Iphone 4 O Iphone 4S? Bili nah!

Ito yung simple at maikling artikulo para magbahagi ng sariling opinyon na base sa personal kung karanasan nung ginamit ko ang dalawang teleponong ito, sana ay makatulong sa inyong pagdedesisyon.

Didiretso na ako sa (mga) paksa na kung saan interesado ang mga Pinoy.

 

Bakit Iphone 4 ang dapat mong bilin?

 

Kung importante sayo yung storage at budgeted ka. bili ka ng 32GB iphone 4, kasi yung presyo ng 4S 16GB ay mahal pa sa presyo ng 32GB iphone 4 (price is base to KSA country.)

 

Kung importante sayo yung maititipid na pera. Para kasi sa akin kung bibili ka nalang rin edi bilin na yung “The Best” yun ay kung ang ida-dag-dag mo rin namang pera eh 25% pero kung more than that dun ako mag-iisip. Pero kung bibilin mo ang iphone4 eh halos pareho rin ito ng 4S, yan ay sa ngayon ko nasasabi dahil bago pa nga ang 4S at hindi pa gaano nagagawaan o nababatak ang kakayahan, ni jail breaking nga ay wala pa atang nakakagawa sa ngayon.

 

Bakit Iphone 4S ang dapat mong bilin?

Kung nasa lugar ka na madaling makakonekta sa internet. Isa sa ipinagmamalaki ng 4S ay yung Siri voice assistant sya. Pero hindi aandar ang Siri kung hindi ka nakakonekta sa internet.

Kung importante sayo yung storage at may extra budget. Ang 4S ay nag-ooffer ng upto 64gb samantalang yung iphone4 ay 16 at 32gb lang. pero dito sa Saudi wala pang nagbebenta ata ng 64GB, puro 16 at 32GB palang.

Kung metikuloso ka sa bilis ng telepono. Sabi nila yung “S” stands for SPEED, in terms of internet connection at paglalaro ng games habang nakabukas yung ibang application sa iyong background, may kabilisan nga talaga ang 4S, pero hindi ito gaano pansinsin, pero kung metikuloso ka sa bilis at may sobrang pera na pang dag-dag 4S ang bilin mo.

Kung importante sayo yung megapixel ng camera. 8 megapixel na yung 4S pero nung ginamit ko yung camera nito ay hindi mo agad masabi kung ano kaibahan. Kung pang-facebook lang at pang documentation tama na yung camera ng iphone4, pero kung magphophotoshop ng mga picture may maitutulong yung upgrade ng iphone4S

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: