Paano mo masasabing SUCCESSFUL ka sa buhay?

 

Malaking bahay, magarang oto at maraming pera sa bangko…

 

ito ba ang kahulugan ng SUCCESSFUL?

 

Pupwede pero para sa akin ang magkaroon ng mga ganitong pag-aari ay mas ankop sabihing MASAGANA ang taong iyon imbis na gamitin ang salitang SUCCESSFUL o MATAGUMPAY.

 

Ano ba ang kahulugan ng salitang SUCCESSFUL?

 

Nagsuri ako sa pamamagitan ng aking OXFORD dictionary software at ayun dito ang salitang SUCCESS ay…

 

1 accomplishment of an aim

 

Sa tagalog: nakamit ang minimithi

 

Pero tinatanung ng iba bakit sa tuwing nakakamit natin ang ating mga mithiin, pangarap, target or goal sa buhay ay parang ang pakiramadam ay WALA LANG?

 

Nangarap kang makatapos ng pag-aaral tapos naka-graduate ka na

Nangarap ka namang magkatrabaho tapos nagkatrabaho ka na nga

Nangarap ka na maging Manager tapos natupad nga

 

Pero bakit parang kulang pa rin? Ito ang tanung mo sa sarili mo, bakit kapag nakakamit mo na ang mithiin mo o naiisin sa buhay pagkatapos ng ilang araw, linggo o buwan eh parang iniisip mo na kailangan mo nanamang magtayo ng isang target, goal, pangarap o mithiin dahil kapag hindi, parang ang pakiramdam mo eh walang sigla ang iyong buhay.

 

Tinatanung mo minsan sa sarili mo

 

Nagiging gahaman ba akong tao? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kakuntentuhan sa buhay.

 

Paano ba maging successful sa buhay?

 

Pinakita ko sa inyo ang ibig sabihin ng salitang SUCCESSFUL  at sabi nga ang ibig sabihin nito ay ang makamit mo ang iyong mithiin pero kapag ang tanung ay dinugtungan na ng salitang BUHAY! ang kahulugan ng SUCCESSFUL ay hindi sapat para punan ang tanung.

 

Una sa lahat ano ba ibig sabihin ng BUHAY or sa wikang ingles eh LIFE, from OXFORD dictionary software ulit ang sabi

 

life  n. (pl. lives) 1 capacity for growth,

sa wikang tagalog ay kakayahang lumago, lumaki o umunlad.

 

Kung sa makatuwid masasabi mo na SUCCESSFUL o MATAGUMPAY ka sa BUHAY kung patuloy kang may mithiin sa buhay na nakakamit o pinagpupursigihang makuha.

 

Mayroon kang ginagawang bagay, pinagsisilbihang tungkulin o di kaya ay hinahabol na pangarap.

 

Walang pinagkaiba sa tanung na paano ba bumuhay ng tao?

 

Syempre ang sagot dito ay pakainin, bigyan ng damit, matutulugan at edukasyon at ang mga ito ay hindi isang beses mo lang ibibigay, ang pagkain ay hindi pupwedeng isang beses mo lang ibibigay dahil hindi ibig sabihin na kapag pinakain kita ngayon ay hindi ka na magugutom habang buhay. Walang pinagkaiba sa TAGUMPAY o SUCCESS sa BUHAY hindi purket naging matagumpay ka ngayon ay ibig sabihin tumigil ka na o di kaya ay tama-na!

 

Mali! ang ganitong isipan…

 

Sabi nga ni Anthony Robbins sa kanyang librong Unlimited Power

 

“The road of success is always under construction”

 

Ang tagumpay ay hindi isang destinasyon kundi isang paglalakbay tulad ng growth o buhay.

 

Tulad ng pagkain, pagtulog, ehersisyo at edukasyon ay mga bagay na ating responsibilidad upang ibigay sa ating sarili o sa ating mga minamahal upang patuloy tayong  mabuhay dito sa mundo…

 

Gayun din ang pagiging SUCCESSFUL sa BUHAY, responsibilidad nating alamin ang ating nais gawin, itoy itakda, sikaping kamtin, patuloy na ulitin ang sistema at huwag hayaang tumigil.

About these ads

One Response to Paano mo masasabing SUCCESSFUL ka sa buhay?

  1. Lynne Cuyno ay nagsabing:

    hindi kopa nakamit ang mithiin ko sa buhay kaya hanggang ngayon inaasam asam ko parin ang magtagumpay sa buhay…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 166 other followers

%d bloggers like this: