Puro ka na lang ba Hiling sa itaas?

Karaniwan sa ating mga Filipino tuwing papasok sa bahay sambahan o simbahan ang madalas nating isinasambit sa ating mga panalangin o dasal ay mga pag-HILING

“Diyos ko tulungan nyo po akong magkaroon ng trabaho”

“Lord God please BLESS nyo po kami sa araw-araw”

“Bro, Maghimala ka naman na makapasa ako sa examination”

Puro hiling, puro hinge puro pakabig, wala namang masama dito pero minsan ba ay inisip natin kung papaanung tayo naman ang magbibigay sa kanya?

Marahil sabihin mo na ano ang maibibigay mo na wala ang Diyos eh Diyos nga siya at nasa kanya na ang lahat. May punto ka diyan ngunit hindi nito ibig sabihin na MASAMA o tatangihan niya ang ano mang bagay na iyong ibigay sa kanya lalo na at itoy mula sa kabutihan at taos puso mong ipinagkakaloob.

Parang katulad sa isang magulang na may pagkakataong nawawaglit sa isipan ng ibang mga anak na pasalubungan ng regalo, kamustahin o yakapin dahil ang nasa isip nila ay…

“si Daddy or si Mommy nga ang nagbibigay sa akin ng pera na pang-gastos, edi ibig sabihin noon maibibili nila ng regalo ang kanilang sarili. Bakit ko pa sila ibibili?”

“Magkasama nga kami palagi ni Mommy sa bahay, eh bakit ko pa siya kakamustahin?”

“Yakapin? Hindi ba baduy yun? Eh alam na naman nilang mahal ko sila eh”

Ang mga kaisipan na ito ay may punto pero alam ko na alam ninyong parang may mali sa kaisipang ito. Gayun din ang nangyayari sa karamihan nating mga kababayan, akala nila purke Diyos ang Diyos ay hindi na niya TATANGAPIN at ikalulugod ang ating pagkamusta, pagbibigay at pagpapadama ng ating pagmamahal.

Sana subukan nating magawang sabihin at gawin ang ganito…

“Lord God sa araw po na ito ay hayaan nyo po akong tulungan ko kayo na lingapin ang mga nangangailangan”

“Bro.ang blog na isinusulat ko ngayon ay inaalay ko sa iyo at sa buong sangkatauhan ”

“Panginoong Diyos kaya po ako dumadalangin sa iyo ngayon dahil gusto ko po sabihin sa iyo na salamat ng maraming-marami sa lahat ng iyong kabutihan na ibinigay sa akin at higit sa lahat gusto ko pong malaman ninyo na Mahal na mahal ko po kayo”

Amen

PS: Kaugnay na Artikulo

Pagsunod sa Diyos: Dahil Mahal natin siyao may inaasahan kang kapalit?

GOD WILL WORK “WITH” YOU NOT FOR YOU

1 Responses to Puro ka na lang ba Hiling sa itaas?

Mag-iwan ng puna

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.