1 year na ang RAKITO’S MILL

Nakakahiyang sabihin pero noong Agosto 21, 2009 pa nag one year ang Rakito’s Mill or Rockyrivera.wordpress.com.

Una sa lahat ay maraming salamat sa mga masugid kung mambabasa ng aking mga artikulo, sa totoo lang po ay wala talaga akong layuning sumikat sa cyber world, ang aking pangunahing layunin ay makatulong sa aking kapwa, makapagbigay ng epektibong ideya kung paano harapin ang pagsubok sa buhay at kung papaano abutin ang mga pangarap at ienjoy ito.

Sana po ay nakatulong kahit papaano ang blogsite na ito, lalo na sa mga taong kung minsan ay walang mapagsabihan kaagad ng problema o mahingan ng payo tulad ng mga nabuntis ng wala sa panahon o plano, naway ang artikulong

“Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis” 

ay makatulong sa inyo upang piliin ang mabuting solusyon. Bagaman may kahabaan ang artikulo, ito naman po ay siguradong nagmula sa aking puso at sa isang tunay na karanasan.

Mapalad po ako at ang mga naisusulat kung artikulo ay mabenta. Kung minsan ay nilalangaw pero madalas naman pong may bumibisita. Ito nga po pala ang mga artikulo na madalas binibisita ng mga internet surfers. 

  • Maagang-Pagaasawa (mabenta)
  • Ano ang matibay na batayan sa pagpili ng KURSO sa KOLEHIYO (mabenta)
  • Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang pagbubuntis (mabenta)
  • Paano tumagal ang realsyon ng pitong taon, bilang magkasintahan. (mabenta paminsan-minsan)
  • Dapat bang kainggitan ang mga babaero (minsan bumenta)
  • Meron nga ba talagang TUNAY NA KAIBIGAN (minsan bumenta)
  • EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN (mabenta)
  • HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SA IYO (minsan bumenta)
  • God will work WITH YOU, NOT FOR YOU (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Knowledge is not Power (mabenta at marami ang nagtaas ng kilay)
  • Death (mabenta)
  • Choose to be KIND rather than being Right(mabenta)
  • NIKON OR CANON(mabenta)

Ilan lamang ang mga ito sa mga masasabi kung bumenta sa aking mga isinulat. Dati rati masaya na ako kung may limang bumibisita sa aking blogsite hangang sa naging sampu-sampu, bente-bente at hangang sa umabot ng 160 ang bumisita dito.

Take note hindi po ako nagpapa-advertise o gumagawa ng kung anu-anong gimmick para makabiktima ng mga mag-cliclick at mapunta sa blogsite ko. Siguro ang pinaka invitation ko ay mag post ng links sa limang site na madalas kung bisitahin pero paminsan-minsan lang ito dahil mayroon atang forum rules na ipinagbabawal ang mag-post ng links.

Hindi ko ito ipinagyayabang kundi aking ipinagpapasalamat dahil sa milyon-milyong blogs ay may mga tao akong naabot upang ibahagi ang aking artikulong naglalayon na makapag-bahagi ng aking karanasan na pinalolooban ng mga ideya na maaring makatulong.

Minsan pa nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong sumosoporta at tumatangkilik sa akin. Nawa po sana ay maipagpatuloy ko pa ang aking layunin.

Tandaan po ninyo na nagawa ito ng Rakito’s Mill hindi dahil lamang sa aking pansariling abilidad kundi ito rin po ay dahil sa inyo at sa Dios Ama na makapangyarihan sa lahat.

Ang inyo pong pagbisita at pagbibigay ng kumento (negatibo man o positibo) ang nagbibigay sa akin ng lakas, enthusiasm, kaligayahan at inspirasyon upang makapagsulat pa ng mga artkulong makakatulong sa ating kapwa.

Uulitin ko po MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT

GOD BLESS US ALL

Namaste,

Rocky

2 Responses to 1 year na ang RAKITO’S MILL

  1. hitokirihoshi ay nagsabing:

    Happy anniversary sa Rakito! more power! mabuhay sa may makabuluhang adhikain sa pagba-blog

  2. rockwitralph ay nagsabing:

    hitokirihoshi,

    Salamat ng marami sa iyong pagbati, pag-dalaw at higit sa lahat sa iyong pag-pansin sa aking layunin dito sa munit kung blogsite. Mabuhay ka at Mabuhay tayong lahat.

    Rock

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: