PAANO BA TALAGA MAGING TUNAY NA LALAKE?

Ang artikulong ito ay para sa lahat ng Filipino at mga nakakaintidi ng wikang Filipino. Keh binata, nagbibinata, bata, dalaga, nagdadalaga, nasa mid-20′s, 30′s above at sa lahat ng interesadong malaman o magkaroon ng ideya kung papaano ba maging TUNAY na isang lalake ang mga lalake ngayon.

PAANO BA TALAGA MAG-PAKA LALAKE? O maging TUNAY NA LALAKE? Ang mababaw na pagkakaintindi natin sa wikang “lalake” ay yung taong may “lawit” pero alam din natin na hindi lahat ng may lawit ay may “bayag” maaring may itlog yung lawit pero hindi lahat ng itlog ay matatawag na “bayag”.

Tanung pa nga ng iba ay

Ang tunay po bang lalake ay may matulin na kotse? Malakas na baril? Maraming nag-gagandahan at batang-batang mga chicks? Maraming pera? Maraming Tatooo? Magaling umawit o mag-Rap? Etsetera?

Ang mga nabangit ay masasabing SUMISIMBOLO sa tunay na lalake pero hindi ibig sabihin tunay na lalake ka na nga kapag meron ka nung mga nabangit sa itaas. Kumbaga parang ganito lang yan, hindi purke nakahawak na ng mapa ng New York ang isang tao ay ibig sabihin na kaagad nito ay nakapunta na nga siya sa lugar na iyon, maaring nakapunta na siya roon o hindi pa, hindi naman ibig sabihin na lahat lang ng may mapa ay sila lang ang makakapunta doon sa patutunguhan meron din mga taong nakakapunta doon sa isang lugar dahil sa napad-pad lang, naligaw o ginamit lang yung natural insticnt. Sabi nga ni Stephen Covey

“the map is not the territory.” It is a theory, an explanation, or model of something else.- From 7th Habit of Highly Effective People.

So ibig sabihin hindi compulsory na gawin mo lahat nung nabangit sa itaas. Hindi required na magpatato, magkaroon ng mga sandata o matutulin  na oto at lalo na yung magkaroon ng maraming kabit…

So ano po ba Kuya ibig sabihin ng tunay na lalake?

Kapag nagtanung tayo ng  ano ang”TUNAY”? parang nirerefer natin ito sa tanung na ano po ba ang “ORIGINAL”? tama po ba?

Bakit nga ba natin gusto original? Kasi matibay at maasahan di po ba? So sa usapang TUNAY NA LALAKE ang isa sa dapat nating itanung ay

ANO BA ANG SILBI NG LALAKE SA BUHAY NG SANGKATAUHAN?

Kahit saan ka tumingin mapa gubat o sa sinaunang panahon ang mga lalake noon ay siyang mga obligado na maging “RESPONSABLE” sa mga tungkulin.

At ang mga tungkulin na ito ay masasabi ko na binubuod sa isang pangungusap na walang iba kundi siguraduhing ligtas ang kanyang teritoryo.

Mapa tao o hayop ito ang mapapansin mo sa mga lalaki. Mas concern sila sa teritoryo kesa sa individual. May mga hayop na mamabangis na kung saan hindi ka nila gagalawin kung hindi ka tatapak sa kanilang lugar, ganun din sa mga kalalakihan noon, wala silang pake sayo basta hindi ka mag-loloko sa kanilang kaharian o lupain etc. Ang may mas concern sa individual na kaligtasan ay mga babae, kung kaya sila ang mas nagiging marahas kapag nasasaktan o nagagalaw ang anak, mapapansin rin yan sa tao at hayop na babae. (Mapa babae o lalake kapag anak na pinag-uusapan ay talagang nagiging violaente ang kaibiahan lang ng lalake ay mas natural sa kanya na maging responsable sa kanyang teritoryo.)

Ngayon sasabihin mo eh ganito — So dapat po ba kuya para maging tunay na lalake ay magkaroon kami ng kaniya-kaniyang teritoryo? So akin po ang Tondo at sa kaibigan ko naman ang Makati? Ganun po ba dapat?

Hindi ko ibig sabihin na dapat na maging siga ka sa isang lugar para matawag ka na tunay na lalaki, ang teritoryo na sinasabi ko ay maaring physicaly na lugar pero most of the time ito ay none-physical o nada-divert sa ibang larangan.

 

Dapat matagpuan ng isang lalaki ang kanyang “hilig” sa wikang ingles ay ang kanyang desire or passion sa buhay, isang gawain, layunin, prensipyo o mithiin na kung saan tuwing kanya itong naiisip ay isang walang kapantay na ligaya ang kanyang nadarama. Magsabi ka ng mga tao masasabi mo na tunay na lalake para sa iyo at suriin mo ang kanilang pamumuhay, maaring ang iba sa kanila ay nahihilig sa pag-aartista, pag-guhit, pag-awit, pagkarera ng kotse, pagtatarget shooting, boxing, pag-sulat, pag-sulong sa isang prensipyong pinaglalaban atbp. Ang mga gawaing ito ay kanilang mga “teritoryo” para sa kanila mahalaga ang libangan, gawain o pangarap na kanilang pinanghahawakan at kung hahara-hara ka sa kanilang passion ay siguradong inkwentro ang inyong kahahantungan.

Maraming lalake ngayon yung hindi gaano nabibigyan ng pansin ang kanilang teritoryo at masaklap pa nito ay may ibang hindi pa alam kung ano ba ang kanilang teritoryo. Hindi mo rin masisisi dahil nakatambak ang mga gampanin bilang isang new millinium na mamamayan ngayon. Lalo na at madalas na ituro sa mga bata na parang masamang mag-libang at dapat unahin ang pag-aaral. Walang masama sa pag-aaral pero dapat rin natin malaman kung ano ba ang layunin ng pag-aaral? At paano nga ba talaga mag-aral? Hindi nyo ba alam na ang paglilibang ay isang paraan para makilala mo ang sarili? Sa pag-lilibang dito nalalaman ng bata kung ano ba ang kanyang gusto, sa paglilibang dito naglalaro rin ang imahenasyon at ang imahenasyon na iyon ang nag-gagabay sa kanya para mapag-desisyunan kung ano ang kanyang totoong kagustuhan.

Lahat tayo ay naturuan na basta na lang “sumunod” sa mga utos na kung saan minsan o madalas hindi natin alam kung bakit dapat sumunod, basta alam lang natin dapat sundin kung hindi eh isa kang masama o mapapariwara ang iyong buhay. Akala natin kapag sinunod ang sarili ay masama iyon, totoo na mahusay ang ipinapayo ng matatanda pero dapat ituro rin ng mga matatanda na maging “responsible” ang bata sa kanyang sariling pag-dedesisyon. Ito ang kulang sa mga kalalakihan ngayon, at ito rin ang tinataglay ng isang tunay na lalake ang maging RESPONSIBLE at sanay mag-DESISYON na nang-gagaling sa kanyang sarili.

Ano ba malaking koneksyon o kinalaman ng pagiging RESPONSIBLE at DECISION MAKER ng isang lalaki?

 

Ang mga lalake ay Likas na mga Leader, nasa dugo natin iyan at ang isang matagumpay at pagiging kuntentong buhay ng isang lalaki ay dumidepende kung papaano niya pamunuaan ang kanyang sarili. Kung sa tingin mo ay parang hindi pumapabor ang buhay sa iyo, kung sa tingin mo ay dapat sisihin ang mga taong nasa paligid mo at kung sa tingin mo kaya ka di umaasenso ay dahil mahirap ang mundo ay isa itong sensyales na hindi ka pa gaanun ka responsible at kabihasa sa pag-gawa ng sariling desisyon sa buhay.

Dahil ang mga tunay na lalaki kapag tinanung mo kung ano ang kanyang kalagayan sa buhay ay sasagutin ka niya na “mabuti” ang kanyang sitwasyon, hindi dahil sa nagkukunwari, hindi dahil sa ayaw niyang kaawaan siya kundi dahil ang Tunay na lalaki ay hinding-hindi nya hahayaang manatili sa hindi mabuting kalagayan ang sarili.

Hayaan mong i-elaborate ko ito. Sabihin natin na talagang wala siyang pera at talagang walang-wala, tatangapin niya ang katotohanan na wala siyang pera, at tatangapin niya na may mga pagkukulang siya kung bakit siya napapunta sa sitwasyong iyon at mag-dedesisyon siya na tigilan na ang pag-hihirap o kakapusan na iyon. Hinding-hindi mo maririnig sa tunay na lalaki yung salitang “BAHALA NA!” dahil lagi siyang may plano, may desisyon, may pag-asa at kung di man iyon mangyari ay walang publema at least malaman niya kung paano niya babaguhin ang plano at kung anung mas epektibong pag-dedesisyon ang gagawin. Sa buhay ng isang tunay na lalaki kung nasaan siya ngayon yun ay hindi dahil sa napad-pad na lamang siya roon, oo naniniwala ako na minsan talaga ang tadhana ay inaanod tayo sa kung saan-saang sitwasyon ng buhay pero kung ikaw ay nananatili sa sitwasyon na pinag-anudan sa iyo, ito ay hindi dahil sa ayaw ng tadhana o ng Dios na makaalis ka sa lugar na iyon, kundi dahil sa wala kang ginagawa para maka-usad o makaagpas sa sitwasyon na iyon, o di naman kaya ay gusto mo na sa sitwasyong kinalalagyan mo. Madalas o minsan may mga harang sa ating dinadaanan pero kung iisipin mo yun ay mga training para ng sa ganun pag narating mo na yung ginugusto mong marating ay maging swak na swak ka na i-enjoy ang sitwasyong iyon. Like for example gusto mo maging supervisor, hindi mo ma-eenjoy ang pagiging supervisor kung basta ka na lang naging visor at wala kang kaalam-alam sa ginagawa ng mga tauhan mo na niloloko ka na pala nila, mas masarap yung visor ka na alam mong pangunahan ang mga tao mo, sabi nga sa bibliya God is Good All the time lahat ng nangyayari sa iyo ay maganda, ikaw nalang ang bahala kung papaano mo ito gagamitin.

Maraming mga lalake ngayon na ang pakiramdam ay “pariwara” ang buhay, itoy hindi dahil sila ay isang “biktima” actually lahat naman tayo kung tutuusin ay naging “biktima” lahat naman tayo ay nakakaranas ng mga mapapait na nakaraan. No disrespect sa mga lalaking talagang may seryosong hinaharap na isyu sa buhay, ang gusto ko lang ipabatid ay hindi lang ikaw o siya ang may malaking publema sa mundo, kung minsan nga hindi mo lang nalalaman may mga mas malalaki at grabe pa sa publema mo pero ang mga taong iyon ay imbis na mag-mukmok ay kumilos, dinesisyunan niyang akuing isang responsibilidad na ayusin ang kanyang isyu at ideresto ang kanyang buhay.

Pansin ko lang kung minsan mas makikitaan mo pa ng pagka-tunay na lalaki ang mga may kapansanan, kasi sila maaga nilang naintindihan na kung hindi sila magiging responsible sa kanilang sarili ay sino pa ang magiging responsible sa kanila, kung susunod lang sila sa mga sabi-sabi ng iba ay maaring maging madarama masyado ang kanilang buhay kung kayat pinag-desisyunan nilang gawin ang lahat para makasabay sa ikot ng mundo, maging masaya at kuntento. Ang buhay naman nasa leadership mo naman yan, nasa iyo kung gusto mong maging masaya at kuntento, may mga katotohanan na dapat tangapin at may mga responsableng dapat akuin para makamit mo yung resultang gusto. Ang punto ko lang ay ganito. Ang tunay na lalaki ay hindi bitter sa buhay.

Kaya kung minsan napapagsabihan kang “MAG-PAKALALAKE KA NGA” ang ibig sabihin lang nun ay magkaroon ka ng firm na decision at maging responsible ka. RESPONSIBILITY plus DECISION MAKING equals POWER kaya ganun ang impression sa mga lalaki dahil tayo ay mga likas na responsible at decision maker.

Hindi ko pinalalabas na dapat maging OUTLAW ka, yung tipong sasalingin mo yung mga batas para lang masabi mo na may sarili kang decision, tandaan na ang pag-sunod sa isang batas at kasunduan na iyong malinaw na naiintidihan ay isang decision na binibitawan at inaakong responsibilidad, isang last resort na pag-pipilian ang retaliation.

Ano kinalaman ng mga matutulin na kotse, malalakas na baril, pagtatato etc. sa pagkalalaki?

Ang pagkakaroon ng baril ay isang desisyon na may malawak na kadahilanan, madalas ito ay dahil para proteksyonan ang sarili o ang iba, tulad nga ng sinasabi ko ang mga lalaki ay likas na nais proteksyunan ang kanyang teritoryo. Ang matulin na kotse para sa akin ay isang artistic job na kung saan pinahihiwatig mo ang iyong damdamin o kaisipan sa pamamagitan ng kung papaano mo damitan o palakasin at patakbuhin ang iyong oto tulad din ng pagtatato itinatatak mo sa iyong katawan ang symbolo na sa palagay mo ay nagrerepresenta sa iyong pagkatao, ang mga ito ay may dahilan na makabuluhan, maaring may gusto kang patunayan o pinaglalaban pero kung gagawin ang mga ito para lang pekein ang pagiging pagka lalake or fakeing the image a.k.a “macho” parang hindi ideal na solusyon although sabi nga nila becoming begins to being. Ang pagiging makatotohanan ay nagmumula minsan sa pag-papangap.

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 171 other followers

%d bloggers like this: