Lauro Vizconde “The Surviving Man” Movie/Documentary

Kung magkakaroon ako ng pagkakataon para mag produce ng mga pelikula o magsagawa ng isang documentary, isa sa gusto kung iproduce ay ang kasalukuyang buhay ni Ginoong Lauro Vizconde ngayon.

Hindi dahil para pasaringan ang sinuman kundi ang interest ko ay nakatuon sa kung anu-ano ang naging punto vista ni Manong (Mr. Lauro Vizconde) sa buhay mula nung nangulila na siya.

Malakas ang kutob ko na maraming mare-realize ang mga tao matapos mapanood ang kanyang latest true to life na pelikula. Sana ang pelikula o kahit documentaryong iyon ay ipinapakita kung ano ang buhay ng isang nangungulilang Ama at paano niya hinarap ang buhay sa araw-araw at paaano rin niya kinaya ang isang balita na nakalaya na ang mga hinihinalang may kagagawan sa krimen?

Kapag sinusubukan kung imaginin ang buhay ni Mr. Vizconde ay hindi ko lubos na maisip kung saan pa kaya siya kumukuha ng lakas? Alam natin na halos lahat tayo kaya nagsisikap pang mabuhay at umasenso ay dahil sa ating mga mahal sa buhay at yan ay walang iba kundi ang ating pamilya. Akoy isang OFW, kaya ko kinakaya ang mga pinagdadaanan kung lungkot at hirap ay dahil para sa mga mahal ko sa buhay at pamilya pero kung hindi dahil sa kanila siguro hindi ko magagawang makapagtiis ng anim na taon dito sa gitnang silangan.

Kung may tao mang may karapatang maging marahas at maghiganti siguro si Manong na iyon, pero alam natin na hindi nya iyon ginawa, maaring isipin din ng iba na wala siyang kakayahan na gawin pero para sa akin mas gusto kung isipin na pinili niyang makuha ang hustisya ng patas. Hindi ko maitangi na kapag naitatanung ko sa aking sarili kung patas ba talaga ang hustisya sa Pinas ay nababaling ang aking isip sa sitwayon ni Manong ngayon.

Pero talagang interesado ako na malaman kung papaano nabubuhay ang isang taong tulad ni Manong ngayon, paano kaya siya naka-move on?  DAhil ba sa pananampalataya sa Diyos? O may iba pa? kung may iba pa ano kaya ito?

 

 

Nota: Ang larawan sa itaas ay nakalap sa google, hindi ko na po maalala kung anung site kung sensitibo po ang may-ari nito ay inform lamang po ako sa pamamagitan ng comment sa artikulong ito at agad ko itong tatangalin. Salamat po.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: