BILIS O KALIDAD?

Syempre obviouse naman na gusto natin ng mahusay na resulta, pero sa totoong buhay mas focus tayo sa bilis. Gusto natin nariyan kaagad ready to use o ready to eat. Kahit sa pagkakaroon ng mahusay na resulta kailangan ng bilis kasi para malaman mo kung ano ang dapat baguhin at ayusin kung ang una mong resulta ay sablay.

May mga sitwasyon talaga sa buhay na babagayan mo kung ano mas importante, minsan kahit hindi gaano mahusay ang kalidad ay ayus lang kasi sandalian mo lang gagamitin o pagtutuunan ng panahon. May mga pagkakataon naman na mas mainam kung maghihintay ng may katagalan pero ang resulta naman ay sigurado kang mahusay, dahil kung hindi ay baka kasing tagal lang din halos ng inihintay mo yung ginawa mong pabalik-balik para ayusin yung diperensya nung mabilis na resulta pero sablay ang kalidad.

Hindi mapapaghiwalay ang dalawang ito, kasi para silang kape, ang kape kelangan mo ng kape at mainit na tubig. Kung may isa sa kanila na wala eh hindi ka makakapag-kape. Maaring pwede yung konti yung kape pero marami yung tubig na mainit or vice versa pero isa sa kanila ang wala eh hindi pupuwede.

Ganun rin yung bilis at kalidad, pwedeng napaka bilis pero medyo tama lang ang kalidad or vice versa… pero pwede rin naman na tamang bilis at tamang kalidad. Depende nalang yan sa pangangailangan at sitwasyon mo kung ano sa tingin mo ang dapat.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: