KAHIT SAAN KA MAPUNTA, PAKIKISAMA ANG BUBUHAY SA IYO

Sa buhay empleyado ang isa sa maibabahagi ko sa inyong “tip” o payo ay ang matuto kayong makisama sa mga kaopisina ninyo.

Dahil kahit gaano kayo kagaling, kahit sabihin mo ng tatay mo ang CEO ng kumpanya pero kung sablay ka sa pakikisama ay siguradong talo ka sa huli.

Maniwala ka na may mga naging kasamahan ako dati na masasabi mong may nalalaman pero yun nga lang puro utak ang ginagamit kaya ayon madalas na kung hindi amo niya ang kanyang katalo eh yung mga katrabaho naman niya.

Kapag kulang ka sa pakikisama balisa lagi ang pakiramdam mo sa trabaho, akala mo laging may nagbabalak na gumawa ng masama sa iyo. Kaya kung minsan doble ang hirap, pressure ka na nga sa trabaho, worried ka pa sa mga katrabaho mo dahil hindi mo maipahinga ang sarili mo dahil baka maisahan ka.

SOBRANG PAKIKISAMA

Dapat din naman natin na balansehin ang pakikisama at trabaho, kung minsan naman kasi may mga kababayan tayo, puro nalang pakikisama hangang sa nagiging politika na, ayus sana kung ang pamomolitika ay para sa ikagaganda ng samahan pero kung pansariling kapakinabangan lang eh sana huwag nalang.

PAKIKISAMA

Kung gusto mo tumagal sa pinagtratrabahuhan mo ng matiwasay o kung gusto mong mapromote o mag-tagumpay sa iyong pinagtratrabahuhan sa kahit na anung larangan, malakas ang paniniwala ko na kailangan at kailangan mo ang “PAKIKISAMA”

ANO ANG KAIBAHAN NG PAKIKISAMA SA SIP-SIP?

Ano nga ba kaibahan ng pakikisama sa sip-sip?

Para sa akin ay simple lang…

PAKIKISAMA

Ang pakikisama ay ang mga taong sumasabay lang sa agos para magbigay galang sa mga nakasanayang tradisyon ng isang departamento o tao. Halimbawa hindi ka naman mahilig kumain sa labas pero dahil sa nagyaya ang boss mo na kumain sa labas eh para huwag kang masabihan ng KILL JOY or Kuripot edi sasama ka na para in the same way din ay magkalapitan kayo ng loob.

SIPSIP

Ang mga taong ito ay gagawin lahat kahit na sa dumating ang puntong makaapak na siya ng kanyang kapwa para lang magmukha siyang maganda sa mata ng kanyang amo.

Alam kung alam mo kung ano ibig kung sabihin tungkol sa pakikisama at minsan pa inuulit ko hindi puro galing sa trabaho, hindi puro utak, kailangan na kailangan mo ang puso, ang pag-ibig… ang pakikisama

So good luck nalang

Good day

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: