Sa panahon ngayon tinuturing na nating mga Pilipino na ang Telebisyon ay isang uri ng pangangailangan, na kung saan noon tayo ay nililimitahan ng mga matatandang manood ditto minsan pa nga may curfew at kapag hindi ka gumawa ng takdang aralin ay bawal sa iyo ang manood ng Telebisyon. SAbi ng mga matatanda masama daw ang sobrang panonood ng TV pero kapag tinatanung ko kung bakit ang sagot lamang nila ay nakakalabo daw ng mata dahil sa radio active (itama ninyo ako kung mali).
Ngayon bale wala nalang ang panonood ng Telebisyon kahit sino nakakapanood kahit hangang kelan nila gusto, kung ang isusulat mo sa friendster mong pampalipas ng oras ay manood ng tv malamang pag-isipan ka nila na BORING! di tulad noon kapag panonood ng Telebisyon ang pagpapalipas oras mo eh tingin nila sa iyo ay mayaman dahil bihira palang naman ang may TV noon hindi tulad ngayon kahit yung mga nasa BUNDOK ay nakakapanood na ng HBO.
Ang nais kung ibahagi sa artikulong ito ay ang aking magandang karanasan noong tinigilan ko na ang masyadong panonood ng telebisyon. Noong una weird ang ideya na ito sa akin pero mula noong naging interesado ako sa paksa na “HOW TO RUN YOUR MIND” ay tila ba naging responsible ako sa mga taong nakakasama, naririnig, nakikita o binabasa ang mga ito ay may malaking epekto kung paano tumatakbo ang isipan ng tao at isa pa sa nagpa-kumbinse sa akin ay yung topic ni Steve Pavlina tungkol sa “GIVING-UP TV” sa address na http://www.stevepavlina.com/blog/2006/06/giving-up-tv/ at yung 8 Changes after giving up TV http://www.stevepavlina.com/blog/2006/08/8-changes-i-experienced-after-giving-up-tv/ ang mga ito ang nagkumbinse sa akin na subukan ang experimenting tigilan ang telebisyon sa loob ng tatlungpung araw.
Makikita ninyo sa artikulo ni Steve ang kanyang mga naranasang pagbabago at sa akin masasabi ko na yung SAVING TIME ang top one na pagbabago sa akin dahil kung susumahin mo ang panonood ng TV ang isa sa pinakamalakas kumain ng ating oras na imbis ang mga oras na ito ay igugol sa gym, jogging, practice o ano mang mga bagay na productive gawin ay sa panonood ng Telebisyon napupunta.
ANG MGA NARANASAN
PAGKAINIP
Tulad ng una kung sinabi ang isa sa naranasan ko ay yung pagkakaroon ng malaking oras para sa sarili, nung unang linggo ng expiremento medyo nakakabato! Pero inisip ko paano ko kaya malalagpasan ang tatlungpung araw na walang telebisyon? Naisip ko na ang nagtutulak sa akin upang manood ng TV ay ang aking pagkainip. Kung hindi naiinip ang isang tao walang puwang sa kanya ang panahon na manood ng Telebisyon. Dito ko napag-alaman na ang Pagkainip ay sinyales na nagiging iresponsable ka sa iyong buhay. Paano ko nasabing nagiging iresponsable? Dahil kung responsible ka sa pagplaplano, pagiisip, pagsusuri kung anu-ano ang maari mong gawing kapaki-pakinabang at kaaya-aya ay hindi magkakaroon ng blankong lugar ang iyong utak.
PARANG PAGKAIN
Napansin ko sa tatlung pung araw na walang telibisyon ay kung ano ang madalas mong Makita, marinig at isipin ay ito rin ang nagiging basehan o tularan ng iyong paguugali pati narin kung papaano mo bigyan ng reaksyon ang mga bagay-bagay sa iyong paligid. Napagkumpara ko noon kapag iniisip ko ang pinas ang mga paunahin kung naalala ay KRIMEN, RAPE, KURAPSYON O SUNOG!!! Bakit? Kasi ito ang madalas na makikita sa Telebisyon, dyaryo pati narin sa radio kaya hindi malayong puro krisis at masasamang inpormasyon ang naitatatak mo kapag iniisip ang Pinas. Nitong matapos ang tatlungpung araw na hindi panonood ng telebisyon at manapa ang naging aliwan ko ay pagbabasa ng mga self-help at inspirational books bago matulog at pageehersisyo kada umaga at pagkatapos ng trabaho ay kapag naiisip ko ang Pinas ang pangunahin kung naalala ay ang aking pamilya, magulang mga kapatid at syempre LITSONG BABOY!!! (Wala kasing baboy dito sa Saudi) iba ang tingin ko sa Pinas parang isang langit ang turin ko ditto at hindi ako makapag-intay para makapagbakasyon na muli. Ang pagtingin, pakikinig, pagsalat ay mga paraan kung papaano pakainin ang ating utak ito ang aking obserbasyon. Kung ang katawan ay kumakain, umiinom at nageehersisyo para manatiling buhay, malusog at masigla ganun din kung paano mabuhay ng malusog at masigla ang isipan kailangan punan ng mga impormasyon at minsan ay sanayin sa pamamagitan ng pagsulat o pagbuo ng mga puzzle. Sabi nga maging maingat tayo sa mga magiging kaibigan baka ito ang maghatid sa atin sa kapahamakan, sa panahon ngayon medyo iba na, maging maingat ka sa mga bagay na nababasa mo o napapanood baka ito ang nagbibigay ng masamang impluwensya sa iyo.
ANG HULI (HINDI MAIPALIWANAG)
Ang panghuli kung masasabi ay subukan ninyong gawin ito, ang tatlungpung araw na walang TV o kahit mag after six kayo yung wala ng Telebisyon pagkatapos ng alasais ng hapon lalo na balita kung maiiwasan ninyo ng tatlungpung araw ay mararamdaman ninyo ang mga positiong pagbabago. Marami akong mga magandang nararanasan dulot ng pagdye-dyeta ng panonood sa TV ang nabangit ko lang ditto ay ilan lamang na kapag sinabi ko ay makakarelate ang karamihan. Matapos ang tatlungpung araw hindi na ako naging mahilig sa TV lalo na sa Balita at malalaman ninyo iyan kung bakit kapag sinubukan ninyo na bawasan o tigilan ang panonood ng Telebisyon sa loob ng Tatlungpung araw. Ngayon bihira nalang akong manoond ng Telebisyon sa totoo lang binenta ko yung aking Sony Trinitron sa aking kasama sa trabaho noon at nakakapanood nalang ako ng TV kapag nadadalaw sa isang kaibigan na bukas ang telebisyon.
Subukan ninyo.
Ipinaskil ni rockwitralph
Ipinaskil ni rockwitralph
Ipinaskil ni rockwitralph 