SAUDISATION

Isa sa mga madalas pag-usapan ngayon dito sa aming mga OFW ang tungkol sa SAUDISATION dahil ngangamba na baka tangalin na lamang ang mga mang-gagawang x-spot o mga dayuhang mangagawa upang makapagbigay ng daan sa ibang mga Saudi citizen. Mula noong lumabas ang balitang ito ay naging usap-usapan na at maraming mga theorya at mga kuro-kuro na kumalat ngunit iisa lamang naman ang mensahe nito sa mga tulad kung dayuhan sa bansang KSA at yun ay maaring namimiligro na kami sa aming trabaho ngayon.

Tulad ng iba ang una kung reaksyon ay nabahala rin ako dahil syempre sino ba naman ang hindi mababahala kung ang paksa ay tungkol sa pamimiligro ng iyong pinagkukunan ng kabuhayan ngunit tulad ng mga dumaang mga pangyayari sa buhay ko ay aking sinuri mabuti ang impact at epekto ng Saudisation sa buhay ko at aking napagtanto na ang pagkakaroon ng Saudisation sa mga kumpanya dito sa KSA ay isang mabuting paalala sa lahat ng mga OFW at empleyado na tulad ko at ito ay ang mga sumusunod…

 

WALANG PERMENENTE SA KUMPANYA

Dati rati kung titignan mo ay parang napaka stable na ng mga empleyado dito sa Saudi wala akong maisip na dahilan kung papaano mapapababa o mapapaalis ang mga empleyado dito sa kanilang ma trabaho lalo na iyong mga may magagandang benepisyo, maliban nalang kung lumagpas na sila sa edad na 60 yrs old na kung saan yung iba ay hinahayaan rin naman bastat napapakinabangan ng kumpanya. Pero mula nung lumabas na nga ang Saudisation rule ay tila ba parang naging expendable lahat ng mga empleyado dito syempre lalo na yung mga tulad naming mga X-spot o dayuhan sa bansang ito.

Sa totoo lang akala lang natin na kaya nagiging 50/50 tayo na mamalagi sa trabaho ay dahil sa Saudisation pero kung tutuusin kahit wala pang Saudisation kapag empleyado ka kahit na anung oras ay pwede kang tangalin ng kumpanya. Kung mababasa ninyo yung artikulo ko noong pinamagatang “Empleyado ang modernong katawagan sa alipin” nasusulat doon ang isang paglilinaw kung ano ba talaga ang totoong estado ng mga empleyado sa kumpanya. Ang salitang “REGULAR” employee ay para sa akin isa lamang itong termenong upan mapalagay ang iyong kalooban sa kumpanyang pinapasukan pero aminin mo man o hindi kayang-kaya kang tangalin ng kumpanyang ito kahit na anung oras na gustuhin nila lalo na kung wala na sa iyong mapapakinabangan.

 

HINDI TAYO HABANG BUHAY DITO

Para sa akin ang pagkalat ng balita tungkol sa Saudisation ay isang paalala na huwag tayong masyadong maging malibang sa bansang ito dahil hindi tayo tunay na taga rito at ano man ang iyong gawin ay babalik at babalik ka rin sa Pilipinas, ang maganda sa Saudisation ay ipinaalala niya na may mga ganito ring mga posibleng kaganapan na pwedeng mangyari para mapauwi ka sa ating bansa kung kayat laging isaisip kung papaano mo maiipon o matutugunan ang mga layunin mo sa lalot madalaing panahon.

 

KUNG KINUHA NYA MAY IPAPALIT ANG DIYOS

Para sa akin akoy isa ring spiritual na tao kahit papaano at ang nasabi ko na akoy naniniwala na ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa ay kaloob ng Diyos Ama at kung itoy kanya mang kukunin ay mayroon at mayroon din siyang ibibigay o di naman kaya ay mayroon siyang mahusay na plano para sa akin.

 

PANG-HULI

Para sa sarili kung opinyon hango sa aking pag-aanalisa sa Saudisation ng KSA ay masasabi ko na mayroon naman silang validong dahilan kung bakit nila ito ginagawa yun nga lang hiling ko sana kung maari ay huwag ng umabot sa ganoong sitwasyon at naway makahanap tayo ng ibang sulusyon upang matugunan ang kanilang naisin.

 

Para sa mga kapwa ko mangagawa mabuhay tayong lahat

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: