Kamatayan Di Dapat Katakutan

Walang tao ang hindi natatakot sa kamatayan, actually iba-iba tayo ng initial reaksyon kapag naririnig ang salitang “kamatayan”

 

May nalulungkot, nagagalit, nauunsyame at naiiyak.

 

Puro negatibong emosyon ang ating nararamdaman at yun ay senyales ng “takot” pero tanung ko lang sa sarili ko noon dapat nga bang katakutan ang kamatayan?

 

Sagot ko nung una ay OO then sinabayan ko ng tanung na

 

Bakit?

 

Dahil mawawala ka na sa mundo at hindi mo na makakasama mga mahal mo sa buhay? Yun ba? Maari pero maging sila ay dun din naman hahantong hindi lang talaga natin alam kung kelan, paano at saan. May hinahanap akong mas validong sagot at sa aking pag-iisip ay akin ng natagpuan ang tumpak na sagot para sa akin…

 

Sa tingin ko takot ang tao mamatay hindi dahil sa mawawala na siya sa mundong ito o hindi rin dahilan kaya takot ang taong ma-matay dahil sa kung anung klaseng sanhi o paraan ng pagkamatay, ang totoong dahilan kaya takot ang taong mamatay ay dahil ayaw niyang mawala sa mundong ito na hindi pa niya naeenjoy ang buhay. Ang ibig kung sabihin sa naeenjoy ay hindi yung pag-shashopping or pag-gimmick, ang tao kasi may isa yang hinahanap sa buhay, yung maramdaman niyang valueble siya. Yun bang ang pakiramdam mo ay may nagawa kang makabuluhan sa iyong buhay.

 

Kaya lang marami sa atin ang hindi nabubuhay ng makabuluhan dahil hindi daw nila alam kung paano mabuhay ng makabuluhan, walang dapat ipagtaka kung bakit maraming taong takot mamatay, dahil nga hindi pa nila nasisimulan ang kanilang misyon sa buhay.

 

Anung misyon?

 

Yun nga yun! Yung mabuhay ka ng makabuluhan.

 

Makabuluhan sa industriya ng langis

Makabuluhan sa larangan ng sining

Makabuluhan sa larangan ng sports

 

Marami!

 

Pero marami din sa atin na hindi alam kung ano ang tatahaking landas dahil takot sigurong mabigo o nagpapadala sa mga kuro-kuro na opinion na kesyo mahirap ito at mahirap yan.

 

Kung titignan mo ang mga taong may malinaw na plano sa buhay at may malinaw na naisin eh hindi nila kinatatakutan ang kamatayan hindi dahil sa wala silang pakialam sa buhay nila kundi alam nila na ang essence ng buhay ay gawin mo ang gusto mong gawin abutin mo ang mga pangarap mo.

 

Mahirap man o masasakit ang pagsubok sa totoo lang ay masaya iyan, dahil sa mga pagsubok dyan tayo nahahasa para maging karapat-dapat sa tagumpay. Mabibigo ka, mabubwisit ka o maiiyak ka tapos nyan ay tatawa ka, magtatagumpay ka at hahalakhak ka ng malakas.

 

Ganito ang roller coaster ng buhay dapat I-enjoy mo bago ka dumating sa huling hantungan na kung saan eh bababa ka na ng chubibo para iba naman ang sumakay, at nakakalungkot isipin na bakit hindi mo i-nenjoy ang moments nung ikaw ang nakasakay sa chubibo…

 

Yun ang masakit sa kamatayan, yung ma-maalam ka sa mundong ito na may pinaghinayangan ka.

 

Hindi yung patalim, bala, sakit or yung pagkadurog ng katawan.

 

Ang masakit sa kamatayan ay yun ngang mamatay ka ng may panghihinayangan.

 

Kaya sa totoo lang hindi tayo dapat matakot sa kamatayan kundi ang marapat ay huwag nating hayaang masayang ang mga magagandang pagkakataon sa ating buhay para wala tayong panghinayangan.

 

Yun-yon takot ang tao na may panghinayangan, hindi tayo takot sa kamatayan.

Advertisements

One Response to Kamatayan Di Dapat Katakutan

  1. 25pesocupnoodles ay nagsasabing:

    iminumungkahi kong mabasa mo rin ang aking panulat, napapanahon sa iyong talata.. http://25pesocupnoodles.wordpress.com/2012/03/28/ang-iyong-huling-hantungan-your-final-destination/

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: