Paano sagutin ang tanung na ANO ANG GUSTO MONG GAWIN SA BUHAY?

Lahat tayo ay dumating sa puntong nagtatanung sa ating sarili kung ano na ba ang gagawin natin sa ating buhay? wala itong pinipiling uri ng tao kahit na papasok ka pa lang sa kolehiyo, nakatapos na sa kolehiyo, nagtratrabaho ka na bilang empleyado, bata man ang edad mo o kahit na umedad ka na ng 40 pataas.

Napapatigil tayo kung minsan at napapa-isip kung ANO NA ANG GAGAWIN NATIN SA ATING BUHAY?

Madaling sagutin kung tutuusin, pwede mong sabihin na gusto kung yumaman, gusto kung magtrabaho, gusto kung makatapos sa pag-aaral o gusto kung sumubok ng ibang kurso. Pero alam ko na alam din ninyo na sa loob-loob mo ang mga sagot na ito ay parang may kulang, kumbaga sa pagkain eh parang bitin ang kasagutan. Naghahanap tayo ng mas mabigat pang kadahilanan para punan ang gutom na katanungang ANO ANG GUSTO KUNG GAWIN SA BUHAY KO?

Bakit ba natin tinatanung sa ating sarili kung ano ang gusto nating GAWIN sa BUHAY? bakit kailangang meroon tayong GAWIN? Ang sagot dito ay dahil gusto natin na magkaroon ng SAYSAY ang ating pamamalagi dito sa lupa, gusto natin maging makahulugan, Sino ba naman ang may gustong maging meaningless ang buhay dito sa lupa, walang taong gustong sayangin ang kanilang buhay pero marami ang hindi aware na sinayang nila ito, kaya ituring mo na masuwerte kang tao na nagtatanung ng ganitong klaseng katanungan sa iyong sarili.

Tanungin nalang natin ang ating sarili ng ganito, anung bagay sa iyong buhay ang masasabi mong pinaka mahalaga? O sinong tao sa iyong buhay ang masasabi mong pinaka importante sa iyo at bakit? Maaring ang iba ang isasagot ay cellphone o sasabihin nila ang kanilang mga magulang, nobyo o nobya at kung sasagutin natin ang tanung na “bakit” ay dahil ang cellphone ay kasangkapan mo para mapatakbo mo ang iyong negosyo, kaya mo isinagot ang iyong mga magulang o ka-relasyon ay dahil sila ang inspirasyon mo, sa madaling salita binibigyan ka ng serbisyo at pagmamahal, yan ang dahilan kung bakit sila importante o may saysay sa buhay mo.

Ngayon ibahin natin ang tanung from ANO NA ANG GAGAWIN NATIN SA ATING BUHAY? Papunta sa tanung na ANO ANG GUSTO MONG IBIGAY? Kahit ano pwede mong ibigay at kahit sino o kahit ilang tao pwede mong piliin o bigyan.

Kapag tinanung natin ang ating sarili sa ganitong paraan na ANO ANG GUSTO NATING IBIGAY SA ATING KAPWA ay iba ang dating diba? Nakakalito yung tanung na ANO ANG GUSTO MONG GAWIN SA BUHAY kumbaga hindi nito pinupuntirya yung mismong kagustuhan ng tao na magawa sa buhay at ito yung magkaroon ng kahulugan. Ang pagiging mayaman ay hindi sapat na kahulugan sa buhay ng isang tao, yayaman ka pero hindi mo masasabing naging makahulugan ang buhay dahil ang MAKAHULUGAN na buhay ay nagmumula sa mga taong nagbibigay ng SEBISYO sa kapwa.

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: