MGA KATANUNGAN SA PAGHAHANAP NG MAPAPANGASAWA

Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang katanungan na ito, hanagang ngayong may asawa at anak na ako ay naririnig ko parin na may mga taong nagtatanung kung PAPAANO MAGKAROON NG MABUTING ASAWA? Bagaman iba-iba sila ng ginagamit na salita o paraan ng pagsasabi ay sigurado ako sa aking pakiramdam na ito ang tanung na gusto nilang tumbukin. Tanung pa nila ay

saan ba siya makikita?(ang mabuting mapapangasawa)

Ano ang mga sinyales na siya na nga ang dapat mong pakasalan?

Hinihintay ba ito o dapat hanapin?(ang mabuting asawa)

Ano ba ang mga katangian ng MABUTING ASAWA?

Para sa akin ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabuting asawa ay Responsable.

Ngayon sabihin na natin na may malinaw ka ng ideya kung ano ang mga katangiang hinahanap mo sa isang babae marahil ang kasunod mong tanung ay SAAN sila mahahanap?

Sa diskuhan, mall, opisina, school library or concert? Lahat ng iyan ay posibleng maging kasagutan pero hindi ibig sabihin nito dapat ay tumambay ka sa naturang lugar na parang isang mangangasong sisilo ng mapapangasawa. Naniniwala ako dun sa tinatawag na “power of the mind” na kung saan sabi nga nila na “You attract what you think” kahit na hindi ka maglalalagi sa mga pampublikong lugar ngunit ang isipan mo naman ay laging nagsasabing “makikita mo ang iyong dream girl” sa araw na iyon ay hindi malayong kahit sa terminal ng Jeep ay mag-krus ang inyong landas.

Tungkul naman sa katanungan na HINIHINTAY ba ito o HINAHANAP? Para sa akin depende iyan sa isang tao. Hindi naman tayo obligadong makapag-asawa kaagad sa partikular na edad ang importante para sa akin ay pinasok mo ang buhay may asawa dahil GUSTO na ninyo (iyong kasintahan) na mag-sama ng legal sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. May mga taong sawa na sa buhay single at may mga tao naman na gusto paring ieenjoy ito.

Hindi ko ipagtatatwa na talagang ako man ay nagdaan sa “trials and errors” bago ko makita ang tunay kung mahal, may mga break-ups at reconsiliation na nangyari at alam ko na maraming mga tao lalo na mga kabataan ang ayaw dumaan sa ganitong processo pero sa ayaw nyo man o hindi ay pagdadaanan ninyo ito. Kung ako ang tatanungin ay mas maaga nyo pag-daanan ay mas mainam pero hindi ko ibig sabihin na sadyain ninyong pasukin ang ganitong problema, kumbaga ang ibig kung sabihin ay “let it flow” lang kung pagdadaanan mo ito edi okay! Kung hindi naman ay okay din.

Para WIN WIN tayo.

Happy Hunting

Rak

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: