AKALA MO LANG WALANG NABAGO

Mag-lilimang taon na akong nag-saSaudi pero nitong nakaraang balik ko (Year 2009) sa Saudi Arabia ay pinagdesisyunan ko na huwag munang umuwi ng dalawang taon sa Pinas kahit na yearly ang uwian namin, yun ay upang mabayaran ko lahat ng nahiram kung pera. Sa awa at tulong naman ng Panginoong Diyos ay naging maganda ang resulta ng aking desisyon, bayad na ang mga nautang o hiniram kung salapi at nakatulong pa yung di ko pag-uwi sa Pinas ng dalawang taon, kung sa pagtulong ng gastusin ang paguusapan.

Teka hindi pala dalawang taon bale dalawang taon at limang buwan (2 years and 5 months) diretso ko binuno yan walang uwian. Kapag tinatanung nga ako ng mga kasama ko kung paano ko kinaya ang ganung kahabang paghihintay ay sa totoo lang hindi ko na gaano maalala…

Petsang Mayo 22, 2011 ay lumipad na ako patungo ng Pilipinas at Mayo 23, 2011 ako nakarating sa bansa kung sinilangan. Hindi maitatangi na talagang malaki ang pinagbago ng Pilipinas na kilala ko noong 2009. Yung uniporme nalang ng mga MMDA, yung hairstyle ng mga Filipinong nakikita ko, Yung itsura ng airport at marami pang mga pagbabago na hindi ko maipaliwanag kung papaano.

Sa tahanan namin marami narin nagbago at pati narin yung mga tao sa barangay at katabing barangay namin ay nabago narin halos lahat.

Ang nakakatuwa ay ito… Kapag nangangamusta ako sa kanila ang madalas na isinasagot sa akin ay…

“Ganun parin tol”

“Ano ba mababago,? Ganung parin naman.”

“Ganun parin tulad ng dati.”

Yan ang mga madalas na isinasagut sa akin, at kapag nagtatanung na ako ng mas detalyadong tanung tungkol sa mga dating pasyalan, mga kakilala atbp dun nila nari-realize na marami pala ng nagbago.

Ako man maraming nagsasabi sa akin na malaki daw ang nagbago sa akin kasi tumaba ako pero kung ako tatanungin mo para namang walang nagbago sa akin at kung ano ako noon ay ganun parin ako ngayon.

Tinanung ko ang Mother ko kung nasaan yung mga matatanda naming litrato at gusto ko nga kako na makita at i-scan ito para mai-post sa Facebook at nung ibinigay sa akin ni Mother yung mga litrato eh dun ako nakumbinsi na malaki na nga ang pagbabago sa akin lalong-lalo na sa pisikal na katawan, naitatanung ko nga sa sarili ko na “AKO BA ITO?” dahil parang sobra kapayatan ko noon.

Nitong bumalik na ako sa Saudi ay hinalungkat ko dito sa aking laptap yung mga matatanda kung tala-arawan (o Diary)  at artikulong inilathala sa wordpress. Randomize kung binasa ang mga nakasulat dito at akoy natutuwa’t nagpapasalamat na masaksihan yung mga nangyayaring pagbabago sa buhay ko.

Talagang kinakailangan ng isang tao na bigyan ng panahon ang kanyang sarili para malaman niya kung nasaan na ba siya ngayon kumpara noon? Mabuti ba o hindi ang tinutungo niyang landas? Kasi baka kayod tayo ng kayod pero hindi na pala natin kailangan ng kumayod kundi dapat ng ituon ang sarili sa ibang bagay halimbawa sa pag-eenjoy. Vice versa naman kung akala mo ay dapat ka pang magpa-relax relax eh yun pala wala ka ng perang ipang-rerelax.

Akala natin ganun parin

Akala natin okay lang

Akala natin walang nababago

 

Pero wag masyadong umasa sa akala dahil tandaan natin na ang akala ay pupwedeng sumablay o tumama

Isang magandang araw po sa inyong lahat😀

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: