Be the Man of Value rather than a Man of Success

Albert Einstein

Sabi nga ng tanyag na sayantipikong si Albert Einstein na sikapin mong maging kapakina-pakinabang kay sa sa maging matagumpay. Dahil kapag hinanap mo ang maging kapakipakinabang sa iyong kapwa ay dito namumulak-lak ang tagumpay samantalang kabaligtaran naman kapag ang inuna mong hanapin ang tagumpay.

Madalas sa pagpili natin ng kurso sa kolehiyo ay agad nating iniisip ang OUTCOME, kung anung sweldo ang kikitain ng isang taong nagtapos ng isang partikular na kurso o kung gaano kalaki ang opurtunidad na magkaroon kaagad ng magandang trabaho. Ngunit bihira lang ang nagisip kung anung serbisyo ang kanyang gustong gawin sa kanyang kapwa at kasunod nalamang dito ang pagkita ng salapi.

Kahit pag-aralan natin ang istorya ng mga kinikilalang pinaka makapangyarihan at mayamang tao sa mundo ang unang intensyon nila ay MAGBIGAY ng MAHALAGANG SERBISYO o KONTRIBUSYON sa kanilang kapwa. Kaya naman sinundan sila ng tagumpay samantalang sino sa kilala ninyo na unang binalak makakuha ng tagumpay na sa huli ay tunay niyang nasabi niya sa kanyang sarili na masaya siya? Ang sagot. Wala.

Gayun din sa pagpili natin ng kurso sa kolehiyo, imbis na itanung mo sa iyong sarili kung gaanong kalaking sweldo ang gusto mong kitain ay bakit hindi mo itanung sa iyong sarili na…

“bilang isang mamamayan sa mundong ito paano ako makakapagbigay ng kapaki-pakinabang na serbisyo sa ating kapwa na kung saan makakatulong akong mapabuti ang kanilang kalagayan o matulungan ko silang abutin ang mga pangarap sa buhay?”

Di bat iyan ang layunin ng mga Doctor, Sundalo, Teacher, Engineers, Nurse, Computer Programmers atbp? Ang paunlarin ang kalidad ng bayan?

Kayat naway tandaan natin ang Qutation na ito na nagbuhat sa isang taong dakila sa kanyag kurso na nagsasabing

“BE THE MAN OF VALUE RATHER THAN A MAN OF SUCCESS”

Albert Einstein

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: