PARA SA MGA BIKTIMA NG SEX SCANDAL

  Natatandaan ko mga year 2002 ang unang beses kung makapanood ng SEX SCANDAL. Mga Malaysian pa ata ang mga lahi ng mga iyon, ang kwento pa eh magkasintahan ang dalawa at nakuha nung kaibigan nila ang video saka naman ito pinaginteresan na i-upload sa internet at mula noon naniniwala ako sila ang naging promotor ng SEX SCANDAL. Sa totoo lang kapag first time kang nanunuod ng SVS(SEX VIDEO SCANDAL) ay maaliw ka dahil ang nakikita mong palabas ay hindi tulad nung porn movies na halatang umaarte lang ang mga nagtatalik, di tulad sa SVS eh talagang yun ang REAL DEAL ika nga. Pero nung tumagal-tagal kapag inaalok ako na manood ng  SEX SCANDAL eh hindi ko na pinapatos kasi para sa akin ang SEX SCANDAL ay BORING! Iba parin yung porn na ginawa para sa mga taong nag-sosolo flight (kahit na alam mong umaarte lang).

Kamalaunan napaisip na ako, lalo na nung medyo nauso na sa Pilipinas ang SEX SCANDAL tinanung ko sa sarili ko na paano kaya kung mangyari ito sa akin o di kaya sa isang kamag-anak ko sa buhay?  Paano namin haharapin o lulutasin ang ganitong pagsubok? Ganito ang mga namumuong tanung sa aking isipan.

Mayroon ako noong isinulat tungkol sa mga nabiktima ng RAPE (https://rockyrivera.wordpress.com/2009/02/27/ano-ang-mga-dapat-malaman-at-gawin-kapag-nabiktima-ng-rape/) nakasulat dito ang mga bagay na mahalaga ninyong malaman kung kayo ay nabiktima ng panghahalay. Tulad ng nasabi ko sa artikulo ang tinulungan kung tao ay malapit sa aking buhay at noong mga panahong hindi pa namin nadadakip ang RAPIST ay naikwento sa amin ng biktima na kinunan daw siya ng video habang hinahalay at syempre kahit sino pang tao kahit kaibigan ka lamang ay kukulo at tataas ang temperatura ng dugo mo kapag nalaman mo ang pangyayari na ito. Sinabi pa daw sa kanya ng suspek na iuupload ito sa internet at maraming tao ang makakakita, lalung nagpuyos ang aking damdamin at parang gusto kung lipulin ang buong pamilya ng kriminal na iyon. Ngunit walang magagawa ang galit kundi manapa itoy makakasira lamang sa mga plano upang resolbahin ang publema.

Pinagusapan namin kung papaano mapipigilan ang pag-kalat ng video sa internet, ngunit aming naisip, makuha man namin ang main copy sa suspek hindi pa kami kumbinsidong tapos na nga ang publema, maaring may back-up copy ito o ang mga kaibigan niya(ng suspek) at hindi malayong i-upload ito sa internet. Isa akong old school programmer (ibig sabihin ko dito dati akong programmer) at hindi naman iba sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa computer o internet at alam ko na hindi malayong mangyari iyon at sa panahong ito wala pang makakapuksa ng ganitong epidemya, kapag itoy kumalat sa internet siguradong mahirap na itong pigilan dahil una wala namang MTRCB sa internet pangalawa hindi naman centralize ang sistema na kapag binura mo ang scandal mo ay burado na lahat, may lilitaw at lilitaw parin o matitira.

Naisip ko tuloy na ang SEX SCANDAL ay maihahalintulad sa PIRACY, once na nag-leak ang isang bagong pelikula, yari na iyan sa BIT TORRENT. So externally wala kaming maisip kung papaano ito lulutasin kapag kumalat na sa madla.

Naisip ko noon na hindi na namin dapat sayangin ang aming panahon sa bagay na wala na kaming magagawa kundi mas maiging pag-ukulan namin ng panahon ang mga bagay na mayroon kaming kayang magawa.

Una sa mga ipinaliwanag namin sa biktima ay sana matangap niya ang masamng karanasang dinanas. Mahirap pakingan yung salitang “Tangapin” lalo na kung ikaw ang naargabyado pero kung tutuusin kahit nung nadakip na namin ang suspek ay hindi parin mapapawi ang kasamaan sa iyong puso kung patuloy na itinatangi ang mapait na karanasan. Kahit na anong uring pagkakamali o trahedya ang dumating sa buhay ng isang tao napansin ko na ang unang dapat nitong gawin ay TANGAPIN at INTINDIHIN ang pangyayari, harapin ang nahaharap na sitwasyon dahil natutunan ko noon na kapag hinarap mo ng buong katatagan ang isang publema o suliranin kahit gaano pa ito kahirap ay magkakaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso at isipan at pangalawa dito ay maisip kung anung solusyon ang gagawin.

Sa totoo lang ang unag hakbang lang ang masasabi kung aplikable sa kanino mang mga taong nabiktima ng SVS dahil ang susunod na hakbang ay kayo na ang makakapagsabi. Kung tatanungin ninyo ang malapit kung kaibigan, kung ano ang ginawa niya ay maski kaming mga tumulong sa kanya ay humanga sa kanyang katapangan. Sa kabila ng mga banta ng kahihiyan at mga pambubuska ay hindi ito natakot (ang biktima), ang importante sa kaniya ay makamit ang KATARUNGAN! Sabi ko nga sa kaibigan kung ito noon ay hindi mo na ito pansariling laban kundi laban na ng mga kababaihan kontra sa mga mapang-abusong tao at siya (ang malapit kung kaibigan) ang kumakatawan sa parte ng mga kakabaihan inabuso at sinamantala.

 Hindi na kayang abutin ng ating impluwensya kung ano man ang isipin ng mga tao para sa mga nabiktima ng SVS, nakakabuwisit talaga kung minsan na may mga taong parang walang moral at pakialam sa kapwa, iniisip lamang ang sariling kapakinabangan.

 Gusto ko lang isingit yung sabi nila na may mga opurtunidad na lumalabas sa tuwing magkakaroon ng suliranin sa buhay, halimbawa sa kompanya ko ngayon maraming mga bulilyasong nangyari sa mga plano namin sa dati kung departamento at ang mga ito kung iisipin mo ay puro sakit sa ulo at wala akong makitang dahilan para itoy maging mga opurtunidad pero kamalaunan nung napromote na ako at nalipat sa mas magandang departamento, doon ko naisip na ang mga nakaraan kung mga kunsumisyon ay isang paraan upang masukat ko kung hangang saan ako tatagal kaya ngayon dito sa trabaho ko papetiks-petiks nalang. Tatanungin mo siguro “Ano naman ang koneksyon nito sa biktima ng SVS?” sa totoo lang nahihiya ako sa sagot kung ito pero sana ay ma-gets ninyo yung ibig kung sabihin.

Hindi lingid sa inyong kaalaman kung sino si Paris Hilton, isang palaisipan parin kung talaga bang sinadya niya ang SVS niya o talgang mayroon lang na nang-goodtime sa kanya. Pero kung titignan ninyo ang SVS ni Paris ay parang naging isang world wide advertisement para sa kanya, kung tutuusin mas kilala pa ang mukha at pangalan niya kaysa sa mga beteranong hollywood actress na nakikilala lamang natin sa mukha, pero si Paris Hilton bihira lang ang hindi nakakakilala dito, ikaw ba naman ang magkaroon ng sariling pelikula, signiture dress, pabango at make-up na nakapangalan sa iyo eh saan ka pa? Yan ay dahil din sa kanyang SVS o SEX SCNADAL VIDEO.

 Hindi ko hinihikayat na tunguhin ng mga biktima ng SVS ang ginawa ni Paris pero nasa sa inyo kung ano ang sa tingin ninyo na makakabuti para sa inyo ngunit ang punto ko dito ay ano man ang trahedyang hinaharap ninyo ngayon paniguradong may magandang kapalit ito kapag napagtagumpayan.

 KASIKATAN! KAHIHIYAN! Ang dalawang ito ang paniguradong namumutawi sa isip ng mga biktima ngunit nais kung ipaalala sa inyo na mayroon kayong dapat makita bukod sa kahihiyan at sa masasabi ninyong kasikatan ito ay walang iba kundi KAPANGYARIHAN! Paano ko nasabi ito? Sa panahon ngayon bilang mga biktima ay magiging epektibo kayong tagapag-payo upang babalaan ang ating mga kababayan upang wag ng danasin ng iba ang inyong dinanas. Isipin ninyo kung ilang tao ang maaaring maligtas ninyo na posibleng maging biktima at tuluyang masira ang buhay.

 Hindi ko sa winawalang bahal ang dinanas na trahedya ng mga SVS victims ngunit ano man ang mangyari, mahuli at mabigyan ng leksyon ang nagkasala, matapos maghilum ang sugat sa damdamin siguradong magiiwan ito ng malalim na marka at ang tanung ano ang gagawin mo sa markang ito? Ipagsasawalang bahala nalang ba o gagamitin ito upang magsilbing simbolo ng babala? Babala na kung saan makakatulong sa sangkatauhan.

 Sa mga biktima ng SVS nais kung ipaabot sa inyo ang aking malalim na sympatya…

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.