TIWALA NG KAPWA, WAG ISAWALANG BAHALA

Sa totoo lang hindi madaling makuha ang tiwala ng ibang tao at nakakapanghinayang isipin na kung minsan winawalang bahala natin ang tiwala ng ating kapwa sa atin.

Nakakalimutan natin na nagpapakahirap ang ibang tao na mag-aral sa mahabang panahon para lamang maging lisensyado sa isang profession at masabing MAPAGKAKATIWALAAN siya.

Dumadating sa ating buhay na pinagkatiwalaan tayo ng ating kapwa na hindi kini-kwestyon ang ating pinag-aralan o kung sino tayo sa lipunan.

Ang mapagkatiwalaan ka sa isang bagay o gawain ay isang KARANGALAN.

Nasasayang ang isang pagtitiwala ng tao sa iyo kung itoy iyong WINAWALANG BAHALA o di kaya naman ay hindi mo sinusuklian ng KATAPATAN.

Hindi lang isang malaking karangalan ang tiwala kundi malaking bagay ito sa ano mang uri ng pakikipagrelasyon sa iyong kapwa tao. Mapa Pamilya, Trabaho, Kaibigan o Iniirog kapag nawala ang tiwala ay napaparalisa ang kalahating katawan ng inyong samahan o kung minsan ito ang tuluyang pumuputol sa inyong ugnayan.

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: