MALAPIT BA SA KAMATAYAN ANG TAONG MATABA?

Kung pag-iwas kay KAMATAYAN ang iyong pinupublema, hindi si TABA ang dapat mong pagbuntunan ng galit. Alam naman natin na walang nakakatiyak kung hangang kelan nga ba talaga tayo mabubuhay, kahit gaano ka kalusog, kapayat o kamacho hindi ito garantiya na ikaw ay mabubuhay ng mahaba o MAMAMATAY kaagad.

Kadalasan nating naiisip kapag naririnig ang salitang MATABA ay kaagad nating idinudugtong ang mga negatibong salita katulad nalang ng madaling MAMATAY dahil lapitin daw sa sari-saring sakit. Ibig bang sabihin nito kapag payat ang isang tao ay hindi na lapitin ng sakit? Hindi ba kung minsan mas pinagdududahan natin na sakitin ang isang tao kapag payat o sobra na talaga ang kapayatan?

Payatot, MATABA o macho ka man walang makakapagsabi sa atin kung kailan lalapit sa atin si KAMATAYAN.

May mga taong hindi mo akalaing mamamatay ng biglaan, kahit sa kabila ng kanyang pagiging metikuloso, maingat at maalaga sa katawan pero gayun pa man hindi ito nakatulong para dugtungan pa ang kanyang sandali dito sa mundong ibabaw.

Hindi ko ibig ipabatid na tigilan na natin ang pageehersisyo, pagiging maingat sa pagkain ng baboy o ugaliin ang pagkain ng gulay dahil WALA NAMAN ITONG KWENTA, huwag nyo po sanang isipin na ganito ang aking panawangan dahil ang nais ko lamang ipabatid ay…

… bahagi ng anumang BUHAY o PROCESO ang huling HANTUNGAN.

One Response to MALAPIT BA SA KAMATAYAN ANG TAONG MATABA?

  1. taroogs ay nagsabing:

    bilang isang mataba, agree ako sa sinabi mo, kapatid. hindi dapat “kamatayan” agad ang i-konek sa pagiging mataba. napaka-negatib kasi. pwede namang “mahilig magpatawa” o “madaling kakwentuhan”, di ba?

    basta ang alam ko, mataba ka man o payatot, mayaman o mahirap, babae, lalaki, lesbyana o bakla… pag mali ang birit mo sa “my way” ni frank sinatra… tiyak bubulagta ka!🙂

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: