Ang Maling interpretasyon sa mga taong MAKAPAL ANG MUKHA

Masakit pakingan lalo na sa mga taong may isyu sa kanilang itsura, nakakapang-init ng ulo, nakakabuwisit o di kaya naman ay masakit sa tainga na pakingan kapag sinabihan kang

ANG KAPAL NG MUKHA MO!!!!!

Naniniwala ako na mayroon kayong mga ideyal na mga tao kapag narairinig ninyo ang salitang MAKAPAL ANG MUKHA maaring sila ay mga PANGET! Na manliligaw, mga PANGET! Na karibal, mga taong nasa mataas na posisyon ngunit bitin sa kaalaman at karanasan o di naman kaya ay mga taong nangangarap ng sobra-sobra na kung saan mukhang imposible nilang makamit dahil sa kanilang kasalukurang sitwasyon, basta marami kang masasabing halimbawa para masabi mo ang taong ito ay makapal ang mukha.

Pero napansin ko sa mga taong maraming naipundar at mataas ang narating sa buhay ay minsan din silang nasabihang MAKAPAL ANG MUKHA hindi na ako magsasabi ng mga pangalan upang gawing halimbawa ngunit hinihikaayat ko kayo na tumigil sandali sa pagbabasa ng artikulong ito at mag-isip ng mga taong masasabi mo sa iyong panukat na mga matagumpay o mayaman sa buhay at subukan mong alalahanin (kung may nalalaman ka) ang kanilang sitwasyon noong silay nagsisimula pa lamang sa kanilang career o negosyo malamang masasabi mo na ganito.

Sinong makakapag sabi na si —(Pedro, Daniel, Juan)— ay magiging —-(Doctor, Negosyante o Senador)— na.

Sa panahon natin ngayon ang salitang makapal ang mukha ay namamali ng gamit kaya tuloy marami sa mga pinoy ang mahiyain dahil sa iniiwasan nila ang masabihan ng MAKAPAL ANG MUKHA na kung saan ang natatagong ibigsabhin ng salitang ito ay MALAKAS o MATAPANG ANG LOOB.

3 Responses to Ang Maling interpretasyon sa mga taong MAKAPAL ANG MUKHA

  1. jason ay nagsabing:

    ang ito ay MALAKAS o MATAPANG ANG LOOB.

    tama to.. lagi yang sinasabi sa kin
    kapag kinakanta ko ang i dont want to miss a thing na gayang-gaya si Aerosmith.
    at yung Open Arms na mala-Arnel Pineda..
    SAbi sakin:”Kapal ng mukha nito o dinig sa kapitbahay boses”

  2. rockwitralph ay nagsabing:

    😀 yap! exacto yang sinasabi mo. sabi nga nila

    Freedom lies on being bold.

  3. tagamasid ay nagsabing:

    Hahaha ok ito, laging may nagsasabi sa akin niyan, adik daw ako haha.

    Wala naman talaga makakapagsabi kung ano ang kahihinatnan natin, nakakaasar lang talaga yung mga tao na yun na agad kang huhusgahan.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: