Are you Driven by your Purpose or Urgency?

Hunyo 5, 2009

      I bet most of the people who are reading this article right now are those people who are URGENCY driven. Not a surprise because our society program us to be like that. In work, classroom or in some sort of organization they say that when you are not busy or not look like busy you might not taking your stuff seriously and therefore you are not doing anything. So most people around the world are so attached on their time and always in a hurry

 But do we stop for a while and ask our self

 What em I doing?

 Do I really want what I am doing right now?

 What do I really want in life? (of course nobody wants to be tied in some schedule or meetings where you will argue and discuss problems all day long that no concern on your family or passion in life)

 Am I in the right path of reaching what I want to achieve in my life?

 Everybody did this I believe (stop and ask their selves) but the thing is they don’t listen to their self because they are too into URGENCY they are now officially URGENCY ADDICT and later on a PUSHER too. People who are Driven by URGENCY are people who wants to do the things done as soon as possible, trying to cross-out all of the items that is written on his to do list and focus on what will happen today and not extending his view for the whole week or month and then in the end of the day he/she will be exhausted fall down to his bed and try to do the same thing tomorrow. This people like me before might feel a short success and satisfaction but one day they will wake-up and ask there self

 WHAT HAPPEN? WHERE EM I?

 You just know one day that you lean your ladder in a wrong wall and therefore you reach the top but still incomplete inside.

 While in the other side people who are Driven by purpose seems to be a happy go lucky or labeled as irresponsible people because they don’t do what others doing. Some people rush to work while they are sleeping and while people are sleeping at night there they are working out on their crafts. Sometimes we seen them as peoples who have weird goals or we think of them that they are out of their mind but in the end we see them rose-up, elevate their life style we can feel their energy that they are walking in the path that they want to be, where nobody is forcing to them to do what their doing and the another good thing here is that beside of doing what they want they earn money to sustain their needs for survival and sometimes to sustain their leisures too. People who are driven to urgency get jealouse and disappointed, thinking that they are being cheated or by pass so they say THAT’S LUCK! And that not happen to everybody because they believe that the REAL LIFE is you must go along to URGENCY LIFE STYLE and who survives there will be the REAL BEST or REAL WINNERS!

But who can tell me that he won URGENCY ADICTION by still entertaining it in their life? Nobody can be immune in URGENCY I believe if somebody claim that he is immune, that person might lose his self-love. URGENCY ADDICTION is like giving overload work to your self and not giving much time to rest even machines needs time to take a break so whats more for human beings? And the most painful part here is you strived hard but in the end of the shift you didn’t meet your goals its like running fast to reach the bakery but the route you took will lead you on the barbershop, how awful is that?

Few people are driven by their purpose, actually some people claim that they are very BUSY to their purpose but if you will look closer they are just same as a URGENCY ADDICTS they look at their purpose as a to do list, rushing and bouncing from here to there but ask them; where are you now after you did all your to do list? It feels unsatisfied or something is missing, it is because we focus on time frame instead to the effect of result. It doesn’t mean that if you finished early you did it correctly, you may go home early when you finished early but if you do the wrong thing today your work will be double for the next day. People who are moved by purpose has a long term idea what it will gonna be, their answer to the question of “WHY’S” like

WHY you want to have quality time to your children?

WHY you want them to keep away from bad influence?

WHY you want to provide them the best education, shelter, food etc.?

This WHY question can be answered in sentence, the Q&A will take a long times to discuss maybe a half of hour or an hours. But people who are driven by purpose, who know why he is doing what his doing now will answer those questions in ONE WORd and there will be no more follow-up question that will prolong the conversation. Yes the WHY questions above can be answer in one word and that is LOVE.

“Because I LOVE my child”

And it will stop the trend of questions even they insist, the same word will be answered

WHY you want them to keep away from bad influence?

Because I LOVE my child

WHY you want to provide them the best education, shelter, food etc.?

Because I LOVE my child

See what I mean? No more twist and turn like

Because im there guardian

Because I don’t want them to suffer like other misfortunate

Because I want them to be ready to face the world

These answers can be good but still the BEST answer is what I said at first. LOVE will tell it all.

Or it can be another reason like SATISFACTION, GREATFULNESS or ONENESS all things that they do, all of their sacrifices and hardship can simply explain by one WORD not one BOOK but just one WORD.

So I think the best thing to know where are your drives came from is how you can define your activities, roles or responsibilities right now so if you find your self URGENCY ADDICT I suggest you find way to cure it before everything is too late.


HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO

Enero 21, 2009

 

Naisip ko na maling diskarte pala na ibigay ng isang tao sa kaniyang BOSS yung responsibilidad upang silay maging MAYAMAN.

 

Oo alam ko na ang BOSS mo ang mag-aaprove ng bonus mo

 

Oo alam ko na ang BOSS mo ang may kakayahang mag-promote sa iyo

 

At Oo alam ko na ang BOSS mo ang magsasabi kung itataas ang sweldo mo

 

Pero alam ko na alam mo rin na hindi hawak ng BOSS mo ang BUHAY mo. Yung iba ganito ang paniniwala at dito sila nagkakamali.

 

Tandaan natin na ang mga BOSS natin ay may BOSS din at ang BOSS ng mga BOSS natin ay may BOSS din kaya nga may BIG BOSS, BIG BIG BOSS at BIG BIG BIG BIGESST BOSS. Sa makatuwid ang mga BOSS ay EMPLEYADO rin at sabi ko nga ang

 

EMPLEYADO AY MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN.

 

http://rockyrivera.wordpress.com/2009/01/19/ empleyado-ang-modernong-katawagan-sa-alipin

 

Paano maakay ng isang bulag ang kapwa bulag?

 

Yan nalang ang isipin natin.

 

Syempre kailangan natin galangin at pakitaan ng mabuti ang ating mga BOSS pero dapat natin malaman ang tunay na dahilan kung “bakit” Yung iba kasi ang nasa isip nila kaya nila ito dapat igalang ay dahil ito ang bumubuhay sa kanila o di kaya ang taong ito (ang BOSS) ang nagpapasuweldo sa kanila at sa tingin ko ang ganitong paniniwala ay MALI.

 

Oo maaring ang AMO mo ang may-ari ng kumpanya at siya ang nagpapasweldo sa iyo pero pinapasweldo ka niya hindi dahil basta ka nalang niya pinapasweldo ng libre, kundi ginagawa niya ito kapalit ng ibinigay mong SERBISYO. Kung iisipin ikaw ang dahilan kung bakit ka sumusweldo ng malaki o maliit at ang BOSS mo ay may kaunti lamang impluwensya sa iyong natatangap na salapi.

 

Gusto ko lang din sana liwanagin na ang KARANIWANG trabaho ng isang BOSS

 

Ay una, Bigyan ka ng trabaho

 

Pangalawa, Bigyan ka ng sweldo, kung nagagawa mo ang trabahong ibinigay sa iyo

 

At pangatlo, Wag kang bigyan ng sahod kung hindi mo nagagawa ang trabaho at i-TERMINATE ka kung ayaw na sa iyo ng kumpanya.

 

Pero ang gabayan ka para maging MAYAMAN ay hindi kasama sa kanyang JOB DESCRIPTION.

 

Kung iisipin mas gusto nga ng karamihang BOSS na huwag mag-resign ang mga tao niya, lalo na kung ang taong aalis sa kumpanya ay MAPAGKAKATIWALAAN at NAPAPAKINABANGAN, matrabaho kasi yung humanap ng ganitong tao lalo na yung humanap ng MAPAPAGKATIWALAAN.

 

Kaya napapansin ko may mga BOSS na gustong manatili ang kanyang mga EMPLEYADO sa NAG-HIHIRAP na sitwasyon.

 

Madalas kung marinig na itanung ng mga BOSS sa kanilang mga mag-reresign na empleyadong MAPAPAGKATIWALAAN at MAPAPAKINABANGAN ay ito

 

May naipon ka na ba?

 

Nakapag-tapos na ba mga anak mo?

 

Tapos mo na bang hulugan yung inutang mong bahay?

 

Saan ka kukuha ng pambayad?

 

Para bang sinasabi nila na…

 

“Wala ka ng pupuntahan kundi dito lang sa (COMPANY NAME) kaya wag ka ng maginarteng lumipat o umalis ng kumpanya”

 

Kaya TAKOT at KAHIRAPAN-sa-buhay ang ginagamit nilang (mga BOSS) sandata para masigurong hindi mo isiping umalis sa iyong hanap-buhay, manapa, eh katakutan mong mawala ito sa iyong mga kamay.

 

Isipin nalang natin yung mga taong itinuturing na MAYAMAN at MATAGUMPAY sa industriya tulad nila Bill Gates, Warren Buffet, Ted Turner, Henry Ford at marami pa. Sa tinging ninyo sino BOSS nila? WALA.

 

Kaya kung gusto mong totoong YUMAMAN ngunit sa kasalukuyan meroon kang BOSS na nagdidigta sa iyong gagawin tulad ng

 

kung kelan ka lang dapat magpahinga, tuwing Linggo o sabado lang

 

hangang kelan mo lang dapat makasama pamilya mo,  8 hours or once a month every year.

 

eto lang ang dapat mong matangap na pera, kahit na alam mong mas marami kang naibahaging serbisyo kumpara sa paborito ng BOSS mong alagang sip-sip

 

at higit sa lahat didigtahan ka kung anung damit lang ang damat mong isuot.

 

Kung ganito sitwasyon natin sa buhay mukhang malayo pa ata tayo sa pangarap natin pero ganun pa man at-least alam mo kung nasaan ka at isa pa, at-least may pangarap ka, ang kailangan mo ay gawin kung ano ang sa paniniwala mo ang dapat mong gawin.

 

Kaya sabi nga, “WALANG YUMAYAMAN SA EMPLEYADO” at ang kasabihang ito ay sa palagay ko’y marami pang natatagong sagot sa tanung na BAKIT.

 

 

Tungkol sa ano ang totoong ibig sabihin ng MAYAMAN meroon akong naisulat na artikulo noon na maari mong basahin. Sundan lang ang link sa baba

 

http://rockyrivera.wordpress.com/2008/08/29/ang-totoong-ibigsabihin-ng-mayaman

 

 

Salamat…


EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN

Enero 19, 2009

 

Ang sarap pakingan kapag sinasabi mo sa iyong sarili na

 

“May trabaho ako”

 

Lalo na kapag ang trabaho mo ay nakahilera sa uri ng white collar job, SOSYAL ika nga at maipagmamalaki mo sa iyong sarili na masuwerte ka at hindi napapabilang sa pursyento ng walang trabaho.

 

Tulad ng ibang Pilipino Isa din akong tambay noon, umaasa sa salaping bigay ng magulang at kamag-anak, nangangarap kung kelan kaya ako magkakaroon ng trabahong  matino, yung may magandang pasweldo at masasabi ko talaga sa sarili ko na isa talaga akong empleyado! Alam naman natin kasi sa Pinas madalang ang mag-regular na kumpanya lalo na wala kang tinatawag na BACKER kahit qualipikado ka eh ihuhuli kang iprayoridad dahil uunahin muna nila ang kanilang mga kakilala o kamag-anak, ayus lang iyon sa akin kanya-kanyang diskarte kumbaga.

 

            Dumating ang araw na dininig ng langit ang aking dalangin at eto nga dumating sa buhay ko ang opurtunidad na makapag-abroad, isa na ako ngayong Factory Manager’s Secretary sa isang pinakamalaking Dairy company dito sa Kingdom of Saudi Arabia (in short KSA) maganda ang pasweldo at mga benepisyo kumpara sa mga kumpanya sa Pilipinas at isa pa ang trabaho ko ngayon ay hindi gaanong pressure. Sa gitna ng aking itinuturing na tagumpay dito sa KSA, aking minuni-muni ang aking career-path bilang mang-gagawa mula noong nakatapos ng kolehiyo sa pinas hangang ngayong sa kasalukuyang FMS (Factory Manager’s Secretary)ako dito sa Saudi at nabuo sa aking isipan na ang salitang EMPLEYADO pala ay isang modernong katawagan sa ALIPIN…

 

Bakit? Paano ko nasabi?

 

Isipin mo, di-numero ang oras sa pagkain (tinatawag na Break time)

 

di-numero ang oras sa pahinga (tinatawag na Day-OFF)

 

di-numero ang oras mong makasama ang iyong pamilya (kung minsan pa nga ay WALA kang oras na mag-karoon ng QUALITY TIME)

 

pero hindi mo sila(iyong EMPLOYERor BOSS) pupwedeng orasan sa trabaho, yung tipong kapag-uwian na eh dapat uuwi ka na, hindi pupwede yun, dapat marunong kang makiramdam dahil kung hindi baka masamain nila ang pag-uwi mo ng nasa tamang oras(na nakasulat din naman sa kontratang pinirmahan mo na otso oras lang ang trabaho mo kada araw) at makaapekto sa iyong promotion or pagiging-regular.

 

Di bat ganito ang isang ALIPIN? Di-numero lahat, sa pagkain, pahinga at makasama ang iyong pamilya?

 

Ang medyo nakakalungkot na bahagi ay kapag ang isang empleyado ay nagkaroon ng sakit at kung maramdaman ng kumpanyang kanyang pinagtratrabahuhan na hindi na siya papakinabangan ay basta na lang itong tatangalin sa trabaho at babayaran ka nalang ng salaping maski isang brand new na Toyota Altis ay hindi ka makabili at ang masakit pa nito eh parang hulugan pa ang bayad at parang ang dating eh ikaw pa ang nanglilimos sa kumpanya, kumpanyang pinaglingkuran mo ng mahabang panahon na halos kalahati ng iyong buhay ay ibinigay mo tapos ay ganun lang ang makukuha mo?

 

Kasabihan nga ng mga mang-gagawa dito sa KSA mapa-blue or white collar job

 

“Hindi nauubos ang trabaho”

 

“kapag may nangyaring masama sa iyo babayaran ka lang ng kumpanya at hahanap lang sila ng bagong tao, wala-pang isang araw ay may kapalit ka na agad sa iniwan mong posisyon samantalang ikaw bilang isang anak, magulang, asawa, kaibigan o nakakatandang kapatid kung mawala ka o may mangyaring masama sa iyo ay wala na silang makukuhang kapalit mo dahil para sa kanila nag-iisa ka lang sa buhay nila.”

 

Nakakalungkot mang marinig pero dapat nating harapin ang katotohanan na nangyayari ito.

 

Ngayon ang tanung dapat ba tayong malungkot sa pagiging isang empleyado?

 

Hindi!

 

Bakit?

 

Dahil ayun sa aking obserbasyon lahat naman tayo ay dumadaan sa ganitong uri ng buhay. Ika nga

 

LAHAT NG MATAAS NAGSIMULA SA MABABA

LAHAT NG MEROON NAGSIMULA SA WALA

LAHAT NG MAESTRO AY NAGING ESTUDYANTE O ALIPIN MUNA

 

Wala naman problema kung isa kang empleyado ngayon at nagpapaalipin sa iyong trabaho kaya lang ang problema kapag ikaw eh nanatili na lamang diyan sa posisyon na ginagalawan mo, dahil ibig sabihin nito gusto mo diyan sa iyong kinalulugaran. Kaya lang may mga taong nananatili sa lugar nila na ayaw naman pala nila ditong manatili kaya tuloy patuloy nilang ginagawa ang bagay na ayaw na pala nilang gawin.

 

May iba kasing tao na akala nila SYMBOL STATUS yung maging Manager or CEO sa isang malaking kumpanya. Ang hindi nila alam kahit na anung magandang pangalan pa ang ipangalan sa posisyon nila ay nananatili parin silang EMPLEYADO sa makatuwid kung iisipin mo ay isa parin silang ALIPIN (HIGH PAYING SLAVES ika nga).

 

Kung iisipin mas dapat pa nga nating kaingitan ang mga mag-sasaka na sinasaka ang kanilang sariling lupa (maliit man o malaki ang lupain) dahil nakababad man sila sa sikat ng araw at naglalakad sa putik ay nakakasama naman nila araw-araw ang kanilang mga mahal sa buhay at nakikitang lumalaki ang kanilang mga anak. Ito ang sinabi ko sa Tatay ko noon nung nagpapalitan kami ng email dahil isa rin siyang FARMER at sinabi ko sa kanya ang mga Manager dito sa Saudi ay malalaki nga ang sweldo, triple kumpara sa sweldo ng mga manager sa pilipinas, libre paaral ng mga anak at marami pang benepisyo pero meroon ang Tatay kung mga benepisyong malabong mapantayan ng kahit na sinong kumpanya at iyon ay ang magkaroon ng malaking oras sa kanyang sarili at pamilya.

 

Hindi ko naman hinihikayat na lahat tayo ay mag-saka sa bukid pero gusto ko lang ibahagi sa inyo ang nadiskubre kung kaisipan na dapat pala ay maging AWARE tayo sa ating sitwasyon sa buhay, minsan kasi napansin ko sa sarili ko maging sa kapwa ko mang-gagawa, na wala na silang panahong mag-isip para sa kanilang sarili at para sa kanilang pamilya at ang kanilang dahilan ay BUSY daw sila, nakakatawa marinig iyon dahil BUSY ka sa pag-plaplano kung papaano mapapabuti ang daloy ng systema sa iyong trabaho sa opisina samantalang ang iyong sariling BUHAY ay hindi mo mabigyan ng panahon para pag-isipan?

 

That’s Ridiculos!

 

Yan ang sinasabi ng boss kung New Zealander sa mga illogical at none-sense na bagay na kanyang naririnig katulad ng nabangit ko sa itaas.

 

WE WORK TO LIVE, NOT LIVE TO WORK

 

Tamasahin natin ang buhay sa daan na gusto natin at huwag nating kawawain ang ating sarili.

 

May ibang nanghihinayang na iwan ang kanyang trabaho dahil sa udyok ng mga tao sa kanyang kapaligiran na MASUWERTE daw siya.

 

Paano kayang masuwerte ito?

 

Masuwerte na hindi nakakasama mga anak?

Masuwerte na hindi nakakasama asawa?

Masuwete na wala na siyang lime-life?

Masuwerte na di-numero ang buhay?

 

Sabi nga ni Wayne Dyer

 

“Successful people are all lucky! Just ask any failure”

 

Iba kasi ang tingin ng nasa loob at nasa-labas, ang akala ng ibang mga taong nag-hihirap sa buhay

 

“buti pa ang mga preso, libre sa makakain at matutulugan”

 

Sabi naman ng mga preso

 

“di bale ng mag-hirap na tuyo ang kinakain at karton ang higaan basta importante kasama ko mga mahal ko sa buhay at malaya”

 

 

Kung yung mga taong nagsasabi sa iyo na maswerte ka eh nararamdaman ang iyong mismong sitwasyon sa palagay ko ay hindi nila ito masasabi basta-basta.

 

Simple lang ang mensahe ko sa artikulo ko na ito

 

Bigyan ng panahon ang sarili at…

 

Mag isip-isip ka!

 

 

Para sa mga Mang-gagawang katulad ko

 

Mahal ko kayong lahat.


Paano mo masasabing SUCCESSFUL ka sa buhay?

Enero 11, 2009

 

Malaking bahay, magarang oto at maraming pera sa bangko…

 

ito ba ang kahulugan ng SUCCESSFUL?

 

Pupwede pero para sa akin ang magkaroon ng mga ganitong pag-aari ay mas ankop sabihing MASAGANA ang taong iyon imbis na gamitin ang salitang SUCCESSFUL o MATAGUMPAY.

 

Ano ba ang kahulugan ng salitang SUCCESSFUL?

 

Nagsuri ako sa pamamagitan ng aking OXFORD dictionary software at ayun dito ang salitang SUCCESS ay…

 

1 accomplishment of an aim

 

Sa tagalog: nakamit ang minimithi

 

Pero tinatanung ng iba bakit sa tuwing nakakamit natin ang ating mga mithiin, pangarap, target or goal sa buhay ay parang ang pakiramadam ay WALA LANG?

 

Nangarap kang makatapos ng pag-aaral tapos naka-graduate ka na

Nangarap ka namang magkatrabaho tapos nagkatrabaho ka na nga

Nangarap ka na maging Manager tapos natupad nga

 

Pero bakit parang kulang pa rin? Ito ang tanung mo sa sarili mo, bakit kapag nakakamit mo na ang mithiin mo o naiisin sa buhay pagkatapos ng ilang araw, linggo o buwan eh parang iniisip mo na kailangan mo nanamang magtayo ng isang target, goal, pangarap o mithiin dahil kapag hindi, parang ang pakiramdam mo eh walang sigla ang iyong buhay.

 

Tinatanung mo minsan sa sarili mo

 

Nagiging gahaman ba akong tao? Kasi pakiramdam ko ay wala akong kakuntentuhan sa buhay.

 

Paano ba maging successful sa buhay?

 

Pinakita ko sa inyo ang ibig sabihin ng salitang SUCCESSFUL  at sabi nga ang ibig sabihin nito ay ang makamit mo ang iyong mithiin pero kapag ang tanung ay dinugtungan na ng salitang BUHAY! ang kahulugan ng SUCCESSFUL ay hindi sapat para punan ang tanung.

 

Una sa lahat ano ba ibig sabihin ng BUHAY or sa wikang ingles eh LIFE, from OXFORD dictionary software ulit ang sabi

 

life  n. (pl. lives) 1 capacity for growth,

sa wikang tagalog ay kakayahang lumago, lumaki o umunlad.

 

Kung sa makatuwid masasabi mo na SUCCESSFUL o MATAGUMPAY ka sa BUHAY kung patuloy kang may mithiin sa buhay na nakakamit o pinagpupursigihang makuha.

 

Mayroon kang ginagawang bagay, pinagsisilbihang tungkulin o di kaya ay hinahabol na pangarap.

 

Walang pinagkaiba sa tanung na paano ba bumuhay ng tao?

 

Syempre ang sagot dito ay pakainin, bigyan ng damit, matutulugan at edukasyon at ang mga ito ay hindi isang beses mo lang ibibigay, ang pagkain ay hindi pupwedeng isang beses mo lang ibibigay dahil hindi ibig sabihin na kapag pinakain kita ngayon ay hindi ka na magugutom habang buhay. Walang pinagkaiba sa TAGUMPAY o SUCCESS sa BUHAY hindi purket naging matagumpay ka ngayon ay ibig sabihin tumigil ka na o di kaya ay tama-na!

 

Mali! ang ganitong isipan…

 

Sabi nga ni Anthony Robbins sa kanyang librong Unlimited Power

 

“The road of success is always under construction”

 

Ang tagumpay ay hindi isang destinasyon kundi isang paglalakbay tulad ng growth o buhay.

 

Tulad ng pagkain, pagtulog, ehersisyo at edukasyon ay mga bagay na ating responsibilidad upang ibigay sa ating sarili o sa ating mga minamahal upang patuloy tayong  mabuhay dito sa mundo…

 

Gayun din ang pagiging SUCCESSFUL sa BUHAY, responsibilidad nating alamin ang ating nais gawin, itoy itakda, sikaping kamtin, patuloy na ulitin ang sistema at huwag hayaang tumigil.


Three kinds of People in your workplace

Agosto 31, 2008

Red/Amber/Green Guy

 

 

There are three kinds of people in my work place and for me I named them

 

Green Guy

Amber Guy

Red Guy

 

So what is the difference of them to each other?

 

So let me tell to you…

 

Green Guy

 

They are your people! You can call them friends, allies, companion, mentor, protector etc. They are the people who are in favor to you, help you and believe in you.

 

Amber Guy

 

This people are gays in terms what side they stand (sometimes they don’t have)…

You cannot identify which side they are (PRO management or PRO employees) some people don’t like them because they are scared that this guys will squeal them to their enemies (Pro Management Peeps or PRO employee Peeps), but for me I like Amber Guys not because I am Amber too, I like them because this type of people is easy to manipulate if you have the stuff that they need… for example my stuff I have that Amber guys in our office need are knowledge in computer, internet, gadgets etc.(most of my officemates before has a low knowledge to I.T stuffs) so they cannot easily reject my request if I ask them to do me some favor, I’m just being careful to my words when I am with them because they might use those words to pull me down in the future.

 

Just be easy to this people because we really don’t know when their colors will change.

 

Red Guys

 

You can call them enemy, rival, challenger or competitors. This people are the one who makes your job exciting or hell but these red guys can be your best green guy if you can convert them as your friends. We should not avoid or disgust this kind of people in our work place or either fight against them. What we should do is to convert them all to become green guy status so that our working days will be headache free. (I know it’s hard to do, but at least let’s try it)

 

Everybody knows this right?

So, why the hell I am posting this?

 

My real purpose is to encourage you to identify your officemates what category  they really belongs, especially most people are confuse on amber and red they are making mistake that they put people on amber who must be in red category and vice versa so they treating them on wrong way. Also my purpose is to let you know who’s the red guys to your workplace and I am encouraging you to find a way how you can convert them from red to green guy so that you can make your working place just like heaven.


Ang Totoong ibigsabihin ng MAYAMAN!

Agosto 29, 2008

Lahat tayo gusto yumaman, walang taong ayaw yumaman lalo na kung ang pagyaman ay sa pera. Pero ang tanung ano ba ang ibig-sabihin ng “Mayaman”

 

Maraming pera

Malaking bahay

Magarang kotse

 

Ang mga ito ang karaniwang ibigsabihin ng mayamang tao. Pero eto nga ba talaga ang ibigsabihin ng mayaman?

 

Ako ay kasalukuyang OFW marami akong mga kasamahang may mga malalaking bahay, magarang sasakyan at kumikita ng malaki kumpara sa kikitain ng isang karaniwang pilipino dyan sa pinas, pero ganun pa man hindi sila mayaman ayun narin sa kanila.

 

Papaano nangyaring ang isang taong may bahay, lupa, magarang oto at may magandang inome ay hindi mayaman? Kung magkagayon ano ibig sabihin ng mayaman?

 

Ayon kay Colayco ang nagsulat ng Wealth Within Your Rich ang mayaman na tao ay may sapat na nakaimpok na salapi upang punan ang kanyang pangangailangan sa haba ng panahon kahit hindi nagtratrabaho.

 

Kaya iba-iba ang akala ng mga tao, akala nila porke kumikita ka ng P60,000 kada buwan ay mayaman ka na. Maaring totoo pwede ring hindi kasi kung 60k ang kita mo sa isang buwan pero mas mataas naman ang gastos mo sa kinikita mo ay wala karing pinagkaiba sa isang naghihirap sa salapi. Kabaligtaran naman eh kung P20,000 ang sweldo mo pero may tira ka namang P10,000 at itoy iniimpok mo eh para ka naring taong mayaman kung tutuusin.

 

Si Mr.60k malaki ang gastos samantalang si Mr. 20k maliit ang gastos kumpara sa sweldo. Nasa lifestyle din ng tao iyan, may mga taong simple lang mamuhay pero wag ka, kahit hindi nagtratrabaho yan ng tatlong taon eh ayus lang, samantalang may mga taong ang gaganda nga ng gamit pero hindi sila maaring tumigil ng pagtratrabaho kahit isang buwan lang dahil siguradong hindi na sila kakain.

 

Walang pinagkaiba ang pagiging mayaman sa pagiging matagumpay sa buhay.

 

Hindi porke naging Manager ka eh successful ka, manager ka nga hindi ka naman masaya at puro kasamaan ang nagawa mo sa kapwa mo, hindi success yun. Meron namang isang simpleng kahera lang pero kumpleto buhay niya, matitino ang anak, may magandang relasyon sa asawa at payapa ang buhay, yan ang success. Kumbaga sa mayaman Hindi porke marami kang pera sa bulsa, malaking bahay at magagarang oto pero baon na baon ka naman sa utang eh hindi mayaman yan kundi mayabang (sabi nga sa pang-asar ng mga pinoy) Kaya ang putno dito eh nasa tao talaga ang control. Ano ba gusto mong uri ng buhay? Hangang magkano ang gusto mo gastusin sa pagkain, libangan, pag-aaral etc. ayus na ba sayo tinapa? O mas prefared mo yung caviar?

 

Nasa iyo kung ano gusto mo at kung saan ka kuntento kaya ikaw ang makakapagsabi kung ano talaga ang stado mo ikaw at ikaw lang ang makakapagsabi sa sarili mo kung mayaman ka na nga ba talaga.