Pagkatapos Ng 2010 Eleksyon Huwag Ninyong Kalimutang “TAYO PA RIN!”

            Malapit na nga ang Eleksyon sa Pilipinas at ito ngang darating na taong 2010 ay magaganap ang isa sa tinuturing nating pinaka-importante at puno ng sari-saring emosyong halalan. Marami nanaman ang mangangampanya, marami nanamang mga paguusapan at pagkukumpa-kumparahing mga kandidato, mayroong mga mag-papagalingan, magtatalo-talo at kung minsan pa nga ay may nagkakasakitan pa dahil sa mainit na balitak-takan at huwag naman sanang humantong pa uli sa ganitong pangyayari.

Sa pagtatapos ng eleksyong ito ay nais ko pong ipaalala sa inyo na sino man ang manalo bilang Senador o Pangulo HUWAG po nating kakalimutan na TAYO PARIN…

TAYO PARIN po ang RESPONSABLE sa ating pag-asenso sa buhay…

TAYO PARIN ang may RESPONSABLE sa pagbibigay ng seguridad sa ating sarili at mga mahal sa buhay…

TAYO PARIN ang responsableng alagaan ang ating kalusugan at kalusugan ng ating pamilya…

HUWAG po nating KAKALIMUTAN NA TAYO PARIN po ang may RESPONSIBILIDAD sa ating BUHAY. Wala po sino man sa mga kumakandidato ngayong Presidente o Bise Presidente ang mag-aahon sa atin sa hirap, kung meron pong unang taong magmamalasakit sa atin walang iba kundi TAYO o ang ating SARILI muna.

Kung ang usong tag line ngayon na AKO MISMO ANG SIMULA para sa malinis o makatarungang eleksyon ay gayun din ang dapat nating maging tag-line sa ating sariling pamumuhay na AKO MISMO o IKAW MISMO ang gagawa ng mga bagay na dapat mong gawin upang makamit ang nais mong makamtan.

Kung gaano mo kalakas isigaw ang pangalan ng iyong dinadalang kandidato, kung gaano mo buong tapang na ipinaglalaban ang kanyang mga adhikain at kung gaano mo siya minamahal ay mas lalong higit pa dito ang dapat mong gawin para sa iyong SARILI, para sa iyong mga pangarap at para sa mga mahal mo sa buhay.

Ako po si Rocky Rivera na nagsasabing sa pagtatapos ng 2010 Eleksyon ay …

TAYO PARIN!!!

Mabuhay po ang sambayanang Pilipino

Rakito’s Mill

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: