NORMAL KA BA?

Tinanung ko ang sarili ko kung normal ba ako? At ang natatanging NORMAL na alam kung meroon ako ay ang eskwelahang pinagtapusan ko nung highschool sa Philippine Normal University.

Una sa lahat ano ba ibig natin sabihin kapag sinasabing NORMAL? Sa totoo lang depende ito kung ano ba PINAGBABASEHAN.

Kung Filipino ka tapos napunta ka sa Europe na kung saan ang mga tao eh blondy yung buhok, mapuputi balat, matatangkad at kung minsan ay asul, berde or grey ang kulay ng mga mata eh malamang hindi ka normal para sa pananaw nila. Pero kung sila naman ang magpunta sa Pinas syempre sila naman ang hindi normal para sa atin.

Wala yang pinagkaiba sa kung anung istorya meron tayo sa buhay. May kanya-kanya tayong kwento lahat yan iba-iba kung idedetalye mo. Walang magkapareho. Kahit nga sa pisikal na pagkukumpara maski magkambal na magkapatid eh meroon at meroon parin silang kaibahan. Ganun din sa ibang parte ng buhay natin mapa emosyonal, mental o espirituwal na paniniwala.

Sa makatuwid eh walang NORMAL dahil lahat tayo may natatanging kaibahan sa ating pagkatao, yun nga lang ang tanung eh ano ba ginagawa mo kapag nalaman mo ang pagkakaiba mo sa iba? May ibang taong kinamumuhian ang kanilang kaibahan may mga tao namang ginagamit ang kanilang natatanging katangian para sa ikabubuti ng kanilang buhay at ng buhay ng kanilang kapwa.

Kung may tao mang magsabi sa iyo na mamuhay ka naman ng NORMAL ay suggestion ko lang na tanungin mo siya kung ano ba BASEHAN nito sa pagiging normal? Tapos magtanung ka ulit sa iba pang mga tao kung ano basehan nila sa pagiging NORMAL at sigurado ako na magbibigay sila sa iyo ng iba-ibang depinisyon. Dahil kung tutuusin ang salitang normal ay isang imahinasyon lamang. Ang salitang ito ay walang tiyak na kaanyuan mapa pisikal o isipan. Kumbaga kapag sinabing NORMAL KA! Your NOBODY! Dahil sa mundo nating ito walang tiyak na depinisyon ang pagiging NORMAL.

normal —adj. 1 conforming to a standard; regular, usual, typical. 2 free from mental or emotional disorder. 3 Geom. (of a line) at right angles, perpendicular. —n. 1 a normal value of a temperature etc. b usual state, level, etc. 2 line at right angles.  normalcy n. esp. US. normality n. [Latin normalis: related to *norm]

normal distribution n. function that represents the distribution of many random variables as a symmetrical bell-shaped graph.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: