialistikong intentsyon tulad ng pagkakaroon ng oppurtunidad na makapang-babae, impluwensya sa ibat-ibang bagay o di kaya ay kapangyarihan para katakutan ng ibang tao…Kung ito lang ang layuinin mo, ang masasabi ko ay huwag mo na sanang tangkaing pasukin ang samahang binabalak mong salihan. Labas na tayo kung malalampasan mo ang mga initiation, pagsubok o hazing ng may buhay ka pa ang inaalala ko ay baka maging isang uri ka ng taong over-dependent sa kapangyarihan ng iba at mawala ang iyong tiwala at pananalig sa sarili at sa itaas. Tandaan mo na ang taong laging nanghihiram ng lakas sa kanyang posisyon o istado ay mahina, yun ang inaalala ko sa iyo baka akala mo malakas ka dahil sa panlabas mukha kang maimpluwensya ngunit sa loob mo ikaw pala ay mahina lalo na kung iwanan ka na ng iyong FRAT.

 

Kapag ang layunin mo naman kaya gusto mo sumali sa isang FRAT ay dahil alam mo na magkapareho kayo ng hilig o layunin sa buhay, gustong mapaligiran ng taong may kaparehong hilig o panniniwala halimbawa ang kapatirang sasalihan ay samahan upang labanan ang polution at ang layuning ito ay iyong totoong isinasapuso at inaayunan, para sa akin wala akong nakikitang masama para itoy iyong salihan.

 

May mga FRAT na nabuo dahil mayroon silang makabuluhang ibinubuhay o ipinaglalaban at may FRAT namang sumibol lang dahil gustong bumuo ng pwersa upang gamitin sa pang-aabuso at ang samahang ito para sa aking sariling opinion ay dapat iwasan. Hindi dahil masama ang kapangyarihan kundi dahil imbis na gawin kang tunay na malakas ay gagawin kang mahina.

 

Tungkol sa pagsubok, initiation o HAZING na pinatutupad sa bawat samahan bago maging isang tunay na kaanib ay sa inyo ko na iniiwan ang desisyon, tignan at suriin ninyo mabuti kung makatuwiran ba ang pagsubok na iyon, ano ang idudulot o idadag-dag ng pagsubok na ito kung iyong mapagtagumpayan o baka naman tuturuan ka lamang ng pagsubok na ito para mag-higanti….

 

Tandaan ang salitang FRATERNITY O BROTHERHOOD sa salitang tagalog ay KAPATIRAN o pwede ring sabihin kamag-anak at sa tingin mo ba ang pagsubok na ipapagawa sa iyo ay isang makabuluhang gawain na maipapagawa mo sa iyong sariling kapatid o kamag-anak?

About these ads

10 Responses to FRATERNITY DAPAT BANG PASUKIN?

  1. pinoyonlinenovels ay nagsabing:

    I joined a fraternity in Italy (with almost two thousand brothers, sometimes called MASONS) and I valued the brotherhood there. May pagkakaisa kaming lahat and at the same time may pagmamahalan.

    anyway, siyempre lahat ng frats may initiation. Sa kapatiran namin (Les Guerriers de Christ sometimes called Holy Fraternity, based in Castel Sant’Angelo in Rome, Italy), ang initiation namin e IINOM KA NG TATLONG KLASE NG DUGO- isang baso ng DUGO NG AHAS (COBRA), isang baso ng DUGO NG TUPA, at isang baso ng DUGO NG TAO.

    Pwera biro. Totoo yan. Yan ang initiation namin. Wala namang bugbugan. Hindi ka naman pahihirapan. Tatatakan ka lang sa braso.

    As of today, isa na akong Arbitanus Pyrus- Guardian of Fire- pang-apat sa pinakamataas sa aming kapatiran.

  2. rockwitralph ay nagsabing:

    @ pinoyonlinenovels

    Congratulation that you are with people you love.

    Yes it is true, not just on every fraternity but all…

    i mean all! to religion, organization, company or new course in life meroong
    initiation or in other term they use it “pa-welcome”

  3. aLps ay nagsabing:

    Feel ko, fraternities, in principle, exists in society (families, barkadas, etc..). Finormalize lang ng frats/orgs na ito ang concept of brotherhood. Too bad, masyado silang stringent sometimes.

  4. John Eric Cejalvo ay nagsabing:

    MOST FRATERNITIES ARE DOING SUCH THING THAT CAN MAKE OUR ENVIRONMENT BETTER AND THEY HAVE CONCERNS ABOUT OUR MOTHER EARTH!

  5. 25pesocupnoodles ay nagsabing:

    Tao po, maka-ilang beses ko na rin itong binasa Ginoo, ang tagal na pala nitong post na ito. Mayron kasi akong pag-aalinlangan sa aking sulatin na patungkol dito, ang katha ko ay na-finalized ko na bago ko pa man matunghayan ang iyong katha. Ang aking kasing agam-agam ay wari ko, medyo naging biased ako sa aking sulatin, lalo na ng mabasa ang iyong katha. Sa iyo kasi naging balanse ang bawat panig, marahil ay wari ko, naisantabi mo ang iyong personal na damdamin at pakiramdam habang isinusulat mo ito, na kaiba ang nangyari habang ako naman ay nagsusulat patungkol sa usaping ito. Iyon lamang po, gandang gabi.

    Salamat sa matimbang mong panulat.

  6. […] sa katha ni Rocky Rivera, na nagkaroon ng balanseng pagtalakay sa usaping ganito. Rate this:Share […]

  7. […] Nainspire sa dalawang magkaibang pananaw at paraan ng pamamahayag … 25pesocupnoodles at Rocky Rivera. […]

  8. rockwitralph ay nagsabing:

    Walang anuman, Salamat rin sa iyong pagtangkilik. Ang artikulong iyon ay batay sa aking mga naging karanasan sa makabilang mukha ng buhay kung kayat sa totoo lang hindi ganoon kadaling mahusgahan kung ano ang tama at mali, talagang dumidipende rin sa punto vista ng isang tao.

  9. Joanna Mae Bajade ay nagsabing:

    fraternities is among the most serious problem that our government is facing today cause it involves the youth that can be hazardous to some ,

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 171 other followers

%d bloggers like this: