NIKON OR CANON

Sa pinas marami ang nahuhumaling sa Photography at sa ganitong libangan karaniwang tanung ng mga tao, lalo na ng mga baguhan, kung anung TATAK ng KAMERA ang MAGANDA?

Sa Pilipinas dalawang TATAK ng KAMERA ang nangingibabaw at ito ay CANON at NIKON, kaya naman ang tanung ng bayan…

 sino ang dapat piliin?

Sino ang may mas magandang kuha ng litrato?

Sino mas praktikal na bilhin?

Sino mas maraming lenteng pwedeng gamitin?

Parang Alaska fans laban sa Ginebra fans, sino mananalo sa kampyonato?

KAPAMILYA o KAPUSO, Sino mas maraming manonood?

HONDA o MITSUBISHI, Sino mas matulin?

Walang katapusan ang debate dito at kadalasan nauuwi sa away at tampuhan ang ganitong diskusyon na hindi nasasagot ang katanungang

NIKON OR CANON?

Ano nga ba? Alin sa kanila ang dapat at mas MAGANDA?

Kung ako ang tatanungin ninyo ang aking sagot diyan ay isang VERY SAFE ANSWER at ito ay ang… DEPENDE

DEPENDE kung saan ka nakatira

DEPENDE kung gaano kadami pera mo

DEPENDE kung anung trip mo

DENPENDE, DEPENDE, DEPENDE….DEPENDE sa IYO!

  Sa totoo lang kasi wala naman dapat mamagitang kompitisyon sa dalawa bagaman silay may kanya-kanyang husay at kapintasan mayroon lang mga taong pilit pinagkukumpara ang direksyong KALIWA sa KANAN pareho silang DAAN o DIREKSYON at maaring mapuntahan mo ang nais mung puntahan alin man sa mga ito ang piliing tahaking direksyon (kaliwa o kanan) pero nasasaiyo parin kung ano ang GUSTO MO

GUSTO MO…

Inuulit ko yung GUSTO MO

Dito kasi nagkakaroon ng pagtatalo at pagkalito sa isyung NIKON OR CANON, akala ng iba yung gusto ng nakakarami ay ang TAMANG PILIIN lalo na kung ang paguusapan ay ang pagbili ng kasangkapan pero para sa aking sariling karanasan ang pagkunsulta sa PULSO NG MASA o ng NAKAKARAMI ay hindi pangunahing dapat isaalang-alang upang makapili kung ano ang maganda o dapat MONG piliin.

Di ba nga may kasabihang

Everybody is unique

Beauty is in the eye of the beholder

Hindi purke maganda sa iyo ay maaring maganda narin sa iba o di kaya pangit sa iyo ay pangit din sa iba DEPENDE yan sa tumitingin at ipilit mo man sa iyong kapwa na maganda ang iyong napili maaring itoy sumangayon nalang ngunit sa kanyang puso ay isang madiin na pagtangi.

Tulad nga ng naibahagi ko noon sa isang forum, kung ako tatanungin pagdating sa kulay at sharpness ng litrato masasabi ko na mas pipiliin ko ang Nikon samantalang kung sa availability ng accessories or practicality at nakatira ako sa pinas ay mahusay na CANON ang piliin mo.

Kung ang target mo ay budget at nasa pinas ka CANON kunin mo pero kung sharpness at tingkad ng kulay, ganda ng kuha para sa akin maganda NIKON.

Alamin mo kung ano mas importante sa iyo at kung baguhan ka palang sa photography at hindi pa nalalaman ang mga terminong Aparture, Low lights o ISO kahit ano sa TATAK na iyan ay walang problema na mabili mo.

Sasabihin ng iba kaya sila namumutakti ng tanung sa mga forum eh dahil gusto nilang makasigurado sa bibilhin at makaiwas sa GASTOS. Para lang sa akin bilang isa ring hobbyist ng ibat-ibang mga kinagigiliwan ng mga tao sa Pinas ang Hobby ay pinagandang termino ng BISYO or LEISURE kapag may Hobby or Enthusiast ka in other words may BISYO ka at ang isang BISYO ay isang GASTOS! Kung ayaw natin ng GASTOS wag tayong mag BISYO parte ng pagiging enthusiast, hobbyist or kahit artist ang gumastos at makapili ng hindi tamang desisyon dahil mula dito natutuklasan natin kung ano ba talaga ang ating GUSTO. Habang dumadami ang iyong natutuklasan mas nalalaman mo kung ano ang iyong totoong GUSTO at ito ay isang importanteng bagay na iyong malaman.

THERE IS NO SHORTCUT, SHORTCUT IS FOR PUSSIES!

Kung balak mong shu-morkut at basta nalang kunin ang opinyon ng mga maestro sa isang larangan baka maligaw ka BOY!

Iba-iba tayo ng gusto tulad nga ng sinabi ng kasabihan, iba-iba tayo ng paraan o paano tignan ang isang bagay. Maaring ang gusto ng isang maestro ay atin ding magustuhan pero paano kung hindi natin shor-katin at tahakin ang daan na tinahak ng mga maestro? maaring may mas MAGUSTUHAN tayo higit pa sa GUSTO ng isang kinikilala nating MAESTRO

Ngunit inuulit ko hindi purke maganda sa iyo ay maganda sa lahat o kung pangit sa iyo ay pangit narin sa lahat, pagdating sa ART kung ako tatanungin LAHAT MAGANDA at WALANG KUMPITISYON.

Ang tanung

ANO ANG HINAHANAP MO?

ANO ANG STANDARDS MO?

ANO ANG GUSTO MO?

MO

MO

Hindi NILA

Sa mga DSLR Owners: Huwag mabalisa sa Shutter life span ng camera ninyo.

6 Responses to NIKON OR CANON

  1. jason ay nagsabing:

    para kay jasonhamster,
    ang Nikon, para sa professionals, yung mga camera namay manual zoom na iniikot ikot at yung kadalasang gamit ng photo journalists/press people.
    ang canon, para sa tripping, private use, pampamilya, pang outing, pedeng handheld camera, user friendly.

    ewan. basta ako canon kasi canon powershot yung sakin eh

  2. blurosebluguy ay nagsabing:

    depende sa taste mo….yun lang…salamat naman at nakadaan ako dito…makabili nga ng new kodak..hehehehhee

  3. Jim ay nagsabing:

    Depende sa gamit, I was told na kung mag-uumpisa ka pa lang, might as well settle for Nikon (they are comparatively cheaper compared to their counterpart Canon models), siyempre yung mababang model. I settled for Nikon D40X. Either Nikon or Canon are extensively used by both professional and hobbyist (with due respect sa comment ni Jason😀 ) so ang bottom line siguro ay ang budget at ang gamit (or purpose mo). Ang Nikon ay may camera na puwede rin mag-shoot ng HD video pero ang Canon maganda naman ang CMOS niya.

    Para mas lalo ka ma-guide sa pag-kumpara ng mga camera, visit mo DPreview para mas masusi mo malaman kung ano dapat mo bilihin… http://www.dpreview.com/

  4. rockwitralph ay nagsabing:

    YUP!

    Be clear

    Know the “WHY”

    and remember “PURPOSE IS GREATER THAN OBJECT”

  5. uodnajacob ay nagsabing:

    para sa akin Nikon , maganda ang kulay , pero syempre nasa gumagamit din yan ,kahit ano pa kamera gamit mo pag-aralan lang ang pag gamit ng mabuti, tiyak na may positibo resulta , me mga pangit na kuha sa simula pero sigurado gaganda din yan paglipas ng mga pagaaral.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: