1 year na ang RAKITO’S MILL

Oktubre 15, 2009

Nakakahiyang sabihin pero noong Agosto 21, 2009 pa nag one year ang Rakito’s Mill or Rockyrivera.wordpress.com.

Una sa lahat ay maraming salamat sa mga masugid kung mambabasa ng aking mga artikulo, sa totoo lang po ay wala talaga akong layuning sumikat sa cyber world, ang aking pangunahing layunin ay makatulong sa aking kapwa, makapagbigay ng epektibong ideya kung paano harapin ang pagsubok sa buhay at kung papaano abutin ang mga pangarap at ienjoy ito.

Sana po ay nakatulong kahit papaano ang blogsite na ito, lalo na sa mga taong kung minsan ay walang mapagsabihan kaagad ng problema o mahingan ng payo tulad ng mga nabuntis ng wala sa panahon o plano, naway ang artikulong

“Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis” 

ay makatulong sa inyo upang piliin ang mabuting solusyon. Bagaman may kahabaan ang artikulo, ito naman po ay siguradong nagmula sa aking puso at sa isang tunay na karanasan.

Mapalad po ako at ang mga naisusulat kung artikulo ay mabenta. Kung minsan ay nilalangaw pero madalas naman pong may bumibisita. Ito nga po pala ang mga artikulo na madalas binibisita ng mga internet surfers. 

  • Maagang-Pagaasawa (mabenta)
  • Ano ang matibay na batayan sa pagpili ng KURSO sa KOLEHIYO (mabenta)
  • Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis (mabenta)
  • Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan. (mabenta paminsan-minsan)
  • Dapat bang kainggitan ang mga babaero (minsan bumenta)
  • Meron nga ba talagang TUNAY NA KAIBIGAN (minsan bumenta)
  • EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN (mabenta)
  • HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO (minsan bumenta)
  • God will work WITH YOU, NOT FOR YOU (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Knowledge is not Power (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Death (mabenta)
  • Choose to be KIND rather than being Right(mabenta)
  • NIKON OR CANON(mabenta)

Ilan lamang ang mga ito sa mga masasabi kung bumenta sa aking mga isinulat. Dati rati masaya na ako kung may limang bumibisita sa aking blogsite hangang sa naging sampu-sampu, bente-bente at hangang sa umabot ng 160 ang bumisita dito.

Take note hindi po ako nagpapa-advertise o gumagawa ng kung anu-anong gimmick para makabiktima ng mga mag-cliclick at mapunta sa blogsite ko. Siguro ang pinaka invitation ko ay mag post ng links sa limang site na madalas kung bisitahin pero paminsan-minsan lang ito dahil mayroon atang forum rules na ipinagbabawal ang mag-post ng links.

Hindi ko ito ipinagyayabang kundi aking ipinagpapasalamat dahil sa milyon-milyong blogs ay may mga tao akong naabot upang ibahagi ang aking artikulong naglalayon na makapag-bahagi ng aking karanasan na pinalolooban ng mga ideya na maaring makatulong.

Minsan pa nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumosoporta at tumatangkilik sa akin. Nawa po sana ay maipagpatuloy ko pa ang aking layunin.

Tandaan po ninyo na nagawa ito ng Rakito’s Mill hindi dahil lamang sa aking pansariling abilidad kundi ito rin po ay dahil sa inyo at sa Dios Ama na makapangyarihan sa lahat.

Ang inyo pong pagbisita at pagbibigay ng kumento (negatibo man o positibo) ang nagbibigay sa akin ng lakas, enthusiasm, kaligayahan at inspirasyon upang makapagsulat pa ng mga artkulong makakatulong sa ating kapwa.

Uulitin ko po MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT

GOD BLESS US ALL

Namaste,

Rocky


Cancelation of E-Book

Setyembre 8, 2009

 

I am very sorry to announce to all of my beloved readers that my E-book “Homesick” is canceled and I remove to my list. The prior reason is because I am lacking of inspiration and purpose on writing it. I am disapointed on finding my self being careless.

 

The reason why I annoucnced this cancelation is to express my sorry and just be a MAN who is responsible to what I’ve done and move on.

I have now several topic’s and subjects that seems very interesting and can contribute valueble impact to the people who wants imporvement in their everyday life. And as of now I am not announcing anything but I am very sure this E-book will materialize soon…

 

With Love

Rocky


Announcement: RAKITO’S SELECTED Poem’s & Quotes

Hulyo 11, 2009

Hello,

    Rakito’s Mill will post Quotes & Poems (randomly) daily. The Quotes & Poems are my choice.

Hope you enjoy and this may help you in some way.

Be inspired,

Rocky


SOON: HOMESICK

Hulyo 7, 2009

Homesick  Karaniwang bukang bibig ng mga Oversea’s workers na katulad ko.

Ano ba ito?

Ano ang sanhi at Dapat bang maalarma ang mga mangagawang katulad ko sa sakit na ito?

Paano ito mapapagtagumpayan?

Abangan ang aking EBOOK na pinamagatang

HOMESICK

Rocky Rivera


FREE Download: Inconvinient Truth by Rakito

Hulyo 6, 2009

Mga kaibigan!

Ito maari na ninyo pong i-download ang Ebook na pinamagatang “Inconvinient Truth” ito po ay mga pinagsama-samang mga artikulong aking isinulat na maari rin nyo pong mabasa sa blogsite na ito. Maari nyo po itong i-download sa inyong computer ng sa ganoon ay inyong mabasa ang aking mga artikulo kahit na hindi gumagamit ng internet.

Sa ating Tagumpay

Rakito

 

Paki-click lamang po ang url link na ito http://www.box.net/shared/5qv7zxfiux upang maidownload ang compiled Ebook entitle “Inconvinient Truth” na isinulat ng inyong lingkod (Rakito)

 

Guys!

You can now download my compiled E-BOOK entitled “Inconvinient Truth” it is my compiled “most viewed” article on this blogsite. You can now read some of my popular article without using the internet after downloading it and of course this is for FREE.

To our success

rak

Please click this link http://www.box.net/shared/5qv7zxfiux to download my Ebook entitled “Inconvinient Truth”


FREE Download: Think and Grow Rich by Nap Hill

Hulyo 6, 2009

 

Mga kaibigan,

Mayroon po akong bagong inapload at inyo na pong maaring i-download ng LIBRE, ito po ay pinamagatang Think and Grow Rich na isinulat ni Ginoong Napoleon Hill isang sikat sa libro tungkol sa pag-asenso ng isang tao.

Sa inyo pong tagumpay!

Rakito

Paki click lamang po ang hyperlink na ito http://www.box.net/shared/3pkohpn0ul upang maidownload ang Think and Grow Rich ni Ginoong Nap Hill.

 

Guys!

You can now download a Think and Grow rich Pdf file here for FREE. This is a classic book about achievement written by one of the father of Self-Help Napoleon Hill.

To your Success

rak

 

Click here to down load http://www.box.net/shared/3pkohpn0ul