SIMPLENG PARAAN Paano paghandaan ang KAMATAYAN

May mga taong nagpapa-reserve ng kabaong, pinaayos na sa kanilang abugado ang last will testament o naghahabilin na sa mga taong mahal sa buhay. Itoy mga karaniwang ginagawa ng mga malapit ng pumanaw, pero natanung mo na ba sa sarili mo kung papaano ba PAGHANDAAN ang kamatayan bukod sa pagtatabi ng salapi para sa iyong burol at pag-papaayos ng Last Will Testament?

Ako natanung ko na.

Ito ang aking mga naisip na dapat kung magawa kapag ako’y papanaw na (kung sakali)

Magpatawad/ Makahingi ng kapatawaran

            Hindi ko pa alam kung papaano pero nais kung ipaalam sa lahat o kung hindi ko man magawang lahat ay halos lahat sana ng mga taong natatandaan kung nakagawa sa akin ng hindi maganda ay maipaalam ko sa kanilang PINAPATAWAD ko na sila sa kanilang mga KASALANAN sa akin. Doon naman sa mga taong natatandaan kung nagawan ko ng hindi maganda ay magawa ko na masabi sa kanila ang buong puso kung pag-SOSORRY.

Makatulong

            Living is giving ika nga ni Anthony Robbins, wala pa akong malinaw na ideya kung papaano ko gagawin ito pero ang aking natitiyak ay gusto kung maranasan ang makapagtayo ng isang Foundation para sa mga taong nangagnailangan ng pagkalinga, tulad ng iba ay masasabi kung matulungin din ako sa aking kapwa ngunit meron akong gustong maranasan na pakiramadam na mas impactfull pa sa nararanasan ko noon.

Magawa ang mga nasa Dream list

            Lahat tayo may mga kanya-kanyang dream list at yun ang mga gusto kung magawa o makuha bago ako mamaalam sa mundong ito.

Pero natanung ko din sa sarili ko bakit kelangan ko pang malaman na malapit na akong mamatay bago ko tutukan ang mga bagay na ito? Binulay-bulay ko ang aking sarili at nagkumpara-kumpara sa mga ibat-ibang point of view ng buhay at parang naaaninagan ko na ang mga paghahanda na isinulat ko sa itaas ay hindi lang natin dapat gawin dahil malapit na tayong mamatay kundi upang tunay nating matamasa ang sarap ng buhay.

Iniimagine ko ano ang buhay ko kapag wala ka ng kinapopootan at pakiramdam mo ay nagawa ka ng mapatawad ng mga taong naperwisyo mo noon o kung di ka man nila mapatawad ay magawa mo man lang na ipaaabot ang iyong buong pusong pag-soSORRY?

Nakikita ko ang aking sarili na parang napaka-gaan mabuhay sa sitwasyon na iyon diba?

Isa pa sa aking pilit na tinitignan sa aking imahinasyon kung ano ang pakiramdam ng maraming natulungan? Maraming nagmamahal sa iyo at marami ka rin na minamahal, parang sa aking pakiramdam ay mararamdaman ko ang nararamdaman ni Mahatma Gandhi o nga mga taong tinuturing na Saint.

Tungkol naman sa Dream list ko eh matagal ko ng master kung ano ang magiging pakiramdam kapag nakukuha at nararating ko na ang mga gusto ko syempre naka-ngiti, ang kailangan ko na lang ay yung mag-materialize ang aking mga nasa-isip.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: