Magtrabaho sa Abroad o Magtrabaho sa Pinas?

 

Ang artikulong ito ay aking inaalay sa mga kababayan kung Pilipino na nagtatanung at nagiisip kung saan ba mas MAGANDANG magtrabaho.

Sa Pinas ba? o sa ibang bansa?

Naniniwala ako na matagal ng itinatanung ng ating mga kababayan ito at marami narin akong nabasang diskusyon sa mga internet forums. Ngunit ang tanung na ito ay nagsisilbi paring KATANUNGAN sa nakakarami.

Saan nga ba mas magandang magtrabaho? Abroad or Pinas?

Sa totoo lang walang tama o mali sa dalawang ito.

May magagandang trabaho sa Pinas at ganun din sa Abroad.

Siguro ang mas magandang itanung natin sa ating sarili ay

ANO BA ANG DEFINITION NATIN SA MAGANDANG TRABAHO?

Alam nyo po kasi iba-iba ang diskipsyon ng mga tao sa mga bagay-bagay, kung kayat ang pagbabase ng ating desisyon sa sinasang-ayunan ng nakakarami ay hindi epektibong paraan para sa akin. Walang masama kung titignan natin ang pulso ng masa, ngunit ang pagpili ng isang desisyon lalo nat sa pangsarili o para sa mga mahal mo sa buhay ay kinakailangan dito ang iyong buong responsibilidad upang alamin ang mga dapat malaman at sa huli ikaw ang magdedesisyon kung ano ang iyong pipiliin. Ikaw ang magdedesisyon at hindi ang masa.

Karamihan ng tao ang pangunahing definition nila sa MAGANDANG trabaho ay may malaking SWELDO. May mga tao naman na ang definition sa MAGANDANG trabaho ay may mabuting amo (or boss) at nasa kaaya-ayang lugar na pinagtratrabahuhan (di-aircon at libre ang kape at tsaa). May mga tao namang sa KALAYAAN niya sa pinagtratrabahuhan ang tinitignang basehan kung ano ang MAGANDANG trabaho (halimbawa walang time frame ang schedule kaya hindi uso ang late-late or absent.).

Kanya-kanyang definition, ika nga eh…

Beauty is in the Eye of the Beholder… kanya-kanya lang ng kursunada yan.

Kaya ang dapat tanunging ng isang Pilipino sa kanyang sarili ay…

Meroon ka nabang nabubuong ideya sa iyong isipan kung ano ang Magandang Hanap buhay?

Kasi kung wala pa totoong maguguluhan ka kung ano sa dalawang ito ang pamimilian mo.

Kung meron mang taong makakapagsabi sa iyo kung saan at alin ang iyong dapat piliin ay walang iba kundi ikaw. Ang iyong sarili. Sa buhay natin ay magdedesiyon talaga tayo para sa ating sarili at ano man ang maging resulta ng iyong desisyon ay wala ka dapat sisihin sino man, bagamat imbis na maghanap ng sisisihin ay hanapin mo kung ano ba ang dapat mong matutunan sa resultang iyong nabuo.

Hindi lahat ng nagaaborad ay nagiging masaya, hindi rin lahat ng nananatili sa Pilipinas ay nagiging masaya at naniniwala ako ang mga taong ito’y hindi alam kung ano ang makakapagpasaya sa kanila. Hindi isang garantiya ang pag-aabroad sa isang masaya o magandang buhay.

Hindi ibig sabihin kapag nakasakay ka sa isang sasakyan ay makakarating ka na sa kahit na anung lugar na gusto mong puntahan. Bawat sasakyan ay may kanya-kanyang limitasyon at importanteng malaman mo kung sang lugar ba ang nais mong marating upang magmula ditto iyong malaman kung anong behikulo ang dapat mong sakyan kung pang-lupa, pang-dagat o pang-hipapawid.

Walang pinagkaiba ang pagtratrabaho sa abroad o pananatili sa pinas ang iyong pinagpipilian. Hindi purket nakakapag-abroad ka ay yayaman ka na, tandaan natin na ang pagiging mayaman ay hindi purket nakabili ka na ng kotse at sariling bahay/lupa kundi ang pagiging mayaman ay napupunan mo ang iyong ideyal na pamumuhay na hindi mo na kinakailangan magbanat ng buto para kumita ng salapi at ipangtustos sa iyong mga pangangailangan bagamat ang iyong salapi na mismo ang nagtratrabaho para sa iyo. Hindi rin garantisado na ang pananatili sa iyong sariling bansa ay makakatiyak ng iyong maalwan na pamumuhay. Walang ibang taong makakapagsabi kung ano ba talaga ang magiging buhay mo bukas o sa mga susunod pang mga panahon. Ikaw lang ang makakasagot ng tanung na ito kung tutuusin. Mainam ang pag-aaral sa mga naging karanasan ng ibang tao ngunit hindi dapat natin limitahan ang mga posibleng mangyari kahit pa itoy taliwas sa ating inaasahan.

Aking napagtanto na ang tunay na gustong malaman ng mga taong nagtatanung kung sa abroad o sa Pinas ba dapat maghanap-buhay ay hindi talaga trabaho ang kanilang hinahanap kundi direksyon sa buhay. Ang nakikita kung tunay na katanungan sa tanung na ito (kung san magandang magtrabaho abroad o Pinas) ay

ANO BA ANG MAGPAPASAYA SA AKIN?

SAAN BA AKO LILIGAYA?

ANO BA ANG DAAN TUNGO SA TAGUMPAY?

At uulitin ko ang masasabi ko dito ay ikaw lamang sa sarili mo ang makakasagot ng mga tanung na iyan. Kaya hinihikayat kitang magmuni-muni at magbulay-bulay sa mga nakaraan at matihiin mo na gustong marating sa iyong buhay.

At kung nabuo mo na ang ideya mo kung ano ang magandang hanap buhay ay magmula dito madali mo ng masasagot ang tanung kung saan ba mas mainam magtrabaho kung sa abroad o sa pinas.

Ang babala ko lamang sa iyo ay paniguradong may mga taong hindi papabor sa iyong desisyon at ito naman ay bahagi na ng buhay. Hindi mo mapapagbigayan lahat, ngunit dapat mong panguanahing pagbigyan ang iyong sarili maging saan mang aspeto, keh sa pagmamahal, pagaaruga o sa pagpapaligaya dahil sabi nga ng paborito kung manunulat na si Wayne Dyer

”You cannot give away what you dont have”

 

Namaste

Rocky

2 Responses to Magtrabaho sa Abroad o Magtrabaho sa Pinas?

  1. aLps ay nagsabing:

    Feel ko it’s a play of your personal values eh. If you prioritize family togetherness, then you can stay here sa Pinas. Or if you value your family’s future mo, then you’ll go abroad to seek better resources. Sa panahon ngayon, almost all choose the latter. And I understand them. Sana dumating ang araw na self-sufficient na ang Pinas when it comes to jobs.

  2. rockwitralph ay nagsabing:

    Yup! I agree its PERSONAL values. Kaya kung magdedesisyon tayo sa buhay mas maiging alamin natin kung ano ba talaga ang ating kagustuhan o bina-value sa buhay.

    thanks for reading
    Rock

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: