PAANO MAGING GRAND WINNER SA PINOY BIG BROTHER?

Dati may isinulat akong artikulo na pinamagatang “Ang Buhay ng Filipino ay parang nasa loob ng Pinoy Big Brother House” ang article na ito ay bunga ng aking mga nagugunita habang nakikipanood ako ng PBB Double-up sa bahay ng aking mga kaibigan. Sa totoo lang hindi ako makapaniwala sa mga nakukuha kung aral at realization tuwing nakakapanood ako ng programang ito (wala kasi akong TV  kaya nakikipanood lang, remember?)

Masasabi kung sang-ayon ako ng 90% sa kanilang kine-claim na ang PBB ay Ang Totoong Teleserye ng buhay.

Ngayon marahil tanung ng mga aspiring STARS o ng mga nagbabalak pumasok sa bahay ni Kuya PAANO MAGING GRAND WINNER SA PINOY BIG BROTHER? Keh anung edition pa iyan.

Number one rule… SUMUNOD sa mga RULES sa bahay ni kuya, kaya ALAMIN ANG BATAS! Hindi pupwede yung sasabihin mo kay Big Bro na HINDI KO PO ALAM YUN AH! IGNORANCE IS NOT AN EXCUSE ika nga sa wikang ingles.

MAGPAKA TOTOO KA! Pero hindi rin naman lahat ng TOTOO eh nananalo kaya kailangan mong malaman anung klase ng tao ang mga madalas nanalo sa PBB.

TAWA, PAKIKISAMA at MARKA

TAWA

Kung mapapansin ninyo halos lahat ng mga Grand Winner ay may kakayahang magpatawa or humorous. Si Ruben at Melai na nga lang eh tignan palang natin ay natutuwa na tayo lalo na kung mag-patawa ang mga iyan. Kahit ilang beses siguro na ma-nominate ang mga taong ito ay malaki parin ang tsansang ma-save o i-save sila ng taong bayan. Kahit naman sa totoong buhay (o sa outside world) yung mga taong mahilig ngumiti o magpatawa (ng hindi below the belt) eh maraming dumadamay o tumutulong kapag sila ay nangagailangan, marami kasing kaibigan at maraming pwedeng malapitan at ang isa pang pansin ko sa outside world ang mga taong masiyahin ay very rare kung makitang namumublema o hindi ko nalang madistinguish kung publemado sila o hindi. Sa loob ng bahay ni Kuya ay ganun din naman, ilang linggo ( o buwan na yata) ang lumipas bago ma-nominate si Melai at kung i-nominate man siya ay hindi dahil sa ayaw sa kanya ng isang housemate kundi alam niyang kung siya(Si Melai) ang ivovote-out ay makaka-survive naman ito. Ang punto ko lang talaga as per my observation malaking factor ang pagiging komedyante (o pagkakaroon ng sense of humor) ng isang Housemate upang manalo as a GRAND WINNER.

PAKIKISAMA

Malaking puntos ang pakikisama dahil kahit gaano kang kabait sa outside world pero hindi mo naman napapakisamahan ang mga housemate mo eh wala rin. Kahit na sabihin mong relihiyoso ka o marami kang taong nasagip ang buhay sa labas ng bahay ni kuya pero HATE ka naman ng mga kasambahay mo eh wala kang magagawa kung gustuhin nilang itsugi ka.

MARKA

Syempre kung titignan mo naman lahat ng Grand Winners may kanya-kanya silang mga MARKA. Si Kim ay maala Tsinay, Si Keana parang Booba, Si Melai Kalog princess at talgang lahat sila may kanya-kanyang identity o marka na walang katulad kumbaga sa ingles eh unique. Ang tanung alam mo na ba ang MARKA mo? Totoo bang ito ka at kayang panindigan?

Sa huli masasabi ko na malaking bagay yung MABUTI at MALINAW na LAYUNIN ng isang housemate kung bakit siya nasa bahay ni kuya. Hindi sapat yung reason na “FOR FUN” pwede pa siguro yung “GUSTONG MA-EXPIRIENCE” pero for fun ewan ko lang kung hangang kelan ka tatagal dun. Yung mga nanalo eh talagang masasabi ko na malalim at talagang matindi ang pangangailangan kaya naman ito yung nagtulak sa kanila para gawin lahat ng makakaya upang mag-wagi.

Ganun din naman kasi sa totoong buhay. Yoong may mga mabuti at malinaw na layunin yung madalas na nakukuha yung gusto nila lalo na yung mga gipit, desperado o talgang nangagnailangan. So ayan na, sa palagay ko eh kung mapagsusunod-sunod mo yung TAWA, PAKIKISAMA AT MARKA eh may edge ka ng manalo.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: