KAHIT ISA LANG

Ang artikulong ito ay nagpapalawig sa una kung artikulo na pinamagatang “NILALANGAW BA BLOG MO?” dahil mayroon akong punto na sa tingin ko ay dapat kung ipaliwanag pa ng maigi at pinaniniwalaang dapat malaman ng mga kapwa ko blogista. So sisimulan ko na sa tanung na Ano ba importante sa iyo yung views or yung quality na ilalathala mo?

Nakakdemoralize talaga na sa kabila ng iyong mga effort at todong pagtuon ng panahon ay malalaman mo na single digit lang ang magiging viewers mo. Alam ko pakiramdam nyan dahil kahit ako man ngayon may mga pagkakataon na bumababa sa single digit ang aking viewers. Pero tinanung ko sarili ko…

Rocky ano ba layunin mo bakit ka nagblo-blog? Para lang ba mag-pacute?

Syempre lahat naman ng bloggers may intensyon na mag-pacute kaya given na yun, gusto rin naming maging sikat pero kung gusto mong mapansin ka ng libo-libong tao ay marahil hindi ka dapat sa blogging mag-invest ng oras at effort.

Kasi halimbawa nalang si Anthony Robbins isa sa mga napaka sikat, mayaman at maimplowensyang empowering coach and at the same time writer eh hangang ngayon ay kakaunti palang ang nakakarecognize sa kanya sa Pinas.  So comparing sa ating mga bloggers what would you expect? Of course we have chance to be known but if you want to be a real blogger or writer that keep publishing articles you should put your focus on how to give value to others instead of getting attention.

At totoo na sa buhay manunulat may mga pagkakataon talaga na olats ka sa mga mambabasa hindi dahil sa walang kwenta ang isinulat mo kundi dahil marahil hindi ito ang interest ng masa ngayon pero huwag malungkot kundi manapa ay matuwa dahil kung ang mga mambabasa mo ay single digit lamang o kahit NAG-IISA LANG ituring parin itong isang victory.

Bakit?

Dahil hindi mo masabi ang taong iyon na nagbasa ng iyong artikulo ay naligtas sa kamatayan o kapahamakan at ang isa sa dahilan ay dahil na-insipre siya sa isinulat mo o sinusnod niya ang mga payo mo at pwede ring tinimbang niya ang mga opinyon mo kung kaya napili niya ang isang desisyon na nagligtas sa kanyang buhay.

Makasagip ka ng isang buhay sa pamamagitan ng blog mo o di kaya ay makapag bigay ka ng isang kalakasan sa isang tao at imbis na siya ay magpatiwakal ay pinili niyang maging malakas at ipagpatuloy ang buhay. Hindi ba ayus iyon? Napaka ganda nito diba?

Hindi natin nakikilala ang mga bumabasa ng ating blog, kung kaya ang mga isinulat mo na sa buong paniniwala mo ay magdudulot ng mabuti sa kapwa ay huwag mag-isip na -kaya walang nakaka-view ay dahil walang may interes, maaring sa ngayon oo pero alam natin ang sitwasyon ng buhay nagbabago at hindi malayong dadating ang panahon na ang iyong sulatin ay kanilang sisilayan dahil naririto matatagpuan ang kanilang hinahanap na ideyal na kasagutan.

Kahit isang view lang matuwa na tayo atleast sa kada araw may tao tayong natutulungan. At kung susumahin mo sa loob ng isang taon ay halos may 320 days iyon at isang malaking kontribusyon na ito na makatulong o makapag bigay ka ng aliw sa halos 320 na tao.

Kahit isa lang magdiwang na tayo

Rocky

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: