EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN

 

Ang sarap pakingan kapag sinasabi mo sa iyong sarili na

 

“May trabaho ako”

 

Lalo na kapag ang trabaho mo ay nakahilera sa uri ng white collar job, SOSYAL ika nga at maipagmamalaki mo sa iyong sarili na masuwerte ka at hindi napapabilang sa pursyento ng walang trabaho.

 

Tulad ng ibang Pilipino Isa din akong tambay noon, umaasa sa salaping bigay ng magulang at kamag-anak, nangangarap kung kelan kaya ako magkakaroon ng trabahong  matino, yung may magandang pasweldo at masasabi ko talaga sa sarili ko na isa talaga akong empleyado! Alam naman natin kasi sa Pinas madalang ang mag-regular na kumpanya lalo na wala kang tinatawag na BACKER kahit qualipikado ka eh ihuhuli kang iprayoridad dahil uunahin muna nila ang kanilang mga kakilala o kamag-anak, ayus lang iyon sa akin kanya-kanyang diskarte kumbaga.

 

            Dumating ang araw na dininig ng langit ang aking dalangin at eto nga dumating sa buhay ko ang opurtunidad na makapag-abroad, isa na ako ngayong Factory Manager’s Secretary sa isang pinakamalaking Dairy company dito sa Kingdom of Saudi Arabia (in short KSA) maganda ang pasweldo at mga benepisyo kumpara sa mga kumpanya sa Pilipinas at isa pa ang trabaho ko ngayon ay hindi gaanong pressure. Sa gitna ng aking itinuturing na tagumpay dito sa KSA, aking minuni-muni ang aking career-path bilang mang-gagawa mula noong nakatapos ng kolehiyo sa pinas hangang ngayong sa kasalukuyang FMS (Factory Manager’s Secretary)ako dito sa Saudi at nabuo sa aking isipan na ang salitang EMPLEYADO pala ay isang modernong katawagan sa ALIPIN…

 

Bakit? Paano ko nasabi?

 

Isipin mo, di-numero ang oras sa pagkain (tinatawag na Break time)

 

di-numero ang oras sa pahinga (tinatawag na Day-OFF)

 

di-numero ang oras mong makasama ang iyong pamilya (kung minsan pa nga ay WALA kang oras na mag-karoon ng QUALITY TIME)

 

pero hindi mo sila(iyong EMPLOYERor BOSS) pupwedeng orasan sa trabaho, yung tipong kapag-uwian na eh dapat uuwi ka na, hindi pupwede yun, dapat marunong kang makiramdam dahil kung hindi baka masamain nila ang pag-uwi mo ng nasa tamang oras(na nakasulat din naman sa kontratang pinirmahan mo na otso oras lang ang trabaho mo kada araw) at makaapekto sa iyong promotion or pagiging-regular.

 

Di bat ganito ang isang ALIPIN? Di-numero lahat, sa pagkain, pahinga at makasama ang iyong pamilya?

 

Ang medyo nakakalungkot na bahagi ay kapag ang isang empleyado ay nagkaroon ng sakit at kung maramdaman ng kumpanyang kanyang pinagtratrabahuhan na hindi na siya papakinabangan ay basta na lang itong tatangalin sa trabaho at babayaran ka nalang ng salaping maski isang brand new na Toyota Altis ay hindi ka makabili at ang masakit pa nito eh parang hulugan pa ang bayad at parang ang dating eh ikaw pa ang nanglilimos sa kumpanya, kumpanyang pinaglingkuran mo ng mahabang panahon na halos kalahati ng iyong buhay ay ibinigay mo tapos ay ganun lang ang makukuha mo?

 

Kasabihan nga ng mga mang-gagawa dito sa KSA mapa-blue or white collar job

 

“Hindi nauubos ang trabaho”

 

“kapag may nangyaring masama sa iyo babayaran ka lang ng kumpanya at hahanap lang sila ng bagong tao, wala-pang isang araw ay may kapalit ka na agad sa iniwan mong posisyon samantalang ikaw bilang isang anak, magulang, asawa, kaibigan o nakakatandang kapatid kung mawala ka o may mangyaring masama sa iyo ay wala na silang makukuhang kapalit mo dahil para sa kanila nag-iisa ka lang sa buhay nila.”

 

Nakakalungkot mang marinig pero dapat nating harapin ang katotohanan na nangyayari ito.

 

Ngayon ang tanung dapat ba tayong malungkot sa pagiging isang empleyado?

 

Hindi!

 

Bakit?

 

Dahil ayun sa aking obserbasyon lahat naman tayo ay dumadaan sa ganitong uri ng buhay. Ika nga

 

LAHAT NG MATAAS NAGSIMULA SA MABABA

LAHAT NG MEROON NAGSIMULA SA WALA

LAHAT NG MAESTRO AY NAGING ESTUDYANTE O ALIPIN MUNA

 

Wala naman problema kung isa kang empleyado ngayon at nagpapaalipin sa iyong trabaho kaya lang ang problema kapag ikaw eh nanatili na lamang diyan sa posisyon na ginagalawan mo, dahil ibig sabihin nito gusto mo diyan sa iyong kinalulugaran. Kaya lang may mga taong nananatili sa lugar nila na ayaw naman pala nila ditong manatili kaya tuloy patuloy nilang ginagawa ang bagay na ayaw na pala nilang gawin.

 

May iba kasing tao na akala nila SYMBOL STATUS yung maging Manager or CEO sa isang malaking kumpanya. Ang hindi nila alam kahit na anung magandang pangalan pa ang ipangalan sa posisyon nila ay nananatili parin silang EMPLEYADO sa makatuwid kung iisipin mo ay isa parin silang ALIPIN (HIGH PAYING SLAVES ika nga).

 

Kung iisipin mas dapat pa nga nating kaingitan ang mga mag-sasaka na sinasaka ang kanilang sariling lupa (maliit man o malaki ang lupain) dahil nakababad man sila sa sikat ng araw at naglalakad sa putik ay nakakasama naman nila araw-araw ang kanilang mga mahal sa buhay at nakikitang lumalaki ang kanilang mga anak. Ito ang sinabi ko sa Tatay ko noon nung nagpapalitan kami ng email dahil isa rin siyang FARMER at sinabi ko sa kanya ang mga Manager dito sa Saudi ay malalaki nga ang sweldo, triple kumpara sa sweldo ng mga manager sa pilipinas, libre paaral ng mga anak at marami pang benepisyo pero meroon ang Tatay kung mga benepisyong malabong mapantayan ng kahit na sinong kumpanya at iyon ay ang magkaroon ng malaking oras sa kanyang sarili at pamilya.

 

Hindi ko naman hinihikayat na lahat tayo ay mag-saka sa bukid pero gusto ko lang ibahagi sa inyo ang nadiskubre kung kaisipan na dapat pala ay maging AWARE tayo sa ating sitwasyon sa buhay, minsan kasi napansin ko sa sarili ko maging sa kapwa ko mang-gagawa, na wala na silang panahong mag-isip para sa kanilang sarili at para sa kanilang pamilya at ang kanilang dahilan ay BUSY daw sila, nakakatawa marinig iyon dahil BUSY ka sa pag-plaplano kung papaano mapapabuti ang daloy ng systema sa iyong trabaho sa opisina samantalang ang iyong sariling BUHAY ay hindi mo mabigyan ng panahon para pag-isipan?

 

That’s Ridiculos!

 

Yan ang sinasabi ng boss kung New Zealander sa mga illogical at none-sense na bagay na kanyang naririnig katulad ng nabangit ko sa itaas.

 

WE WORK TO LIVE, NOT LIVE TO WORK

 

Tamasahin natin ang buhay sa daan na gusto natin at huwag nating kawawain ang ating sarili.

 

May ibang nanghihinayang na iwan ang kanyang trabaho dahil sa udyok ng mga tao sa kanyang kapaligiran na MASUWERTE daw siya.

 

Paano kayang masuwerte ito?

 

Masuwerte na hindi nakakasama mga anak?

Masuwerte na hindi nakakasama asawa?

Masuwete na wala na siyang lime-life?

Masuwerte na di-numero ang buhay?

 

Sabi nga ni Wayne Dyer

 

“Successful people are all lucky! Just ask any failure”

 

Iba kasi ang tingin ng nasa loob at nasa-labas, ang akala ng ibang mga taong nag-hihirap sa buhay

 

“buti pa ang mga preso, libre sa makakain at matutulugan”

 

Sabi naman ng mga preso

 

“di bale ng mag-hirap na tuyo ang kinakain at karton ang higaan basta importante kasama ko mga mahal ko sa buhay at malaya”

 

 

Kung yung mga taong nagsasabi sa iyo na maswerte ka eh nararamdaman ang iyong mismong sitwasyon sa palagay ko ay hindi nila ito masasabi basta-basta.

 

Simple lang ang mensahe ko sa artikulo ko na ito

 

Bigyan ng panahon ang sarili at…

 

Mag isip-isip ka!

 

 

Para sa mga Mang-gagawang katulad ko

 

Mahal ko kayong lahat.

 

 

PS: Artikulong konektado

 

HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO

HINDI LANG SA LAKI NG SWELDO YAN

5 Responses to EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN

  1. foobarph ay nagsabing:

    sabi nga sa bibliya…….

    “ang alipin ay hindi dakila kaysa sa kaniyang panginoon……”

    ^_^

  2. Max Miller ay nagsabing:

    So what do you suggest?

  3. rockwitralph ay nagsabing:

    A lot of people quit looking for work as soon as they find a job.
    Zig Ziglar

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: