Giving is the start of RECEIVING process

Nobyembre 1, 2009

            We heard it already that it is better to GIVE than to receive but still many people don’t buy this stuff much. Instead we are still a believer of having things for FREE is far better.

AS what I said we heard it to the priest, to our parents or even to the Self-help Gurus that its better to give than to receive but still we are not convince.

Let’s take a look on our nature. Okay lets say we want to produce mango fruit and we have vacant lot with soil only and no other trees or plants around from it. So if we want to produce mango what do you think we need to do? Are we going to just wait and believe that the soil will gave us a mango fruit? Of course not, that will not work-out , what we need to do is to get a mango seed and sow it to the soil and after that we need to water it regularly and fertilize it if necessary.

In this example when I realize that the sayings of “Giving is the start of RECEIVING process” is not a tricky advice to outnumber somebody but it is really the truth. Ideas begun to pop in my head that I can use as analogy to strengthen this principle like

Ask and you will be answered

Knock and it shall be open

Give and that will return to you back

If you look at it closer we are the one who made the first move, we give energy to execute one method or action in order to get what we want like asking, knocking the door or Giving. Receiving is some sort of having a reward as a appreciation to your act or what you’ve contribute.

So anything that we need it is required that we must be the first one to do the first move.


Anu-Ano ang Advantage ng taong MATABA

Oktubre 19, 2009

Alam na alam na natin kung ano ang disadvantage ng taong MATABA. Ngayon naman ay iisa-isahin natin kung anu-ano ang mga ADVANTAGE and GOOD POINTS ng taong mataba.

Masiyahin tignan- Madalas na mapapansin mo sa mga taong malulusog ay mukhang masiyahin lalo na kung silay ngi-ngiti. Karamihan ng mga taong matataba na nakakasalamuha ko ay totoong may karakter na masiyahin.

Hindi halatang walang pera- Sabi nila ang mga taong payatin ay madalas na napagkakamalang walang salapi at samantalang ang mga taong malulusog o tabain ay madalas na mapagkamalang maraming pera.

MALAKAS na IMAGE-Kung isa kang babae na naghahanap ng makakasama upang maproteksyunan ang iyong sarili sa mga bastos at masamang isipan mas ligtas ang pakiramdam mo kapag ang iyong kasama ay isang malaki (o mataba) na tao dahil mas pakiramdam mong maproproteksyonan ka niya.

Cute tignan at masarap yakapin- Nagulat ako dati sa isa kung kaibigan at katrabahong babae sa call center noon sa sinabi niya na gusto daw niya sa isang lalaki yung may tiyan dahil cute tignan at masarap yakapin. In fairness ang officemate at katrabaho ko na iyon ay magandang babae (Kahawig ni Cristine Reyes mula mukha hangang katawan). Sa totoo lang cute naman tignan ang mga matataba kailangan lang ng kaunting fashion make-over na babagay sa kanila at huwag ipilit ang mga hindi nanaman pupwede o hindi ka kumportable. Totoong masarap yakapin ang mga matataba kasi ramdam mo ang mga taba nito na napipisil mo.

Madaling magkaroon ng kaibigan- Matabang katawan + slight humor + komedyanteng personalidad = sandamak-mak na kaibigan

Ang mga taong matataba at may “sense of humor” ay madaling magkaroon ng kaibigan dahil tulad nga ng nasabi ko mukhang masiyahin ang mga matatabang tao sa unang tingin lalo na kung silay ngi-ngiti at mas lalo na siguro kung silay may maala Berwin na personality ay tiyak akong gusto mo silang makasama sa iyong friends list.

GANGSTA FASHION - Kung sa mga rakista ay skinny look, sa hip-hop world naman dito naghahari ang mga malulusog.

Mabisang pang ZONE Defense sa Basketball- Ang mga atletang malulusog na naglalaro ng basketball ay mainam na gamitin sa ZONE defense upang mahirapan ang sasalak-sak upang makapuntos.

Matured tignan- Sa ibang tao advantage sa kanila ang “matured looks” maaring ginagamit ang pagiging matured sa trabaho o negosyo.

Batang tignan- Medyo kontra ito sa una kung sinabi (matured look) pero kung papansinin mo may mga matatabang taong bata kung tignan.

Masarap magmahal- Ayon sa mga napagtanungan ko may mga nagsasabi na kadalasan sa mga karakteristik ng matataba ay masarap mag-mahal.

Ilan lamang ito sa mga magagandang bagay sa taong mataba. Marahil mayroon karing masasabing maganda tungkol sa kanila. Ang mga itinala ko dito ay marahil hindi nagkakatotoo sa iba at ito naman ay inaasahang mangyayari. Ang isa sa aking punto ay hindi purke mataba ka ay wala ng mahusay sa iyo at mag-muk-mok sa isang tabi.

Lahat tayo ay may kanya-kanya kagandahan o talento kailangan lamang nating magmasid, makinig at bukas na isip magsuri sa ating sarili upang matuklasan ang yaman na nakatago sa atin.

Namaste

Rocky


Ano ang DAHILAN kung Bakit Tinitira ng Media ang mga taong Matataba?

Oktubre 19, 2009

Pasimple ang pagtira ng media sa mga matataba. Dinadaan sa mga pabiro pero kung susuriin mo ang epekto nito sa isipan ng mga tao ay parang sinasabing KAMUHIAN MO ANG MATATABA! O di kaya naman ay parang isang kapansanan o dapat maging dahilan upang maging malungkot kapag ikaw ay mataba.

Paano ba nabuo ang ganitong ideya na kapag mataba ang isang tao ay dapat pagtawanan? Sa tingin ko ang kaisipan na ito ay ating nakuha sa panonood ng TV kung saan nakikita natin na madalas ginagawang laughing stuff ang mga taong matataba.

Ipinapakita na walang super-hero na may malaking tiyan, walang prince charming na chubby o di kaya ay walang matabang magiging bida kundi pang side kick na lamang.

Maaring nagtatanung ka rin kung minsan bakit nga ba maraming patama o pa-ngu-ngutya sa mga taong mataba?

Ano ang dahilan? Sabi ng iba…

Basta nakakatawa ang mga taong matataba period!

Pero ito nga ba talaga ang totoong dahilan kung bakit?

Sa tinging ko ang malalim na dahilan kung bakit tinitira ng TV o Media ang mga taong matataba ay dahil sa…

NEGOSYO

Oo Negosyo.

Pansinin mo ano ang kasama ng isang taong matcho o sexy kapag nakikita mo sila sa isang poster ano nakikita mo?

Mga tatak ng damit.

Mga gamot na pampapayat.

Mga clinic o ospital na kung saan pwede kang magpasip-sip ng taba.

Parang sinasabing…

Oy! Mataba ka eto gawin mo, magpunta ka sa clinic ko pahigop mo yang mga taba mo, inumin mo ang gamot na ito para masuot mo ang ganitong tatak ng damit at maging katulad mo ang modelo na iyong ini-idulo.

At tayo naman ay nadala ng ganitong uri ng kaisipan o sabihin natin na namanipula tayo.

Matagumpay na naprogram sa ating isipan na dapat kang magkaroon ng six-pack abs kasi yun ang Katawan ni Model X, dapat ganito ang damit mo kasi ganun ang sinusuot ni Model Y at dapat makapagsuot ka ng tight jeans at tight shirt kasi yun ang mga fashion thread ni Model X at Y.

Habang nagpapanic buying ka o nag-aalala kung papaano mo gagayahin si Model X at Y ay tuwang-tuwa naman ang mga negosyante na nagsusustento  sa advertisement campaign nila Model X and Y dahil nakikita nila na nagkakagulo ang mga tao para tangkilikin ang kanilang mga produktong ibinebenta. Samantalang ang mga nagsusustento na ito kung titignan mo ay napakalayo naman ng itsura o katawan sa kanilang mga mudelo (na si X and Y) ngayon kung tatanungin mo bakit ganun? Hindi nila ginagaya si X at Y samantalang ikaw eh patay na patay sa mga ito?

DAhil hindi sila apektado kung maging katulad nila o hindi ang mga ito. Kasi ang mga INVESTORS ang maaring punot-dulo ng mga fashion thread na kung saan nag-didikta sa publiko na dapat mong isuot ang ganitong damit dahil ito ang USO. Sila ang gumagawa ng paraan upang maniwala ang tao na “there is such thing na USO or IN” at kapag ikaw ay wala sa ganitong pamumuhay ay ituturing kang STRANGERS. Sila ang may akda ng mga ganitong GIMMICK so sundin man nila ito o hindi ay wala sa kanilang epekto dahil kahit anung oras kaya nilang baguhin ang takbo ng USO at isang iglap ang mga binili mo o sinusunod na life style ay MA-LAOS at mapabilang ka sa mga STRANGERS.

Masama bang gayahin si Model X at Y? hindi sila masama gayahin ngunit hindi rin masamang hindi maging katulad nila. Dapat lang maging malinaw sa atin na si Model X at Y ay kabilang lamang sa mararaming Modelo na pwede nating tularan, wala sa kanila ang TAMANG MODELO at hindi importante dito kung sino yung TAMA ang importante dito ay yung kung ano ang GUSTO MO at saan ka KUMPORTABLE.

=-=-=-=-=

PAHABOL

Wala akong particular na estasyon o grupo ng mga medya na tinutukoy na kung saan mismong nagpapatama sa mga matataba o nagmamanipula sa mga isip ng tao. Duda din ako na maski silang mga empleyado dito ay manipulado narin at kung tatanungin ninyo ako kung sino itong MASTER MANIPULATOR ay wala akong ideya kung sino talaga at isa pa, hindi ako interesadong malaman kung sino nga ang pasimunong ito.

Masaya na akong nagunita ko ang ganitong isipan dahil sa pakiramdam ko ay unti-unti akong nagiging malaya.

Hindi ko sinasabing mali o wala tayong dapat paniwalaan sa mga napapanood sa TV ang suggestion ko lang bago tayo maniwala ay magkaroon sana tayo ng sariling processo kung saan masuri nating mabuti kung valido nga ba ang inpormasyon na napapanood o nakikita sa TV.


1 year na ang RAKITO’S MILL

Oktubre 15, 2009

Nakakahiyang sabihin pero noong Agosto 21, 2009 pa nag one year ang Rakito’s Mill or Rockyrivera.wordpress.com.

Una sa lahat ay maraming salamat sa mga masugid kung mambabasa ng aking mga artikulo, sa totoo lang po ay wala talaga akong layuning sumikat sa cyber world, ang aking pangunahing layunin ay makatulong sa aking kapwa, makapagbigay ng epektibong ideya kung paano harapin ang pagsubok sa buhay at kung papaano abutin ang mga pangarap at ienjoy ito.

Sana po ay nakatulong kahit papaano ang blogsite na ito, lalo na sa mga taong kung minsan ay walang mapagsabihan kaagad ng problema o mahingan ng payo tulad ng mga nabuntis ng wala sa panahon o plano, naway ang artikulong

“Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis” 

ay makatulong sa inyo upang piliin ang mabuting solusyon. Bagaman may kahabaan ang artikulo, ito naman po ay siguradong nagmula sa aking puso at sa isang tunay na karanasan.

Mapalad po ako at ang mga naisusulat kung artikulo ay mabenta. Kung minsan ay nilalangaw pero madalas naman pong may bumibisita. Ito nga po pala ang mga artikulo na madalas binibisita ng mga internet surfers. 

  • Maagang-Pagaasawa (mabenta)
  • Ano ang matibay na batayan sa pagpili ng KURSO sa KOLEHIYO (mabenta)
  • Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis (mabenta)
  • Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan. (mabenta paminsan-minsan)
  • Dapat bang kainggitan ang mga babaero (minsan bumenta)
  • Meron nga ba talagang TUNAY NA KAIBIGAN (minsan bumenta)
  • EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN (mabenta)
  • HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO (minsan bumenta)
  • God will work WITH YOU, NOT FOR YOU (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Knowledge is not Power (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Death (mabenta)
  • Choose to be KIND rather than being Right(mabenta)
  • NIKON OR CANON(mabenta)

Ilan lamang ang mga ito sa mga masasabi kung bumenta sa aking mga isinulat. Dati rati masaya na ako kung may limang bumibisita sa aking blogsite hangang sa naging sampu-sampu, bente-bente at hangang sa umabot ng 160 ang bumisita dito.

Take note hindi po ako nagpapa-advertise o gumagawa ng kung anu-anong gimmick para makabiktima ng mga mag-cliclick at mapunta sa blogsite ko. Siguro ang pinaka invitation ko ay mag post ng links sa limang site na madalas kung bisitahin pero paminsan-minsan lang ito dahil mayroon atang forum rules na ipinagbabawal ang mag-post ng links.

Hindi ko ito ipinagyayabang kundi aking ipinagpapasalamat dahil sa milyon-milyong blogs ay may mga tao akong naabot upang ibahagi ang aking artikulong naglalayon na makapag-bahagi ng aking karanasan na pinalolooban ng mga ideya na maaring makatulong.

Minsan pa nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumosoporta at tumatangkilik sa akin. Nawa po sana ay maipagpatuloy ko pa ang aking layunin.

Tandaan po ninyo na nagawa ito ng Rakito’s Mill hindi dahil lamang sa aking pansariling abilidad kundi ito rin po ay dahil sa inyo at sa Dios Ama na makapangyarihan sa lahat.

Ang inyo pong pagbisita at pagbibigay ng kumento (negatibo man o positibo) ang nagbibigay sa akin ng lakas, enthusiasm, kaligayahan at inspirasyon upang makapagsulat pa ng mga artkulong makakatulong sa ating kapwa.

Uulitin ko po MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT

GOD BLESS US ALL

Namaste,

Rocky


WHAT YOU DO MATTERS, WHATEVER THE SIZE IS

Oktubre 11, 2009

An inspiring story of a Nerd kid…

KYLE and ERROR


Life is… from Helen Keller

Setyembre 9, 2009

 

Life is either a daring adventure or nothing.

About:Helen Keller