Bakit ako sumusulat ng tungkol sa mga MATATABA?

Naniniwala ako na hindi lahat ng taong matataba ay gustong pumayat. Naniniwala rin ako na may mga taong kumportable na sa pagiging mataba. Pero napansin ko na para bang napre-PRESSURE ang mga kababayan nating bigatin sa timbang dahil pakiramdam nila ay hindi sila tangap ng ating lipunan.

Lipunan na naprogram ng media ang isipan upang kamuhian ang ganitong anyo at ituring na isang BANAL na katawan ang tulad kay Calvin Klein.

Hindi ko isinusulong ang Pugad Baboy movement ang isinusulong ko rito ay KALAYAAN! Hayaan natin ang mga gustong pumayat na pumayat at tumaba ang mga taong masaya sa pagiging mataba. Ibigay natin sa kanila ang karapatang ginagamit rin ng iba.

Alam kung mahirap pero kaya natin na ituring ang bawat isang pantay-pantay ang pagturing.

Napapansin ko na may bagong diskriminasyon ngayong nabubuo o nabuo na sa lipunan at itoy hindi patungkol sa kulay kung itim, puti o kayumangi ka, hindi rin ito patungkol sa estado ng buhay kung mayaman, katamtaman o mahirap ka kundi ang aking sinasabi ay patungkol sa “laki o hugis ng tao”

Para sa mga bigatin na masaya nanaman sa kanilang kalagayan at malayo sa karamdaman hindi ko kayo hinihimok na magpalaki pang lalo o di kaya ay pinipigilang mag-papayat ang akin lamang ay siguraduhin nating ginagawa natin ang isang bagay dahil itoy nakabatay sa ating totoong kagustuhan na nagmumula sa ating puso o konsensya at hindi nakabatay sa panlabas na mga kumento mula sa madla o media.

Pakingan mo ang iyong sarili ang iyong totoong sarili…

 

Ang iyong karamay

Rakito

One Response to Bakit ako sumusulat ng tungkol sa mga MATATABA?

  1. Aling Baby ay nagsabing:

    korek!
    kakapanood ‘to ng tv eh at unti-unti nang nalalason ang mga kaisipan na pag payat – – maganda. kaya yon, naniniwala na tuloy ang lahat sa ganun.
    haayys.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: