HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO

 

Naisip ko na maling diskarte pala na ibigay ng isang tao sa kaniyang BOSS yung responsibilidad upang silay maging MAYAMAN.

 

Oo alam ko na ang BOSS mo ang mag-aaprove ng bonus mo

 

Oo alam ko na ang BOSS mo ang may kakayahang mag-promote sa iyo

 

At Oo alam ko na ang BOSS mo ang magsasabi kung itataas ang sweldo mo

 

Pero alam ko na alam mo rin na hindi hawak ng BOSS mo ang BUHAY mo. Yung iba ganito ang paniniwala at dito sila nagkakamali.

 

Tandaan natin na ang mga BOSS natin ay may BOSS din at ang BOSS ng mga BOSS natin ay may BOSS din kaya nga may BIG BOSS, BIG BIG BOSS at BIG BIG BIG BIGESST BOSS. Sa makatuwid ang mga BOSS ay EMPLEYADO rin at sabi ko nga ang

 

EMPLEYADO AY MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN.

 

https://rockyrivera.wordpress.com/2009/01/19/ empleyado-ang-modernong-katawagan-sa-alipin

 

Paano maakay ng isang bulag ang kapwa bulag?

 

Yan nalang ang isipin natin.

 

Syempre kailangan natin galangin at pakitaan ng mabuti ang ating mga BOSS pero dapat natin malaman ang tunay na dahilan kung “bakit” Yung iba kasi ang nasa isip nila kaya nila ito dapat igalang ay dahil ito ang bumubuhay sa kanila o di kaya ang taong ito (ang BOSS) ang nagpapasuweldo sa kanila at sa tingin ko ang ganitong paniniwala ay MALI.

 

Oo maaring ang AMO mo ang may-ari ng kumpanya at siya ang nagpapasweldo sa iyo pero pinapasweldo ka niya hindi dahil basta ka nalang niya pinapasweldo ng libre, kundi ginagawa niya ito kapalit ng ibinigay mong SERBISYO. Kung iisipin ikaw ang dahilan kung bakit ka sumusweldo ng malaki o maliit at ang BOSS mo ay may kaunti lamang impluwensya sa iyong natatangap na salapi.

 

Gusto ko lang din sana liwanagin na ang KARANIWANG trabaho ng isang BOSS

 

Ay una, Bigyan ka ng trabaho

 

Pangalawa, Bigyan ka ng sweldo, kung nagagawa mo ang trabahong ibinigay sa iyo

 

At pangatlo, Wag kang bigyan ng sahod kung hindi mo nagagawa ang trabaho at i-TERMINATE ka kung ayaw na sa iyo ng kumpanya.

 

Pero ang gabayan ka para maging MAYAMAN ay hindi kasama sa kanyang JOB DESCRIPTION.

 

Kung iisipin mas gusto nga ng karamihang BOSS na huwag mag-resign ang mga tao niya, lalo na kung ang taong aalis sa kumpanya ay MAPAGKAKATIWALAAN at NAPAPAKINABANGAN, matrabaho kasi yung humanap ng ganitong tao lalo na yung humanap ng MAPAPAGKATIWALAAN.

 

Kaya napapansin ko may mga BOSS na gustong manatili ang kanyang mga EMPLEYADO sa NAG-HIHIRAP na sitwasyon.

 

Madalas kung marinig na itanung ng mga BOSS sa kanilang mga mag-reresign na empleyadong MAPAPAGKATIWALAAN at MAPAPAKINABANGAN ay ito

 

May naipon ka na ba?

 

Nakapag-tapos na ba mga anak mo?

 

Tapos mo na bang hulugan yung inutang mong bahay?

 

Saan ka kukuha ng pambayad?

 

Para bang sinasabi nila na…

 

“Wala ka ng pupuntahan kundi dito lang sa (COMPANY NAME) kaya wag ka ng maginarteng lumipat o umalis ng kumpanya”

 

Kaya TAKOT at KAHIRAPAN-sa-buhay ang ginagamit nilang (mga BOSS) sandata para masigurong hindi mo isiping umalis sa iyong hanap-buhay, manapa, eh katakutan mong mawala ito sa iyong mga kamay.

 

Isipin nalang natin yung mga taong itinuturing na MAYAMAN at MATAGUMPAY sa industriya tulad nila Bill Gates, Warren Buffet, Ted Turner, Henry Ford at marami pa. Sa tinging ninyo sino BOSS nila? WALA.

 

Kaya kung gusto mong totoong YUMAMAN ngunit sa kasalukuyan meroon kang BOSS na nagdidigta sa iyong gagawin tulad ng

 

kung kelan ka lang dapat magpahinga, tuwing Linggo o sabado lang

 

hangang kelan mo lang dapat makasama pamilya mo,  8 hours or once a month every year.

 

eto lang ang dapat mong matangap na pera, kahit na alam mong mas marami kang naibahaging serbisyo kumpara sa paborito ng BOSS mong alagang sip-sip

 

at higit sa lahat didigtahan ka kung anung damit lang ang damat mong isuot.

 

Kung ganito sitwasyon natin sa buhay mukhang malayo pa ata tayo sa pangarap natin pero ganun pa man at-least alam mo kung nasaan ka at isa pa, at-least may pangarap ka, ang kailangan mo ay gawin kung ano ang sa paniniwala mo ang dapat mong gawin.

 

Kaya sabi nga, “WALANG YUMAYAMAN SA EMPLEYADO” at ang kasabihang ito ay sa palagay ko’y marami pang natatagong sagot sa tanung na BAKIT.

 

 

Tungkol sa ano ang totoong ibig sabihin ng MAYAMAN meroon akong naisulat na artikulo noon na maari mong basahin. Sundan lang ang link sa baba

 

https://rockyrivera.wordpress.com/2008/08/29/ang-totoong-ibigsabihin-ng-mayaman

 

 

Salamat…

 

Iba pang artikulong kunektado

HINDI LANG SA LAKI NG SWELDO YAN

2 Responses to HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO

  1. […] HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO […]

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: