CRISTO: Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?

    “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako?” Juan 20:27 eto ang sabi ni Cristo kay Tomas matapos siyang mabuhay mag-muli. Sa kabila ng pagpapakita ng ating Panginoong Jesus at ipapasok ang kamay ni Tomas sa kanyang tagiliran ay para bang hindi parin maniwala itong si Tomas na nabuhay nga muli ang Cristong namatay sa krus.

Marami sa atin ang tulad ni Tomas na kung minsan ay hirap MANIWALA kahit na nasa harapan na niya ang ibidensya.

Ang pagtitiwalang nais ni Cristong masumpungan sa atin ay hindi gaya nung pagtitiwalang ginagawa natin sa Buisness transaction na kung saan ay dapat muna nating hingian ng mga ibidensya ang isang tao bago natin lubusang pagkatiwalaan. Ika nga sa wikang ingles ay TO SEE IS TO BELIEVE!

Ibang usapan kapag transaksyong espirituwal. Lalo na sa panahon ngayon, walang Cristo na haharap sa iyo at magpapakita ng ibat-ibang uri ng milagro, ang tanging ibidensya na maipapakita sa iyo ay ang mga librong nagsasalaysay sa mga nangyari noong napakatagal na panahon at ito ay ang Bibliya.

“MANIWALA KA AT IBIBIGAY NIYA” ganito ang sistema sa espirituwal na transaksyon hindi yung “IBIGAY MO MUNA AT MANINIWALA AKO” dahil itoy transakyong pang-lupa.

YOU’LL SEE IT WHEN YOU BELIEVE

Sabi narin ni Cristo kay Tomas

“Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakikita” Juan 20:29

Bless you

Rocky Rivera

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: