Mga Charitable na tao ang mga Bloggers

Alam nyo isa sa mga hindi narerealize ng mga

tao ngayon ay ang pagiging isang blogger ay pagiging isang

charitable na tao.

 

hindi na kailangan ng maraming pera ngayon para maging

galante dahil kung minsan mas matimbang ang impormasyon o pagbibigay ng aliw

kesa sa pera. Actually ginagamit nga yung pera

para makakalap ng impormasyon o di naman kaya ay kaaliwan.

 

Kaming mga bloggers (o tayong mga bloggers kung blogger karin)

ay madalas na nagbibigay ng mga impormasyon, kaaliwan o di naman

kaya ay pareho sa mga mambabasa gamit ang ating blogsite

na kung saan ito ay ibinabahagi natin ng libre! walang sponsor o

commercializing, yun ay kung isa kang freelance blogger.

 

hindi tulad noon kailangan mong bumili ng dyaryo, libro, komiks o tabloid

para lang makabasa ng mga ibat-ibang uri ng babasahin pero ngayon

kung gagastos ka ng bente eh pwede mo ng ipang-arkila sa internet cafe

at bahala ka kung anung gusto mo basahin, kaya nga sabi ko sa artikulo ko noon na

pinamagatang “Marami paring mabuting tao sa mundo” ay maniwala ka man o sa hindi ay marami paring libre ngayon.

 

Kaya kung may maririnig ka na sasabihin ng iba na

“bakit ka nagsusulat pa eh kakaunti lang naman ang nagbabasa

sa blogsite mo?” ay huwag mo lang silang pansinin dahil marahil ang mga

taong ito ay hindi gaano naiintindihan ang buhay sa cyber world.

 

maaring lilima lang ang nagbabasa sa blogsite mo pero paano kung

yung lima na iyon ay may nasagip ka na buhay kahit isa lang sa kanila?

at kaya mo nasagip ang kanilang buhay ay dahil sa ibinahagi mong artikulo

(na libre!) hindi bat nakakataba ng puso yun? hindi natin alam kung nakatulong ka sa

isa na iyon o maari rin na yung taong makakabasa ay gamitin niya ito para

makatulong sa isang pamilya.

 

Mahirap malaman kung yung mga nagbasa ay may

napakinabangan sa artikulo mo pero hindi na importante yun kung sa tingin

mo ang iyong ibinahagi ay may katuturan at makakatulong sa kapwa ay para sa

akin sapat na itong gawing batayan na may natulungan ka, maaring hindi

ngayon malamang sa susunod na araw o linggo.

Kaya kung gusto mong maging galante o pelantropo, di na kelangan tumama pa

sa lotto o maging milyonaryo o bilyonaryo, mag-create ka lang ng blogsite

tapos mag bahagi ng mga artikulo na naglalaman ng mga sa tingin mo ay

magiging kapaki-pakinabang sa kapwa mo o sa kahit saan at kanino at yun

na yun.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: