Ang Pananaw ng Filipino sa Kolehiyo

Ang pananaw ng mga Filipino sa Kolehiyo ay isang malaking GASTOS! O di naman kaya ay PAHIRAP! Kasi nga naman ano ba ang koneksyon ng Calculus kung ang magiging trabaho mo naman sa una ay Clerk? O Encoder? Bakit ba hindi nalang payagang pagtrabahuhin ang mga gustong magtrabaho. Pero kidding aside marami paring magulang, kabataan o Pinoy ang naghahangad na makapagtapos ng Kolehiyo. Kahit na alam natin sa kabilang banda na kung ano ang tinapos mong kurso ay madalas na taliwas sa nagiging trabaho mo.

Para sa mga magulang ito ang itinuturing nilang isa sa mga pinakamahalagang yaman na maipamamana nila sa kanilang anak, sa ibang kabataan na medyo hirap sa buhay ay umaasa silang sa pagtatapos ng kolehiyo ay makakasumpong sila ng hanap buhay na makakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan. Sa makatuwid ay naniniwala parin tayong isang malaking hakbang ang pagtatapos sa kolehiyo para sa pag-asenso ng isang tao sa buhay. Kahit na alam nating libo-libo o milyong College graduate ang wala paring matinong trabaho hangang ngayon.

Habang tumataas ang gastusin at humihirap ang kabuhayan ay mas lalong umiinit ang pananampalataya ng mga Filipino na dapat makapagtapos ng kolehiyo! Inaalam natin kung ano ba ang mga tarabaho ngayon na mataas ang pasweldo at pilit nating inaalam kung ano bang kurso sa kolehiyo ang naturang trabahong may mataas na pasweldo, ng sa gayon ay ito ang ipakuha natin sa ating mga anak dahil alam natin na MALAKI ANG PASWELDO!

Sa makatuwid ang pananaw ng karamihang Pinoy sa Kolehiyo ay NEGOSYO!

Para bang tanung natin ay saan kayang kurso ko pwedeng i-invest ang pera ko para after 4 years eh doble ang kapalit nito?

Ang ganitong uri ng pagpili ay most of the time INEFFECTIVE. Imbis na SUCCESS ang makamit mo ay GUILT, REGRETS at DISAPOINTMENT ang aabutin ng isang estudyante after 4 years (or more).

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: