HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO

Kung inaakala mo purke nakatapos ka na ng kolehiyo at mayroong matataas na grado ay madali mo ng mararating ang tuktok ng tagumpay sa pagiging empleyado ay sasabihin ko sa iyong mag-isip-isip ka…

Sasabihin ko sa iyo na marami akong nasaksihang mga taong nakaupo sa matataas na posisyon kahit sa kabila na hindi sila kwalipikado(qualified) sa trabaho, ibig sabihin ay kung sino pa ang hindi expiriyensado, walang alam sa trabaho at napaka kwestyonable(questionable) kung nakatapos nga sa pagaaral ay siya pa ang nasa posisyon. (kung minsan pa nga ay mayroong MASAMANG paguugali ang mga ito)

At kung sino pa yung well experience, may kaalaman at may matibay na ibidensyang nakapagtapos sa pag-aaral ay siya pa yung napapako sa posisyon.

Ngayon maaring sabihin mo na NO WAY! Or HINDI NGA? PAANO NANGYARI IYON?

Nakakapagtaka ano? Pero totoong nangyayari ito sa mga kumpanya malaki man o maliit.

Tulad nga ng nasasaad sa pamagat ng artikulong ito na HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO ay

SIYANG TUNAY!

Kahit na mag-masteral or doctoral ka pa ngunit hindi mo natututunan ang isang “bagay” na pinakaimportanteng malaman ng isang empleyado ay masasabi kung marami ka pa talagang kakaining bigas bata.

Ngayon magtatanung ka na, Ano po ba yung “BAGAY” na iyon na dapat kung matutuhan?

Yan ay walang iba kundi ang POLITIKA…

Maaring narinig mo na ito noon pa at tiyak din ako na maaring may mga taong nagsasabi na may mga kumpanya paring wala daw politika, Well ang masasabi ko lang sa kanila ay SANA NGA MERON and I wonder what Company they are working.

Pero sa sarili kung karanasan ang matutunan kung ano at paano ang PAMUMULITIKA ay isang pangunahing pangangailangan ng isang empleyado upang siya ay manatiling  BUHAY at may PAG-ASANG UMASENSO o MA-PROMOTE sa kanyang tinatrabahuhang kumpanya.

Maaring tanungin mo kung bakit hindi sapat ang pagtatapos sa kolehiyo upang magtagumpay sa trabaho?

Ang mga natutunan natin sa eskwelahan ay mga BASIC KNOWLEDGE lamang, irregardless kung anung eskwelahan ka pa nagtapos (EXCLUSIVE School O HINDI) dahil iba parin ang nagaganap sa REAL WORLD kapag iyong pinagkumpara. Ang buhay sa CORPORATE WORLD ay puno ng KUMPITENSYA at sa palagay nyo ba kapag makikipag-KUMPITENSYA ka ay sapat na ang BASIC KNOWLEDGE or BASIC STRATEGY?

Alam naman natin na hindi ito sapat kundi manapa kailangan natin ng ADVANCE KNOWLEDGE, ADVANCE STRATEGY at hangat maari dapat hindi pa nalalaman ng iyong mga kakumpitensya ay ALAM MO NA, ganoong ka dapat KA-ADVANCE at ang ang advancement na ito sa knowledge ang maghahatid sa iyo sa tugatog ng tagumpay.

Kaya sa pagkakataon na ito ang mga KNOWLEDGE na dapat mong malaman in ADVANCE as an student or newly graduate ay…

Anung uri ng relasyon mayroon ang AMO at TAUHAN sa kumpanya mong papasukan? Ang mga AMO ba dito eh medyo makatao o makasarili ng lubusan?

Ilang TRIBO nahahati ang kumpanyang papasukan mo? Lahat ng kumpanya nahahati sa mga tribo-tribo o barkadahan. Kanya-kanya ng interes at hilig ang mga ito. Ngayon kung papipiliin ka kung kaninong TRIBO ka sasapi, sino sa kanila ang pipiliin mo?

At syempre dapat mong malaman kung sino ang TATAY mo sa kumpanya mong papasukan, ibig kung sabihin dito ay kung sino ang AMO mo? Dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya upang siya ay mapaligaya dahil ano man ang gawin natin bilang isang empleyado ay nasa kamay niya ang ating pag-asenso.

So ayan ang mga ADVANCE KNOWLEDGE na dapat mong idag-dag sa iyong kurikulum bilang isang baguhang empleyado o baguhang College graduate. (current college student pwede rin)

ALAMIN ang kumpanya, ang mga tao, ang iyong AMO at higit sa lahat pag-aralan kung papaano mapaghuhusay ang PAMUMULITIKA.

rak

PS.

Iminumungkahi ko rin na iyong basahin ang

EMPLEYADO ANG MODERNONG KATAWAGAN SA ALIPIN

Ano ang Matibay na Basehan sa pagpili ng Kurso sa Kolehiyo

HINDI BOSS MO ANG MAGPAPAYAMAN SAYO!

WAG NA NATING HINTAYIN MAGBAGO ANG KUMPANYA

6 Responses to HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO

  1. […] HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO […]

  2. […] HINDI SAPAT ANG PAGTATAPOS SA KOLEHIYO PARA MAGTAGUMPAY SA TRABAHO […]

  3. thank you sir.. I learn much for your advice…
    salamat ng marami

  4. rockwitralph ay nagsabing:

    Your welcome! Dont take this too seriously but also dont take it for granted…
    Have a great journey in life…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: