IBA PARIN ANG PURONG PINOY

Hunyo 10, 2009

bandila_sa_poste

(Ang Larawan ay kuha ni Ginoong Rico A. Rivera)

Pasing tabi lamang sa mga ka-lahi nating half PINOY pero nais ko lamang talakayin ang isyung hindi gaano nabibigyang pansin sa panahon ngayon at itoy patungkol sa pagtrato sa ating mga kababayang may halong dugong banyaga at sa mga kabayan nating PURONG FILIPINO.

Natatandaan ko noong kasikatan pa ng PBA madalas na humakot ng mga taga-hanga ang mga Filipino-American players dahil sa kanilang maala amerikanong kutis, tangkad at yung diretso nilang ingles at barok na pagsasalita ng Pilipino. Pansin ko medyo naiinsecure noon ang ating mga local basketball players dahil para bang nakaka-lalaki ang mga ito, pero wala tayong magagawa dahil gusto ng mga taga-hanga ang may halong kastila. Di naglaon kumupas na ang interes ng nakakaraming Filipino sa pagsubay-bay sa PBA at isa rito ang dahilan  ay ang puro FIL-AM na ang mga naglalaro sa liga. Di bat Philippine Basketball Association ito? Bakit ngayon puro na banyaga ang naglalaro? Bagaman may dugo silang Pinoy pero hindi natin maikukubli na ang Kultura nilang kinalakihan o kinamulatan ay pang-dayuhan na.

Tanda ko noon maraming Pilipino ang parang nandidiri na magsalita ng tagalog sa telebisyon o kapag nagbibigay ng talumpati, kahit alam nilang sa wikang ingles ay limitado ang mga salita nilang magagamit upang ihayag ang kanilang damdamin ay sige parin sila para lamang sumabay sa uso. Nakakalungkot pa ngang malaman noon na may mga half-Pinoy na ikinahihiya na ipaalam na sila ay mayroong halong Pilipino dahil noon aminin man natin o hindi tayo ay binabale-wala lamang sa industriya.

Ngunit unti-unti, dahan-dahan at maingat nating naitayo ang ating integridad sa kasay-sayan ng daig-dig at nito ngang mga nakaraang mga taon ay may mga Pilipino ng nababangit at hinahangaan sa ibat-ibang larangan kabilang na dito sila Efren “Bata” Reyes, Manny Pacquiao, Charice at ARnel Pineda ilan lamang ang mga PURONG PINOY na ito ang nagpatibay at patuloy na umaalalay sa PADER ng ating lahi.

NGayon napapansin ko yung mga HALF-BREED PINOY ay nagpupuntahan na ng Pilipinas dahil nga naman dito sa atin ay pansinin sila samantalang sa ibang bansa kasi ay hindi tutok ang atensyon na ibinibigay katulad sa Pilipinas.

Napapa-iling nalang ako kapag may mga kapwa tayong Pilipino na ganun nalang purihin ang mga HALF-FILIPINO kesyo maganda ang itsura at magaling mag-ingles kahit na binabastos ang kanilang pagkatao. Hindi rin maitatangi na may mga HALF-FILIPINO tayong kababayan na mataas masyado ang tingin nila sa kanilang sarili purket silay pinanganak o laking IBANG BANSA, parang akala nila espesyal silang lahing PILIPINO.

Para sa mga HALF-FILIPINO na mababa ang tingin sa mga TUNAY NA PINOY at nag-aakalang espesyal silang LAHING Pilipino eh sana maisip ninyo na kung tutuusin ay kayo ang LAHING ALANGANIN!

NAGPUNTA KAYO NG PINAS DAHIL ALAM NINYO SA IBANG BANSA HINDI DIN KAYO TANGAP AT HIRAP SUMIKAT! ISIPIN NINYO KUNG ISUSUKA PA KAYO NG BANSANG INYONG TUNAY NA SINILANGAN AY SAAN NA KAYA KAYO PUPULUTIN?

Kung mayroon tayong Pilipinong susuportahan ay sana UNAHIN natin yung mga PURONG PINOY!!! Yun bang tipong alam ang pakiramdam ng nag-jeJEEP, kumakain ng TOK-NENENG, uminom ng SAGO o di kaya ay marunong man lang maglaro ng pambansang palaro tulad ng TUMBANG PRESO, PATIN-TERO O LANGIT AT LUPA-IMPYERNO. Hindi yung mga ang alam kainin eh brownies at kape sa STAR BUCKS, sasakyang TAXI lang ang gusto o ang favorite past-time ay PLAYSTATION.

Ulit, wag sana akong mamisinterpret sa artikulong ito. Hindi ko gustong magkaroon ng diskriminasyon sa ating mga kapwa Pilipino, ang akin lang kung mayroon man tayong pra-prayoritahin eh sana unahin natin yung PURO! Yung Pinoy na nakasama nating harapin ang pagtaas ng bilihin, bagyo at kung minsan ay nakaranas din tulad nating makipagsik-sikan sa LRT o naki-abot ng pambayad sa Jeepney.

Mga PURONG PINOY!

Tulad ni Pacquiao na isang BISAYA na dating cigarette vendor at kumakain ng pandesal kasabay ang mainit na noodles YAN ang PURONG PINOY na ibig kung sabihin, nakaabot sa tuktok ng TAGUMPAY at tuwing nakikita mo siya sinasabi ng iyong konsensya na…

 

 KAYA MO PINOY!!!


Do we really need to be perfect in ENGLISH?

Hunyo 8, 2009

To all journalist, writers and bloggers on all over the world may I ask this question…

DO WE REALLY NEED TO BE PERFECT IN ENGLISH LANGUAGE?

Of course you may say that it’s a must! But my grievances here is that some people are being so conceited on the way the writers wrote story, article or poem and they say

HEY! What kind of grammar is that?

HEY! Where in the world do you get that word?

HEY! Check out your work dude!

Some people might be really concern to correct you about your work and yes I really appreciate that, while some people love to criticize how the writers do his grammar, spelling etc.

I believe writing is an ART and when we say ART it’s not perfect and that’s the beauty of it, to be realistic, it’s being human!

In writing what we must look at it first is not how the writer wrote his piece but what is the message he wants to share to us and not just how he play the words. It’s ridiculous to know sometimes that an article written in not too good grammar but the message is very clear and then some MR. PERFECT ENGLISH MAN or MS. PERFECT ENGLISH WOMAN will say YOUR ENGLISH IS BAD. If this people are looking for perfect set of grammars and spelling they must not read articles in the internet especially in the blogsites I recommend they go to library and get a good set of geographical dictionaries and I bet few people will not do that because most of us find dictionary is BORING.

Why most writers like me choose the language of English instead of sticking on our own language?

Here is my reason why…

“English is the window for the whole world”

Everybody knows that English language is the most common dialect that most people can understand and translate on their language

As an artist, my master piece will be nothing if I will not share it to others…

And English will be great choice to be my way to connect on different kind of people in different walks of life. THE MORE THE BETTER!

Again I hope some people will not be confuse between a blogger, writer of poems to a person who do a documentary or report. People who make documentary or reports should be keen on the details including names, spelling or the grammar if you may, while people like me who do the blogging, writing or making articles and poems we are keener to capture the feelings, emotions of moments and most importantly THE MESSAGE.

Again I hope I will not be misinterpreted in this article, I don’t convince people to stay where they are I mean if you are like me who has having hard times in English grammars I say work on it, review your writings just what I am doing right now but my concern is to people who read articles I hope that we listen to the message of ones works without any excuses and open our heart to welcome whatever message he or she wants us to know.

Rationalizing will block your communication from your conscience

RATIONAL-LIES

Good day to all

rak


Ang Maling interpretasyon sa mga taong MAKAPAL ANG MUKHA

Hunyo 7, 2009

Masakit pakingan lalo na sa mga taong may isyu sa kanilang itsura, nakakapang-init ng ulo, nakakabuwisit o di kaya naman ay masakit sa tainga na pakingan kapag sinabihan kang

ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!!!

Naniniwala ako na mayroon kayong mga ideyal na mga tao kapag narairinig ninyo ang salitang MAKAPAL ANG MUKHA maaring sila ay mga PANGET! Na manliligaw, mga PANGET! Na karibal, mga taong nasa mataas na posisyon ngunit bitin sa kaalaman at karanasan o di naman kaya ay mga taong nangangarap ng sobra-sobra na kung saan mukhang imposible nilang makamit dahil sa kanilang kasalukurang sitwasyon, basta marami kang masasabing halimbawa para masabi mo ang taong ito ay makapal ang mukha.

Pero napansin ko sa mga taong maraming naipundar at mataas ang narating sa buhay ay minsan din silang nasabihang MAKAPAL ANG MUKHA hindi na ako magsasabi ng mga pangalan upang gawing halimbawa ngunit hinihikaayat ko kayo na tumigil sandali sa pagbabasa ng artikulong ito at mag-isip ng mga taong masasabi mo sa iyong panukat na mga matagumpay o mayaman sa buhay at subukan mong alalahanin (kung may nalalaman ka) ang kanilang sitwasyon noong silay nagsisimula pa lamang sa kanilang career o negosyo malamang masasabi mo na ganito.

Sinong makakapag sabi na si —(Pedro, Daniel, Juan)— ay magiging —-(Doctor, Negosyante o Senador)— na.

Sa panahon natin ngayon ang salitang makapal ang mukha ay namamali ng gamit kaya tuloy marami sa mga pinoy ang mahiyain dahil sa iniiwasan nila ang masabihan ng MAKAPAL ANG MUKHA na kung saan ang natatagong ibigsabhin ng salitang ito ay MALAKAS o MATAPANG ANG LOOB.


FILIPINO FILIPINO FILIPINO

Hunyo 7, 2009

    Bakit nga ba natin pinagsisigawan sa buong mundo na tayo ay FILIPINO? Bakit kailangan pa nating sabihin na yang si Charice ay isang FILIPINO, Yung boksingerong nagpatumba kay Hatton sa ikalawang round lang ay si Manny Pacquiao na isang FILIPINO, Yung bago nga palang bokalista ng The Journey band ay si Arnel Pineda na isa ring FILIPINO, Bakit itong si Francis M ay puro pagiging makabayan ang tema ng kanyang kanta? Tulad ng “Mga Kababayan ko”, “The Man from Manila” at “3 Stars and a Sun” saka nitong kamalaunan lamang ay pumatok ang kanyang damit na kung saan ang disenyo nito ay narerepresenta sa PILIPINAS.

Tapos na ang rebolusyon laban sa dayuhan, matagal ng namayapa sila Bonifacio at Rizal! Wala ng gera laban sa hapon at mga amerikano pero bakit hangang ngayon may mga tao paring ibinabandila ang watawat ng pilipinas na parang hindi naman nararapat dahil wala namang okasyon upang gawin ito.

Yun ang akala ko dati, Akala ko matapos ang World War II ay tapos na ang pakikipaglaban natin para sa KALAYAAN pero itoy akin lamang AKALA, ika nga nila maraming nadededo sa AKALA at nagpapasalamat ako dahill until now i am still kicking and alive!

Natatandaan ko mayroong isang istorya sa Biblya na kung saan ang Dios o si Kristo ay nagbigay ng tigitigisang pilak o biyaya (hindi ko na gaano ito matandaan) sa dalawang tao at sinabi niya (ang Diyos o si Kristo) na aalis siya at babalik rin at nais niyang ibalik ulit sa kanya ang ibinigay niyang pilak o biyaya. Si Tao#1 ang ginawa niya ay itinago ang pilak at hinintay ang pagbalik ng Dios o ni Kristo samantalang si Tao#2 ay ikinalakal ang pilak na ibinigay sa kanya at itoy pinalago. To cut the story short pagbalik ni Kristo o ng Dios alam nyo ba kung kanino siya natuwa? Kay tao#2.

Walang pagtatalo na si tao#2’y pinagyaman ang binigay sa kanyang biyaya o pilak. Maaring ito ang nais ng Dios na ating gawin, ang pagyamanin ang ating buhay sa abot ng ating makakaya. Irregardless kung anung kulay ng ating balat.

Dati AKALA ko (eto nanaman ako) ang mga makabayang tao ay mga EGOISTICS, dahil sabi ko sa sarili ko, “Eh ano naman kung Pilipino tayo? Ano naman kung Amerikano sila?” dahil naniniwala ako na kesyo itim, puti o kayumangi ang kulay ng iyong balat ay tayo’y iisa lamang at hangang ngayon ito parin ang paniniwala ko. Ang nagbago lang sa aking pananaw ay ang pagkaintindi ko sa mga taong makabayan. Masasabi ko na ang mga makabayang ito ay ang mga nagsisilbing PADER ng ating bansa.

Ang PADER sa bahay ay hindi ibig sabihing ayaw mo ng makipagkapwa tao sa iyong kapitbahay ang layunin nito ay upang magkaroon tayo ng pribadong oras para sa ating sarili at mahal sa buhay, kung wala kang pader sa iyong bahay sa palagay mo matatawag mo ba itong isang tahanan?

Hindi mapapagkaila na ang pinas ngayon kung tutuusin ay malayo na sa pilipinas na tinitirahan natin noon. Dati nga muntikan na ata nating tuluyang makalimutan ang itsura ng ating bandila tulad ng pagkakalimot ng ilan sa pag-awit ng LUPANG HINIRANG, baka may iba pang taong hindi alam kung saan nakalagay ang pulang kulay sa bandila, kung sa itaas ba o sa ibaba. (kung sakaling hindi mo alam sa ibaba nakalagay ang pulang kulay) Nagpapakita lang noon na karamihan sa ating mga Pilipino ay nawawalan na ng gana sa ating pagiging Pilipino ngunit buti na lamang may mga makabagong Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Agunaldo at Gabriella na muling isinilang sa ating bayan na kung saan ang kanilang layunin ay itayo ang gumuhong PADER na dating itinayo ng ating mga bayani noon, na kung saan nagbuwis at nagsakripisyo na pawis, dugo maging ang buhay ay ibinigay.

Tapos na ang Digmaan laban sa bawat LAHI ang Digmaan ngayon ay isang ESPIRITUAL NA DIGMAAN! Mas malalim, mas mahirap at kung itoy mapapagtagumpayan mas malawak na KALAYAAN! Ngunit ang kakaiba sa labang ito ay wala tayong kalabang ibang tao dahil sa digmaang ito ang ating pinakamalakas at mahirap na kalaban ay ang ating sarili.

Kung dati itak, sibat at baril ang hawak laban sa digmaan ngayon micropono, gloves at keyboard ang gamit ng mga bagong mandirigma upang patuloy na itaguyod at siguraduhin matibay ang PADER na papalibot sa ating inang-bayan.


FRANCIS MAGALONA AY TUPAC SHAKUR NG PINAS!

Hunyo 5, 2009

 Buwan at ilang araw narin ang lumipas mula noong pumanaw ang kinikilala ng nakakaraming pilipinong Maestro sa larangan ng RAP walang iba kundi si Francis Durango Magalona o mas kilala sa pangalang Francis M o Kiko.

 Marami ng parangal, papuri at kung minsan pa nga ang iba ay sumosobra na at parang lumalabas na gusto nalang maki-ride on sa kasikatan ng MASTER RAPPER, kaya nga pinalipas ko ng matagal-tagal na panahon bago ko isulat at ilathala sa blog ang artikulong ito upang huwag maging magmukhang nakikibakas lamang ang aking sasabihin kundi para maihayag kung mabuti ang aking taos pusong pagbibigay parangal, puri at higit sa lahat ay pasasalamat sa taong tinuturing kong MODERNONG PROPETA!

 Tulad ng sinasabi ko sa pamagat ng artikulong ito na si FRANCIS MAGALONA AY TUPAC SHAKUR NG PINAS

 Bago ang lahat Sino ba muna si Tupac Shakur?

 Si Tupac Shakur na mas kilalang 2PAC sa larangan ng musika sa amerika ay kadalasan nating maalala sa kanya ay isang mamang maraming tato ang katawan, maraming malalaking alahas, may bandana sa ulo at ang mga kanta niya ay parang nagkukuwento lang na nilagyan ng kaunting musika. BORING ang opinyon ko kay 2PAC noon at tinatanung ko sa sarili ko paano naman sumikat ang taong ito? Ano ang meroon sa kanya? Mas naaliw pa ako kay Eminnem at Jarule dahil ang mga kanta nila ay kung hindi ka mapapaindak ay tataas ang adrenaline mo. Pero kamalaunan noong naging interesado na ako sa mga History ng mga taong nag-aklas at nakapagdulot ng pagbabago sa sistema ng kanilang bansa ay aking aksidenteng nabasa ang biography ni 2PAC, ditto ko napag-alaman na ang BORING na rapper na itinuturing ko noon ay isa palang patriotic na tao. Bagaman nasasangkot ito sa sari-saring gulo at isyung sexual ang mga ito ay parang natabunan ng kanyang mga gawang makabuluhan. Muli kung binigyan ng panahon ang aking sarili upang pakingan ang mga kanta ni TUPAC ngunit sa pagkakataong ito ay pinakingan at sinuri kung mabuti ang mga lyrikong sinasambit niya sa kanyang kanta.

Changes

Dear Mama

Letter to my unborn child

Ang mga kantang ito ni TUPAC ay maaring hindi gaanoong kasikat ngunit ang nilalaman ng kanta ay may mensaheng dapat malaman ng mga kabataan na bukod sa kabisaduhin ang lyriko ito ay mas marapat ituring na bababala.

Si Kiko

Kilala na natin siya na isang rapper, artista, tv host, photo enthusiast, buisness man at marami pang iba. Nasangkot sa ilang mga controversial na issue ngunit tulad din ni TUPAC ay natabunan ang mga ito dahil sa kanyang mga magagandang proyekto at isa na nga dito yung 3 Stars & a Sun that have the purpose of Filipinizing the whole world.

Ano naman kung siya nga ang TUPAC SHAKUR ng PINAS?

Ang masasabi ko ay; Isa lang itong magandang halimbawa na ang mga tao ay kumikilos lamang kapag ang isang publema ay napaka-lala na, ginagamot lamang ang sakit kapag nakakamatay na at masakit nito pinaparangalan ang isang tao o nakikita ang kabutihang nagawa kung kelan pumanaw na siya, kung kailan hindi na niya maririnig ang mga magagandang papuri at mga gawang handog para suportahan ang kanyang adhikain.

Maski ako GUILTY rin, sabi ko sa sarili ko bakit ngayon ko lang isinulat ito at bakit ngayon lang ako naglakas loob upang bigyan ng papuri ang taong ito kung kelan hindi na niya mababasa.

Tulad ni 2PAC at Kiko mga taong may mga makabuluhang adhikain ngunit itoy mas nabigyang pansin kung kelan wala na sila.

Ang hiling ko lamang ay una sana ang layunin ni Kiko na ikarangal natin ang pagiging Pilipino ay huwag lang humangang dahil sa trend fashion at kapag dumating sa puntong nagsawa na ay basta na lamang ititigil ang adhikain, dahil sawa na ang mga tao sa 3stars&aSun. Sana maging isang tatak ang sinumulang ito ni Kiko at magpatuloy pa hangang sa mga kaapu-apuhan natin sa talampakan.

Sa huli Kik’s sana nasaan ka man ay makaabot ang blog kung ito at muli gusto kung sabihin na MARAMING SALAMAT BRO!


PARA SA MGA BIKTIMA NG SEX SCANDAL

Mayo 24, 2009

  Natatandaan ko mga year 2002 ang unang beses kung makapanood ng SEX SCANDAL. Mga Malaysian pa ata ang mga lahi ng mga iyon, ang kwento pa eh magkasintahan ang dalawa at nakuha nung kaibigan nila ang video saka naman ito pinaginteresan na i-upload sa internet at mula noon naniniwala ako sila ang naging promotor ng SEX SCANDAL. Sa totoo lang kapag first time kang nanunuod ng SVS(SEX VIDEO SCANDAL) ay maaliw ka dahil ang nakikita mong palabas ay hindi tulad nung porn movies na halatang umaarte lang ang mga nagtatalik, di tulad sa SVS eh talagang yun ang REAL DEAL ika nga. Pero nung tumagal-tagal kapag inaalok ako na manood ng  SEX SCANDAL eh hindi ko na pinapatos kasi para sa akin ang SEX SCANDAL ay BORING! Iba parin yung porn na ginawa para sa mga taong nag-sosolo flight (kahit na alam mong umaarte lang).

Kamalaunan napaisip na ako, lalo na nung medyo nauso na sa Pilipinas ang SEX SCANDAL tinanung ko sa sarili ko na paano kaya kung mangyari ito sa akin o di kaya sa isang kamag-anak ko sa buhay?  Paano namin haharapin o lulutasin ang ganitong pagsubok? Ganito ang mga namumuong tanung sa aking isipan.

Mayroon ako noong isinulat tungkol sa mga nabiktima ng RAPE (http://rockyrivera.wordpress.com/2009/02/27/ano-ang-mga-dapat-malaman-at-gawin-kapag-nabiktima-ng-rape/) nakasulat dito ang mga bagay na mahalaga ninyong malaman kung kayo ay nabiktima ng panghahalay. Tulad ng nasabi ko sa artikulo ang tinulungan kung tao ay malapit sa aking buhay at noong mga panahong hindi pa namin nadadakip ang RAPIST ay naikwento sa amin ng biktima na kinunan daw siya ng video habang hinahalay at syempre kahit sino pang tao kahit kaibigan ka lamang ay kukulo at tataas ang temperatura ng dugo mo kapag nalaman mo ang pangyayari na ito. Sinabi pa daw sa kanya ng suspek na iuupload ito sa internet at maraming tao ang makakakita, lalung nagpuyos ang aking damdamin at parang gusto kung lipulin ang buong pamilya ng kriminal na iyon. Ngunit walang magagawa ang galit kundi manapa itoy makakasira lamang sa mga plano upang resolbahin ang publema.

Pinagusapan namin kung papaano mapipigilan ang pag-kalat ng video sa internet, ngunit aming naisip, makuha man namin ang main copy sa suspek hindi pa kami kumbinsidong tapos na nga ang publema, maaring may back-up copy ito o ang mga kaibigan niya(ng suspek) at hindi malayong i-upload ito sa internet. Isa akong old school programmer (ibig sabihin ko dito dati akong programmer) at hindi naman iba sa akin ang mga bagay-bagay tungkol sa computer o internet at alam ko na hindi malayong mangyari iyon at sa panahong ito wala pang makakapuksa ng ganitong epidemya, kapag itoy kumalat sa internet siguradong mahirap na itong pigilan dahil una wala namang MTRCB sa internet pangalawa hindi naman centralize ang sistema na kapag binura mo ang scandal mo ay burado na lahat, may lilitaw at lilitaw parin o matitira.

Naisip ko tuloy na ang SEX SCANDAL ay maihahalintulad sa PIRACY, once na nag-leak ang isang bagong pelikula, yari na iyan sa BIT TORRENT. So externally wala kaming maisip kung papaano ito lulutasin kapag kumalat na sa madla.

Naisip ko noon na hindi na namin dapat sayangin ang aming panahon sa bagay na wala na kaming magagawa kundi mas maiging pag-ukulan namin ng panahon ang mga bagay na mayroon kaming kayang magawa.

Una sa mga ipinaliwanag namin sa biktima ay sana matangap niya ang masamng karanasang dinanas. Mahirap pakingan yung salitang “Tangapin” lalo na kung ikaw ang naargabyado pero kung tutuusin kahit nung nadakip na namin ang suspek ay hindi parin mapapawi ang kasamaan sa iyong puso kung patuloy na itinatangi ang mapait na karanasan. Kahit na anong uring pagkakamali o trahedya ang dumating sa buhay ng isang tao napansin ko na ang unang dapat nitong gawin ay TANGAPIN at INTINDIHIN ang pangyayari, harapin ang nahaharap na sitwasyon dahil natutunan ko noon na kapag hinarap mo ng buong katatagan ang isang publema o suliranin kahit gaano pa ito kahirap ay magkakaroon ka ng kapayapaan sa iyong puso at isipan at pangalawa dito ay maisip kung anung solusyon ang gagawin.

Sa totoo lang ang unag hakbang lang ang masasabi kung aplikable sa kanino mang mga taong nabiktima ng SVS dahil ang susunod na hakbang ay kayo na ang makakapagsabi. Kung tatanungin ninyo ang malapit kung kaibigan, kung ano ang ginawa niya ay maski kaming mga tumulong sa kanya ay humanga sa kanyang katapangan. Sa kabila ng mga banta ng kahihiyan at mga pambubuska ay hindi ito natakot (ang biktima), ang importante sa kaniya ay makamit ang KATARUNGAN! Sabi ko nga sa kaibigan kung ito noon ay hindi mo na ito pansariling laban kundi laban na ng mga kababaihan kontra sa mga mapang-abusong tao at siya (ang malapit kung kaibigan) ang kumakatawan sa parte ng mga kakabaihan inabuso at sinamantala.

 Hindi na kayang abutin ng ating impluwensya kung ano man ang isipin ng mga tao para sa mga nabiktima ng SVS, nakakabuwisit talaga kung minsan na may mga taong parang walang moral at pakialam sa kapwa, iniisip lamang ang sariling kapakinabangan.

 Gusto ko lang isingit yung sabi nila na may mga opurtunidad na lumalabas sa tuwing magkakaroon ng suliranin sa buhay, halimbawa sa kompanya ko ngayon maraming mga bulilyasong nangyari sa mga plano namin sa dati kung departamento at ang mga ito kung iisipin mo ay puro sakit sa ulo at wala akong makitang dahilan para itoy maging mga opurtunidad pero kamalaunan nung napromote na ako at nalipat sa mas magandang departamento, doon ko naisip na ang mga nakaraan kung mga kunsumisyon ay isang paraan upang masukat ko kung hangang saan ako tatagal kaya ngayon dito sa trabaho ko papetiks-petiks nalang. Tatanungin mo siguro “Ano naman ang koneksyon nito sa biktima ng SVS?” sa totoo lang nahihiya ako sa sagot kung ito pero sana ay ma-gets ninyo yung ibig kung sabihin.

Hindi lingid sa inyong kaalaman kung sino si Paris Hilton, isang palaisipan parin kung talaga bang sinadya niya ang SVS niya o talgang mayroon lang na nang-goodtime sa kanya. Pero kung titignan ninyo ang SVS ni Paris ay parang naging isang world wide advertisement para sa kanya, kung tutuusin mas kilala pa ang mukha at pangalan niya kaysa sa mga beteranong hollywood actress na nakikilala lamang natin sa mukha, pero si Paris Hilton bihira lang ang hindi nakakakilala dito, ikaw ba naman ang magkaroon ng sariling pelikula, signiture dress, pabango at make-up na nakapangalan sa iyo eh saan ka pa? Yan ay dahil din sa kanyang SVS o SEX SCNADAL VIDEO.

 Hindi ko hinihikayat na tunguhin ng mga biktima ng SVS ang ginawa ni Paris pero nasa sa inyo kung ano ang sa tingin ninyo na makakabuti para sa inyo ngunit ang punto ko dito ay ano man ang trahedyang hinaharap ninyo ngayon paniguradong may magandang kapalit ito kapag napagtagumpayan.

 KASIKATAN! KAHIHIYAN! Ang dalawang ito ang paniguradong namumutawi sa isip ng mga biktima ngunit nais kung ipaalala sa inyo na mayroon kayong dapat makita bukod sa kahihiyan at sa masasabi ninyong kasikatan ito ay walang iba kundi KAPANGYARIHAN! Paano ko nasabi ito? Sa panahon ngayon bilang mga biktima ay magiging epektibo kayong tagapag-payo upang babalaan ang ating mga kababayan upang wag ng danasin ng iba ang inyong dinanas. Isipin ninyo kung ilang tao ang maaaring maligtas ninyo na posibleng maging biktima at tuluyang masira ang buhay.

 Hindi ko sa winawalang bahal ang dinanas na trahedya ng mga SVS victims ngunit ano man ang mangyari, mahuli at mabigyan ng leksyon ang nagkasala, matapos maghilum ang sugat sa damdamin siguradong magiiwan ito ng malalim na marka at ang tanung ano ang gagawin mo sa markang ito? Ipagsasawalang bahala nalang ba o gagamitin ito upang magsilbing simbolo ng babala? Babala na kung saan makakatulong sa sangkatauhan.

 Sa mga biktima ng SVS nais kung ipaabot sa inyo ang aking malalim na sympatya…