Sa mga DSLR Owners: Huwag MABALISA sa Shutter Life ng Kamera nyo

Noong nakaraang taon lang ay biglang bumulusok ang mga nahihilig sa PHOTOGRAPHY. Siguro impluwensya narin ito ni Francis Magalona na isa rin namang enthusiast sa larangang ito.

Yung dating mga kamerang nagmamahalan at halos kakaunti lang ang pumapansin ay biglang nagkakaubusan sa Hidalgo. Pati nga dito sa Saudi yung Jarir Bookstore na puro computer at laptap ang karaniwang itinitinda ay nagbebenta narin ng mga Nikon camera.

Kaakibat nito ay biglang may lumabas na usapan tungkol sa Shutter life span ng camera. Na kung saan parang sinasabi na kapag napindot mo ng 50,000 beses ang iyong camera (especially if your using Nikon D80) ay itoy automatic na masisira at kinakailangan mo ng ipagawa at ang magagastos sa pagpapagawa ay may kamahalan, when I say may kamahalan I mean approximately more or less Php12,000 ang magagastos mo (again this is if your using Nikon D80).

Marami ang nawindang, NATAKOT! At NABABALISA! Sa balitang ito…

Kaya naman ang ibang mga owners ng DSLR camera ay parang nagtitipid pindutin ang kanilang mga camera. Imbis na ang ipagmalaki yung ganda ng litratong kinunan nila ay yung kaunting shutter clicks ang ibinibida ng mga ito (so funny)

Para sa mga newbies na may-ari ng DSLR camera ay huwag po kayong MABAHALA o MABALISA.

Bakit?

Una sa lahat kung ako po ang tatanungin ninyo ay ang usapang Shutter Life expectancy ay isa sa mga tinatawag kung “Fear Marketing” para nga naman yung mga owners ng camera ay ma-enganyong magpalit at magpalit ng camera. Wala iyang iniwan sa kotse na kung saan ang sabi noon ng mga distributors ay dapat daw kada tatlong taon ay pinapalitan ito ng “brand new” pero sorry sila dahil walang kumakagat sa “Fear Marketing” nila na ito. Ganun din yung sinabi nila noon sa TV meron daw life expectancy ang TV dahil approximately mga 8,295,000,000 (hula lang ang number) times daw na patay-sindi ay bigla nalang daw itong masisira. Ganun din ang processor ng personal comuter noon sabi ay good for three to four years lang ay automatic na daw itong masisira kaya dapat ng palitan.

Well here is the fact.

Kahit anung bagay ay nasisisra, lahat ng modelo ay tumatanda. Parang tao yan walang taong hindi mamamatay lahat tayo subjected dyan, lahat tayo tumatanda, ayon sa survey ngayon ang pinaka matandang edad na mararating ng tao ay mga 90 at mabilis yung 60 years old pero ganoon pa man ay may mga taong umaabot ng lagpas 100 taon at may mga taong binabawian ng buhay sa edad 20 pababa, minsan pa nga nasa sinapupunan palang ay nasasawi na.

Yung life expectancy ng camera shutter ay para lamang isang survey study, kumbaga itoy parang isa lamang opinion at hindi ibig sabihin na kung ano ang nangyayari sa iba ay mangyayari narin sa iyo mismo.

Think about it, kailan ba lumabas ang isyung “Shutter life”? di bat noong na-uso lang ang DSLR camera? Pero noong wala gaanong pumapansin sa hobby na ito may maririnig ka ba tungkol dito sa shutter life? Wala. Bakit? Kaunti pa lang kasi ang mamimili at hindi pa gaanong ka-attached ang tao sa DSLR’s pero ngayong marami na ang naatached sa camera nila at dumadami narin ang nagbebenta ng DSLR ay biglang lumabas ang isyung ito (FEAR MARKETING)

Palalakasin ko lang ang loob ninyo guys

Bakit ka mag-aalala sa shutter life eh kung ang presyo ng pagpapalit nito ay halos 10%  na presyo lang ng iyong camera? (Php30,000k camera and lens VS. Php12,000 cost of repair)

Marami ang gumagawa ng sirang camera shutter lalo na kung Nikon ka kayat walang dapat ipag-alala.

Kung tatanungin mo ako kung mayroon na bang nakalagpas sa shutter life expectancy nila na hangang ngayon ay gumagana parin ang kamera ng maayos? Ang sagot dyan ay OO marami!

Kaya ka ba bumili ng kamera ay para bulukin sa aparador o bag mo? O para kumuha ka ng mga litratong sa tingin mo ay ka-aya-aya?

Think about it!

Enjoy life

Keep on shooting…

NIKON OR CANON?

One Response to Sa mga DSLR Owners: Huwag MABALISA sa Shutter Life ng Kamera nyo

  1. […] Sa mga DSLR Owners: Huwag mabalisa sa Shutter life span ng camera ninyo. […]

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: