THE ONLY PURPOSE OF LIFE IS TO LOVE

Oktubre 1, 2011

Many books are being written and many doctrines are being preached in order to tackle the answer about the question of WHAT’S LIFE PURPOSE? Let this article be the clear cut summary on answering the question just in case you want to skip the books, tapes and seminars that available in almost everywhere…

Like what the title of this article said the purpose of life is to LOVE… that’s all! Believe me, just pause for a while and think. Do you think the desire behind of wanting a purpose will end on the mere idea of serving others? The bottom line of serving others is because of LOVE. Whatever you give, received or feel LOVE the point of service is to express LOVE.

When I say love this is not the romantic love that we saw in TV but the love that I am talking about is more on ACTION rather than Feelings.

Its easy to identify the energy of love, as long that its on constructive energy that gives, life, healing, unity, connection, growth, freedom etc. that’s for sure is love.

The opposite is its up to you how to call what it is. All that will cause separation, hatred, pain, slavery etc is something you can call the EGO, Dark force etc.

The thing is that EGO and LOVE has many creative way to express, many roads that you can walk through to travel but some or most of us is being confused on love and ego. I know all of us want or need love and we all know love is the way but most of us are being mislead to walk the route of EGO and we tend that someday we will reach the destination of love, and unfortunately we don’t.

For the people who’s asking what the purpose of their life all I can say is what’s written on the holy scripture it said that

And God said, Let us make man in our image, after our likeness- Genesis 1:26

~ We came from God we are love cause God is Love

Dear friends, let us love one another, for love comes from God. Everyone who loves has been born of God and knows God. Whoever does not love does not know God, because God is love.-John 4:7-8

~Simply to say God’s work is to love, nothing more.

Whatever you do or whatever you intended to do remember that the north compass of life is LOVE…

Love you all

Rocky


HANDA KA NA BA?

Hulyo 9, 2011
Lahat tayo may paglalagyan

Alam mo kung ano ibig kung sabihin

 

Titigan mabuti ang litrato ng ataol na nakikita mo sa artikulong ito at pabulong mo na itanung sa iyong sarili na “Handa ka na ba?”

Handa ka na bang ihimlay ang iyong panglupang pangangatawan sa kahong gawa sa kahoy na ito?

Handa ka na bang iwanan ang mga materyal na bagay na tinuturing mong pag-aari?

Handa ka na bang iwan ang mga minamahal mo ngayon sa buhay?

Maraming tanung na pwedeng itanung sa iyong sarili pero malamang na malamang ang sagot mo sa mga tanung na ito ay isang malaking HINDI.

Pero natanung mo na ba ang iyong sarili kung BAKIT?

Noong nakaraang taon ay nagtanung-tanung ako sa mga kakilala ko, iba-iba ng lahi, propesyon at maging sa mga kababayan nating Pinoy dito sa Saudi at tanung ko sa kanila…

Are you ready to die today? O sa wikang tagalog ay Handa ka na bang mamatay ngayon?

At ang mabilis at malinaw nilang sagot ay HINDI at ang kasunod ko namang katanungan agad sa kanila ay isa ring mabilis na tanung na BAKIT?

Bakit ayaw mo pang pumanaw ngayon? O Why you don’t want to die today?

At sa pangalawang katanungan na ito ay nagkakaiba-iba na sila ng sagot ngunit napansin ko ay marami ang sumasagot ng ganito

BASTA AYAW KO PA

MARAMI PA AKONG GAGAWIN (Pero kapag tinanung mo kung anu-ano ang mga ito ay hindi naman  masagot ang tanung kung anu-ano ang gustong gawin)

HINDI KO ALAM PERO AYAW KO PA (ito ang para sa akin ay nakaka-alarmang sagot na dapat pag-isipan)

Napansin ko na kapag kamatayan na ang paksa ay madalas natin gustong ibahin ang usapan.

Alam ko na nakakatakot itong isipin at nakakadisturb sa utak pero alam rin natin na kahit sino ka pa, dito ang huling destinasyon mo.

Keh magpa-crimate ka o ano pang klaseng proseso ang gusto mong gawin sa iyong katawan ang punto ay lahat tayo mamamatay.

3 URI NG TAONG HAHARAP SA KAMATAYAN

Sa pagtatanung ko tungkol sa kung handa na ba sila mamatay ngayon ay napansin ko na nahahati lang sa tatlong uri ang mentalidad ng taong humaharap sa isyu ng kamatayan at ang mga ito ay ang HANDA NA, HANDA NA PERO GUSTO PANG HUMIRIT at yung HINDI PA HANDA DAHIL HINDI PA NABUBUHAY.

Isa-isahin natin.

HANDA NA

May mga taong handa na kung sakaling dumating na ang araw ng kanilang pag-panaw dahil para sa kanila walang dapat pag-sisihan sa kanilang pag-lisan, nagawa na nila ang kanilang mga itinakdang misyon sa buhay. Hindi dahil sa wala silang maiiwang mahal sa buhay o hindi dahil sa gusto na nilang lisanin ang buhay sa mundo o iwan ang mga minamahal at nagmamahal sa kanila kundi alam nila na sa buhay lahat ng may simulain ay may katapusan, ito ang proseso ng buhay sa mundo na dapat nating tangapin dahil kung hindi, hindi mo matatamasa ang kabuuang sarap ng buhay.

HANDA NA PERO GUSTO PANG HUMIRIT

Pangalawa, Ito ang mga taong may malinaw na layunin sa buhay at hiling nila na kung pwede pang i-extend ang kanilang buhay hangang sa matapos ang kanilang takbuhin ngunit kung hindi naman ay ayus lang din.

HINDI PA HANDA DAHIL HINDI PA NABUBUHAY

Pangatlo, (ito siguro ang medyo mahabang paliwanagan) ang huling uri ng mentalidad na marami naman ang may ganitong kaisipan ay yung mga tipong ayaw pang pumanaw dahil hindi pa nila talaga nasisimulang mabuhay. Ano ba ang ibig kung sabihin sa “mabuhay”? hindi purke humihinga ka ay totoong buhay ka nga per se siguro practically speaking oo, pero sa totoo lang maraming tao sa mundo ang naglalakad araw-araw ngunit sa loob-loob nila, silay mga patay.

Ang ibig kung sabihin ay maraming tao ang pinagkalooban ngang mabuhay ngunit hindi naman ibinubuhay ang buhay. Ang mga taong ito ay ayaw pa talagang mamatay dahil hindi pa nila napag-dedesisyunan kung anong buhay ang gusto nilang maging, ang mga taong ito ay ayaw pang pumanaw dahil ayaw nilang masayang ang pagkakataong itong mabuhay sa mundo para gawin ang gusto nila at higit sa lahat ayaw nilang lisanin ang mundong ito na may pag-sisisi.

Ang usapang kamatayan ay isang WAKE-UP CALL TOPIC NA USAPAN hindi ko layunin na takutin ang mga mambabsa manapa ang aking intensyon ay gisingin kayo kung sakaling ang uri ng inyong mentalidad ay yung nasa pangatlo. Dahil sabi nga nila maikli lang ang buhay, unpredictable pa at di lang iyan minsan medyo britle pa. So wag isapang walang bahala ang buhay na iyong natangap kahit na anung uri pa iyan. Sabi nga ng isang tanyag na Psychologist na si Viktor Frankl

Don’t ask Life what it will offer to you instead ask your Self what you can offer to Life

Paraphrasing Viktor Frankl from his book Man Search for Meaning

 

LIVE YOUR LIFE

 

 

PS

The picture is taken from www.environmentalcaskets.com  The purpose of this article is to make a wake-up call to my fellow Filipino and not intending to sale or promote any. If posting this picture means any offense please let me know by using the comment feature or emailing me and I will remove it immediately as soon as I receive/read the message/comment. Thanks :D

 


NILALANGAW BA ANG BLOG MO?

Hunyo 30, 2011

Mahirap matangap na kung minsan talagang dumadating sa punto ng buhay mo bilang isang blogista ay lalangawin ang iyong blogsite.

Yung tipo bang pag bisita mo sa iyong hapag-page eh makikita mo na parang wagapak sa lupa ang views number ng isang entry na nilathala mo, yung entry or article na pinagbuhusan mo ng panahon, talento at san-damak-mak na effort.

Minsan magtatanung ka sa sarili mo “May tao ba dito sa WordPress?” o di kaya naman sasabihin mo..  “Ako lang ba Filipino dito?” para kasing walang makaintindi ng tagalog eh.

Hindi malayo na ito ang isa sa maging dahilan para makapag-pababa ng iyong moral upang ipag-patuloy pa ang nakahiligang libangan at ito ay ang pag-sulat o pag-bloblog.

Pero para sa akin ang masasabi ko ay huwag itong hayaang maging dahilan upang tumigil sa pag-sulat o pag-blo-blog lalo na at kung ang iyong isinusulat ay pinaniniwalaan mong may mahalagang mensaheng ipinapahayag at ang layunin ng mensahe na ito ay mabuti.

Tulad nalang ng blogsite na ito (RockyRivera.wordpress.com) noong nagsimula ako ay talaga namang walang nabisita. Maka isa hangang limang views nga lang ang makita ko eh sobra-sobra na ako sa tuwa. Ako naman ay natutuwa hindi lang dahil sa napapansin ang blog ko kundi ang pangunahing ikinaliligaya ko ay umaasa ako na yung isa o limang mga naligaw na viewers ay nabahagian ko ng aking mga ideya na kung saan maari nilang maisama ang ideya na ito upang gawing reperensya sa pagpili ng positibong desisyon.

Yun ang layunin ko kung bakit ako gumawa ng account sa wordpress at yun ay upang magbahagi ng mga pinaniniwalaan kung positibong artikulo na makakapagbigay pakinabang sa mga mambabasa. Syempre kung minsan kasama narin doon yung interes na makilala kahit papaano dito sa mundo pero to tell you the truth sumikat man ako o hindi ay ayus lang basta in some way nakatulong ang aking mga naisulat sa mga nangangailangan o mga mambabasa.

Ngayon ay malapit ng magtatlong taon ang RockyRivera.wordpress.com at sa mga panahong ito ay uma-aabot ako kung minsan sa 200 viewers at madalas kung napapansin ay hindi na ako bumababa sa 100 na mambabasa at take note kung dati ang mga viewers ko eh mga naliligaw lang pero ngayon karamihan sa kanila ay talagang sinasadya na ang blogsite na ito, ibig sabihin eh tinatype na ang pangalan ng blog na ito. Ang sarap ng feeling ng ganoon at isa pa pala na dapat ninyong i-take note na madalas ko ring sinasabi na ang site na ito ay walang kung anu-anong gimmick or tricks para magpapansin sa cyberworld o palakihin ang traffic. I can be proud of it to say that all of my views are authentic and genuine.

Minsan ay bumabalik rin ang dati na parang mahina ang mga bumibisita sa blogstie na ito pero sabi ko nga keh isa lang iyan ay ayus parin sa akin dahil malay mo yung isang iyon ay talagang nangangailangan ng isang reperensya para makabuo ng isang positibong desisyon sa buhay at umaasa nawa ako na itong blogsite nga na ito ay maging tulong sa kanya.

Naisulat ko ang blog na ito dahil gusto ko na ibigay mensahe sa mga kapwa ko blogero lalo na yung mga nakakaranas na nilalangaw ang blog nila kahit sa kabila na alam nilang ang nilalaman ng kanilang blog ay kapaki-pakinabang ay huwag nating gawing itong dahilan upang tumigil, manapa eh gawin itong isang hamon o inspirasyon na magpatuloy pa. Maaring hindi pa nalalaman ng mga taong may tulad ng blog mo na existing na o di kaya naman baka wala pang nakakaisip nung naisip mo kaya hindi pa ito nabibisita ng mga tao.

Ang masasabi ko na isa sa mainam na bisyo sa buhay ay ang pagsusulat at kasunod nito ay maibahagi ang iyong naisulat sa madla. At napaka swerte natin ngayon dahil sa tulong ng internet at tulad ng mga blog distributors (tama ba?) tulad ng wordpress.com ay nabibigyan tayo ng opurtunidad na mailathala ang ating mga naisulat ng libre.

Kaya’t kapag nilalangaw ang aking blogsite hindi ko hinahayaang mabahala o malungkot dahil ang pangunahin ko namang layunin ay hindi para magpasikat kundi para makatulong sa pagpili ng positibong desisyon sa pamamagitan ng aking mga artikulo at nawa’y ganoon rin kayo.

 

Nagmamahal…

Rocky Rivera


MGA KATANUNGAN SA PAGHAHANAP NG MAPAPANGASAWA

Nobyembre 28, 2009

Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang katanungan na ito, hanagang ngayong may asawa at anak na ako ay naririnig ko parin na may mga taong nagtatanung kung PAPAANO MAGKAROON NG MABUTING ASAWA? Bagaman iba-iba sila ng ginagamit na salita o paraan ng pagsasabi ay sigurado ako sa aking pakiramdam na ito ang tanung na gusto nilang tumbukin. Tanung pa nila ay

saan ba siya makikita?(ang mabuting mapapangasawa)

Ano ang mga sinyales na siya na nga ang dapat mong pakasalan?

Hinihintay ba ito o dapat hanapin?(ang mabuting asawa)

Ano ba ang mga katangian ng MABUTING ASAWA?

Para sa akin ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting asawa ay Responsable.

Ngayon sabihin na natin na may malinaw ka ng ideya kung ano ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae marahil ang kasunod mong tanung ay SAAN sila mahahanap?

Sa diskuhan, mall, opisina, school library or concert? Lahat ng iyan ay posibleng maging kasagutan pero hindi ibig sabihin nito dapat ay tumambay ka sa naturang lugar na parang isang mangangasong sisilo ng mapapangasawa. Naniniwala ako dun sa tinatawag na “power of the mind” na kung saan sabi nga nila na “You attract what you think” kahit na hindi ka maglalalagi sa mga pampublikong lugar ngunit ang isipan mo naman ay laging nagsasabing “makikita mo ang iyong dream girl” sa araw na iyon ay hindi malayong kahit sa terminal ng Jeep ay mag-krus ang inyong landas.

Tungkul naman sa katanungan na HINIHINTAY ba ito o HINAHANAP? Para sa akin depende iyan sa isang tao. Hindi naman tayo obligadong makapag-asawa kaagad sa partikular na edad ang importante para sa akin ay pinasok mo ang buhay may asawa dahil GUSTO na ninyo (iyong kasintahan) na mag-sama ng legal sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. May mga taong sawa na sa buhay single at may mga tao naman na gusto paring ieenjoy ito.

Hindi ko ipagtatatwa na talagang ako man ay nagdaan sa “trials and errors” bago ko makita ang tunay kung mahal, may mga break-ups at reconsiliation na nangyari at alam ko na maraming mga tao lalo na mga kabataan ang ayaw dumaan sa ganitong processo pero sa ayaw nyo man o hindi ay pagdadaanan ninyo ito. Kung ako ang tatanungin ay mas maaga nyo pag-daanan ay mas mainam pero hindi ko ibig sabihin na sadyain ninyong pasukin ang ganitong problema, kumbaga ang ibig kung sabihin ay “let it flow” lang kung pagdadaanan mo ito edi okay! Kung hindi naman ay okay din.

Para WIN WIN tayo.

Happy Hunting

Rak


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 141 other followers