Ano ba ang Kolehiyo?

“Organized body of persons with shared functions and privileges.”

Oxford Dictionary

“College is a Service industry”

Quoted from the movie ACCEPTED

 Samahan ng mga taong nagbibigay ng SERBISYO. Sabi nga sa Oxford dictionary sa wikang “service” ay…

service  —n. 1 work, or the doing of work, for another or for a community etc. (often in pl.: the services of a lawyer). 2 work done by a machine etc. (has given good service). 3 assistance or benefit given. 4 provision or supplying of a public need, e.g. transport, or (often in pl.) of water, gas, electricity, etc. 5 employment as a servant.

Kung mapapansin ninyo walang nilalaman ang salitang “service” patungkol sa pagkita ng malaking pera. Manapa ang salitang “service” ay nakatuon lamang sa paglilingkod sa kapwa o sa publiko. Ito ang dahilan kung bakit tayo pumapasok sa kolehiyo, para gumugol ng kaalman, karanasan at kasanayan na magagamit natin upang paglikuran ang kapwa o ang publiko. Ang pagyaman o pagkita ng malaking salapi ay hindi nito saklaw.

Ang madalas na akala ng mga estudyante sa kolehiyo ay ito’y isang “Trade Industry” na kung saan kung babasahin natin sa Oxford Dictionary ang ibigsabihin ng trade ay…

trade  —n. 1 a buying and selling. b this between nations etc. c business conducted for profit (esp. as distinct from a profession). d business of a specified nature or time (Christmas trade; tourist trade). 2 skilled craft practised professionally. 3 (usu. prec. by the) people engaged in a specific trade (the trade will never agree). 4 US transaction, esp. a swap.

Malayo ang kahulugan ng Trade sa Service, ang pag-nenegosyo sa paglilingkod. Kung pagyaman ang hanap mo dapat na itutok mo ang iyong atensyon sa pagnenegosyo, at kung pag-huhusay, kaalaman at bahagyang karanasan sa isang partikular na laranngan ang iyong interest ay ang pag-pasok sa kolehiyo ang isa sa mainam na pwede mong gawin.

Sa panahon ngayon ay medyo sumasaliwa ang ibang mga eskwlahan sa totoong layunin ng EDUKASYON na kung saan ang edukasyon ay dapat i-stimulate ang PASSION at CREATIVENESS ng mga estudyante pero ngayon parang ang nangyayari ay ang kabaligtaran.

Kung tutuusin ay hindi lang naman talaga sa loob ng eskwelahan matututo ang isang tao kundi sa labas nito ang mas malawak na mapagkukunan ng kaalaman. Ang kaunlaran ng isang tao sa buhay ay hindi responsibilidad ng kahit na anong eskwelahan o guro kundi itoy kanyang sariling katungkulan at ang mga ito (guro at eskwelahan) ay mga gabay na maaring makatulong sa iyo.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: