MAALALA MO KAYA?

Kung bad trip ka sa trabaho mo ngayon… Para sa iyo ito…

 

Likas sa mga empleyado na makarinig ka ng mga reklamo kahit saan pang kumpanya sila nagtratrabaho at kahit gaano pa kalaki ang mga pinapasweldo mo sa kanila meroon at meroon ka paring maririnig sa iba na irereklamo o hinaing. Kesyo ganito-ganyan at ganoon pero kapag tinanung mo sila na…

MAALALA MO KAYA? Noong nag-aaply ka palang sa kumpanya na pinapasukan mo ngayon ang sabi mo sa sarili mo kahit anung trabaho pa yan at nasabi mo rin nga na kahit anung pasweldo ay ayus lang basta magkaroon ng trabaho ay papasukin mo… MAALALA MO KAYA yung mga panahon na iyon?

At ngayon nga na binigay sayo ang trabaho bakit tila parang nagbago yung ihip ng hangin?

Dami mo ng reklamo at kung minsan nagbabanta ka pang di umano ay aalis sa kumpanya?

Hindi mo ba alam na maraming naghahangad na maluklok sa pusisyon mo ngayon dahil sa hirap makahanap ng trabaho? MAALALA MO KAYA ang ganitong sitwasyon ng buhay ngayon?

Wala namang masamang magreklamo o dumaing kung nasa lugar, may mga bagay-bagay naman na pwede mong pagpasensyahan lalo na kung maliit na bagay lang, oo alam ko na kahit maliit na bagay lang dapat bigyan pansin pero hindi dapat dumating sa punto na ito ang maging dahilan para maging bugnutin kang tao na kung saan dadating sa punto na ito pa maging dahilan para mag-resign sa trabaho. Wala namang masama sa pagreresign pero hindi ito ginagawa ng biglaan dahil lang sa pagkadisapoint mo sa isang maliit na bagay. Pero paano ba sukatin at malaman kung alin yung ituturing mong maliit o malaking isyu?

Para sa akin ganito… una sa lahat alalahanin natin na ang unang dahilan kaya natin pinasok ang buhay empleyado ay dahil gusto nating kumita ng pera! That’s it!!!

Alalahanin natin na hindi tayo naparoon o naparito para maging Messiah o tagapagligtas na kung saan tagapag-tama ng mali or tagapag-ligtas ng mga inaapi. Its good to be nice but remember it’s a great thing to be wise… walang masama na tumulong sa kapwa at bigyang pansin ang mga dapat bigyang pansin pero huwag mong kakalimutan ang misyon at layunin mo kung bakit ka pumasok sa kumpanya na ito…Pumasok ka sa pagiging empleyado hindi para itama yung masamang ugali ng ka-opisina o amo mo, hindi mo pinasok ang buhay empleyado para akayin na maging makadiyos ang mga ka-departamento mo, ang dahilan kung bakit mo ito pinasok ay dahil sa pera! Sa sweldo! Hindi dahil sa mukha kang pera kundi kailangan mo ito para magamit mo sa pagsuporta sa sarili mo, sa pamilya mo at sa pagtataguyod mo sa iyong mga pangarap… Yun yon! Kung bakit ka naririyan ngayon… Sana MAALA-ALA mo…

Ngayon kung sasabihin mo sa akin na disapointed ka sa trabaho mo kasi kupal amo mo or katrabaho mo eh tangunin mo ang iyong sarili kung bakit mo pinasok ang buhay empleyado? Dahil ba sa social life?

At kung sasabihin mo rin sa akin na disapointed ka sa trabaho mo kasi bitin yung mga perks or bonuses na ibinibigay ng kumpanya eh tanungin mo rin ulit ang sarili mo na kaya mo ba pinasukan ang trabahong iyan ay para sa mga perks-perks na yan or dahil sa sweldo? Ano ba matimbang sayo? Bonus or Sweldo? (it’s a retorical question isn’t)

Syempre sino ba naman ang may ayaw nung kumikita ka na at masaya ka pa sa trabaho mo o masaya ka sa mga kasama mo sa trabaho na may kasamang perks at bonuses pa syempre lahat naman tayo di ba gusto yan? Pero kung paiiralin natin yung scarcity mentality na kung saan hahanap ka lang ng hahanap ng butas sa isang kumpanya ay tiyak ako na wala kang makikitang kumpanya o kahit amo na walang kapintasan.

Okay eto na, para masukat mo kung alin ang malaki at maliit na isyu sa buhay empleyado ay simple lang. Kapag ang naapektuhan na ay ang sweldo mo. Kung ang kasunduan ninyong pasweldo sa iyo ay hindi nagagampanan ng kumpanya o amo mo, dito ka na mag-REBELDE!!! Pero hinay-hinay parin, ibig ko lang sabihin kapag eto na ang naging isyu ay dapat maging maagap at mapunyagi tayo para maaksyunan ito, ituring na natin itong malaking isyu pag sweldo mo na ang naapektuhan dahil para sa akin ay parang winawalang bahala na ng kumpanya o ng Amo mo ang iyong serbisyo at dapat maging malinaw natin kung kaya pa ba nila tayong paswelduhin, marapat na malaman natin ito ng maaga para makapagbalot-balot na at makahanap ng ibang pagkukunan ng hanap buhay. Pero kung ang isyu ay hindi konektado sa sweldo mo ay i-consider mo na lahat ng mga nararanasan mo ngayon wheter okay or hindi ay kasama sa ibinabayad sayo ng kumpanya.

Sa huli ang nais kung ipunto sa artikulo na ito ay bago ka magreklamo o ma-badtrip sa kung sino man o sa kung anu man ay linawin muna natin sa ating sarili kung bakit ka ba naririyan sa kumpanyang pinagtratrabahuhan mo? Bakit naririyan ka sa posissyon na ginagampanan mo?

Kung bad trip ka na dyan tanungin mo ulit sarili mo bakit ka nagtyatyaga pa? wala ka ng mapasukan? Maaring yan na ang the best company as of now para sa iyo o baka naman tinatamad ka lang humanap pa ng iba? Kung ganoon hindi kumpanya may publema kundi ikaw kasi dahil sa katamaran mo ay yan ang nagiging kapalit… I hope you see the logic.

Whatever or whoever you are today, you cannot deny the fact that you let it happened to you… Sana maalala mo toh…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: