MASAMA BANG MANG-GAYA

Karaniwan kung naririnig na ang pinoy daw ay GAYA-GAYA natatandaan ko noong sumikat ang pelikulang the FAST and the FURIOUS na pinagbibidahan ni Vin Diesel maraming kabataang nahilig sa kotse at kumakarera sa Macapagal, neto namang kamakailan lang noong sumikat yung pelikulang NEVER BACK DOWN nauso sa atin yung Mix-Martial Arts. Maraming mga bagay akong nakikita na ginagaya ng pinoy sa ibat-ibang kultura at para sa aking sariling pananaw ay…

WALANG MASAMA SA PANG-GAGAYA

Kung ito ay nakakabuti at ginawa ng tama.

Pero nagtataka lang ako sa mga taong para bang galit sa ating kapwa pinoy dahil sa kanilang PANG-GAGAYA, sabi nila…

WALA DAW ORIGINALITY

Iniisip ko tuloy kung naiintindihan kaya ng mga taong ito yung sinasabi nilang ORIGINALITY?

Sa totoo lang wala sa ating sinuman ang pwedeng magsabing

OO AKO ORIGINAL NITO

Dahil yung sinasabi mong ORIGINAL MO!

Ay paniguradong kinopya mo lang din iyan sa iba. Maaring sa finished product o maaring sa raw materials.

Halimbawa na lang sa pag-gawa na eroplano sa palagay mo saan ito iminudelo? Sa ibon

Sa palagay mo kaya yung bumbilya o florecent lamp saan ito iminudelo? Sa araw

Eh yung kotse? Sa kabayo malamang kasi kaya nga tinawag na horsepower eh.

So kung tutuusin yung paratang na WALA KANG ORIGINALITY ay isang walang kwentang paratang sa isang tao para kasi gusto mong sabihin na wala kang karapatang maging pintor or artist

Pero naniniwala ako na sila mang mga sikat na pintor natin ay kumukuha rin ng ideya sa kapwa nila pintor o sa alin mang mga bagay na sa palagay nila eh makakaganda sa kanilang obramaistra.

Kaya para sa akin walang masama sa mang-gaya pero sa mang-pirata meron.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: